Chapter 19

51 3 1
                                    

Chapter 19

Pagpasok namin ni Chio sa mall ay dumirecho kami sa 4th floor at pumila siya sa sinehan para bumili ng ticket. Ni hindi niya ako tinanong kung anong gusto kong panuorin.

"Tara muna sa Timezone. Last full showing kinuha ko eh." sabi niya habang nakangiti sakin at hinila ako sa Timezone.

Nagpahila nalang ako sa kanya dahil ayaw ko naman na masira ang magandang mood niya kahit na mukhang di talaga siya masaya.

Pagkakuha niya ng card ay dumirecho siya sa basketball game doon.

"Pag naka-shoot ako ng more than 50, ikikiss mo ko ha?" excited niyang sabi.

Natawa naman ako dahil dun. Bukod kasi sa soccer ay magaling din sa basketball si Chio. Yun ang una niyang kinahiligan, pero nung napunta siya ng Japan at na-introduce sa kanya ang soccer ay naadik na siya dito.

"Hmmm. Sige. 1 kiss for every shot after 50. Okay ba?" natatawa kong sabi.

Tumango siya at iniswipe na ang card tsaka nagsimulang magshoot.

Di ako nagkamali at nakalagpas siya ng 50 shots. He garnered 86 shots within 2 minutes. Hinarap niya ako ng may malapad na ngiti. Napangiti na rin ako. He's really a ray of sunshine.

"Paano ba yan? 36 kisses yun. Ready mo na yung lips mo. Hahahaha." Inilapit niya ang mukha niya sa akin.

Dahil sa sinabi niya ay naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Why does he have to say that?

He wiggled his eyebrow at mapanuyang ngumiti.

Nagpigil ako ng ngiti dahil ang cute niya tignan. He looks sexy and innocent at the same time.

*Chup*

I kissed him on the cheek. Tumawa ako nang makitang kumunot ang noo niya.

"What?" natatawa kong tanong.

"Akala ko ba isang kiss bawat shot after 50? Tsaka bakit sa pisngi lang?" then he pouted his lips.

Ang cuuuuuuuuuuuuuute~ Hihihihi

"Bakit? Saan mo ba gusto?" patuloy parin ako sa pagtawa kaya tinatakpan ko ng palad ang bibig ko.

Ininguso niya lalo ang lips ko telling me na sa lips ko.

"Eeeh? Ang dami nung 35 eh! Sa cheeks nalang. pleeeeeease~" Nagpacute pa ako para umeffect. Hahahaha.

Umakto siyang nag-iisip pero agad naman siyang tumingin sakin.

"Hmmm. Sige." Pagkasabi niya nun ay nilapit niya ang pisngi niya sakin.

Luminga ako sa paligid namin at napansin na medyo marami na ang nakatingin sa amin. Chio seemed oblivious about it. Palibhasa sanay siya na pinagtitinginan.

"Ehh.. Kailangan talaga dito kita ikiss? Ang daming nakatingin eh." may pag-aalinlangan kong sabi sa kanya.

Hindi siya nagpatinag. Tinignan niya ako sa mata at ngumiti.

"I don't care if they see us. I want them to know you are my girl."

Napaawang ang bibig ko. Heat crawled inside my heart. Butterflies started knocking the walls of my stomach. I don't know how to react to what he said.

Without uttering a word, I hugged him. I feel so happy. So damn happy.

I kissed him sa cheeks. Pinaulanan ko siya ng halik. I know it was never enough.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon