Chapter 8
*FLASHBACK*
Late na ako! Shit!
First day na first day of school tapos late pa ako! And worse, hindi ko alam kung saang room ang first subject ko!
Halos maikot ko na ang buong building hanggang 5th floor kakahanap ng room ko. Pawis na pawis na ang mukha ko, pati na rin yata kili-kili ko.
Haggard much! Huhuhu
Lakad lakad lakad.
Gusto ko nang maiyak dito. Jusko naman! Sa liit ng university na 'to, di ko parin mahanap ang lintek na room na yan!
30 minutes na akong paikot-ikot dito. Lahat ng tinatanong ko eh maling room naman ang tinuturo sakin. Yung iba freshies lang din na tulad ko kaya di rin alam.
Nawawalan na ako ng pag-asa at nag-iisip na lang kung saan ako kakain nang may tumapik sa braso ko kaya napalingon ako sa taong yun.
"Uhm... Kanina pa kasi kita nakikitang paikot-ikot ng building. Naisip ko lang na baka tulad rin kitang naghahanap ng classroom." sabi ng isang demigod, ay este, gwapong lalake na freshie din yata tulad ko.
Bigla naman akong nahiya sa haggard face ko kaya napayuko ako bago sumagot.
"Oo eh. Kanina pa ako pinapaikot ng mga pinagtatanungan ko."
Sinulyapan ko siya at nakatingin siya sa hawak kong COR.
"CE ka rin pala. Anong section mo?" tanong niya.
Agad kong tinignan ang COR ko para malaman ang section ko.
"1-A. Ikaw?" ako.
"Ako rin! Magkaklase tayo." Lumiwanag ang mukha niya at hinablot na ang kamay ko sabay takbo. "Tara! Alam ko na kung saan ang room natin. Tinanong ko kanina sa dean's office."
Eto naman ako at nagpatianod nalang sa paghila niya. Mas nagmukha pa yata akong haggard nang makarating kami sa classroom namin na nasa kabilang bundok, este, kabilang building pa pala.
"Good morning, ma'am. Sorry we're late." bati ni... Sino nga ba siya?
"Take your seats." masungit namang sabi ng prof namin na mukhang nangangain.
Umupo kami sa pinakalikod since yun nalang ang may bakanteng pwesto.
Nakita ko sa may gintang row si Soreen na may tingin na nagtatanong kung sino ang kasama ko.
Nagpatuloy na rin sa pagdidiscuss ang prof namin tungkol sa subject niya. Tungkol iyon sa rules at chapters na ididiscuss namin sa buong sem.
Nang nagdismiss ang prof namin ay nilapitan agad ako ni Soreen.
"Saan ka ba nanggaling? Bakit late ka?" tanong niya.
Napakamot ako sa ulo ko at napangiwi nang sumagot, "Eh kasi di ko alam kung saan ang room natin."
"Ayan kasi at hindi ka sumama sakin na mag-ikot sa campus nung Sabado! Edi sana hindi ka naligaw! Huuuu!" pagsesermon niya sakin. Beastmode na si Bes! Hahaha
Sorry naman. Eh sa meron kaming pinuntahan ng family ko nung Sabado.
Patuloy lang sa pagsermon sakin si Soreen at natatawa nalang ako nang may tumapik sa balikat ko.
Paglingon ko kung sino yun eh si Mr. Demigod pala. Hihihi
Naglahad siya ng kamay at nagpakilala sa akin. At last!
"I'm Lance Patrick, by the way. Di pa pala ako nagpapakilala."
Tinanggap ko naman ang kamay niya at nakipag-shakehands.
"Ianna. Ianna Gersen." pakilala ko rin with my winning smile. "Salamat nga pala kanina."
"No worries. Sige mauna na ako." nakangiti nita ring tugon.
At yun na nga, umalis na siya...
Tangay ang puso ko.
*END OF FLASHBACK*
---
Nakanampupu. Sorry sa late update. May nagbabasa ba nito maliban sa ever supportive kong friend na si @notgracy? Lol. Feel ko ang heavy nung emotions ng story kaya gagaanan ko ng slight. Hihihihi. Kaya kung mat suggestions kayo eh comment or PM me. Love you ppl!
-Author-nim
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
General Fiction"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...