Chapter 25

68 1 1
                                        

Chapter 25

Alas dose na ng hatinggabi kaya wala na akong mahanap na pampasaherong jeep. Ayaw ko naman na istorbohin ang driver namin at magpasundo. Kaya no choice ako na magtricycle.

Sakto naman na may iilang tricycle sa labas ng campus. Lumapit ako sa isa dun at pumayag naman ito agad na ihatid ako sa subdivision namin.

Gulat na gulat nga ang driver nito nang makita ako. Siguro ay dahil sa itsura ko. Alam ko rin na di safe ang pagsakay ng tricycle sa ganitong oras dahil baka holdaper ang masakyan ko.

Wala na akong pakealam sa maliliit na detalye na ito basta ang alam ko ay kailangan kong mahanap si Chio ngayon. I need to explain myself.

Ang lamig na nang hangin na sumasalubong sa tricycle na sinasakyan ko at nasasagap ko lahat ito kaya di ko na naiwasang medyo manginig.

Sa labas na ako ng subdivision bumaba at nagbayad agad ako sa driver. Malapit lang naman doon ang bahay nila Chio.

Binati ako ng mga guard kahit na mukhang nagtataka sila. Tinanguan ko lang sila at mabilis na tumakbo patungo sa bahay nila Chio.

"Manang Leslie! Manang Leslie, pabuksan po ng gate!" tawag ko sa katulong nila Chio mula sa loob.

Oo, wala na akong pake kung mabulabog ko ang buong bahay nila. Ang alam ko ay wala ang parents ni Chio dahil may out-of-town meeting ito for 2 days.

Di naman nagtagal ay pinagbuksan ako ng gate ni Manang Leslie na aligaga at di mapakali.

"Naku, Miss Ianna! Buti dumating kayo! Nagwawala po kasi si Sir Chio pagkadating na pagkadating niya kanina. Ano po bang nangyari?" nag-aalala niyang banggit sa akin.

Pagkapasok ko pa lang sa sala nils ay tumambad sakin ang mga basag na vase. Yung mga katulong nila ay tila natatakot na nakatayo sa isang tabi.

"Manang, nasan po ba siya? Uhm, siguro po linisin niyo nalang po itong mga nabasag na vase." mahinahon kong sabi sa kanya.

Kinabahan ako dahil sa mga nakita ko. Never pa nagwala si Chio. Ayaw niya ng nakakabasag dahil maaring pagalitan siya ng mommy niya lalo pa ngayon at collection ng mommy niya ang vases na binasag niya.

"Nasa kwarto niya po si Sir Chio kaso po ay nilock niya ito." maagap niyang sagot habang kausap ang ibang katulong.

"Akin na po ang spare key ng kwarto niya. Ako na po ang bahala sa kanya." hinihintay kong kunin ni Manang Leslie ang susi nang biglang nakarinig ako ng isang malakas na pagkabasag ng kung ano.

Nang maiabot niya sa akin ang susi ay mabilis kong inakyat ang hagdan ng bahay patungo sa kwarto ni Chio.

Ginamit ko ang spare key ng kwarto para mabuksan ito. Pagkabukas ko niyon ay may narinig ulit akong pagkabasag.

Pagpasok ko ay muntikan pa akong matalisod dahil sa picture frame na basag at nasa sahig.

Pinulot ko ito at nakitang picture namin ni Chio iyon.

"Chio? Please mag-usap naman tayo." tawag ko sa kanya matapos isarado ang pinto.

Kinakabahan ako sa maaring mangyari. Alam kong galit na galit si Chio. Napakagulo ng kwarto niya.

Maya-maya ay lumabas siya galing sa banyo ng kwarto. His hands were dripping with blood. His eyes were bloodshot and it was looking directly at me.

"Bakit ka nandito?! Doon ka na sa walanghiya mong kabit!" galit niyang sigaw sa akin.

"Please Chio, Let me explain. Mag-usap tayo." sa sobrang takot ko ay naiyak na ako.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon