Chapter 46

70 1 8
                                    


Chapter 46

Magmula noong nabroadcast ang interview kay Chio kung saan kinumpirma niya ang engagement naming dalawa ay laging binabaha ng notifications sa social media. Ang iba ay pinupuri ako at si Chio habang ang iba at madalas kong nababasa ay mga hate comments. Di daw kami bagay ni Chio. I was just some famewhore.

Like, what the actual fuck are they saying?! Ni hindi pa nga nila ako nakikita personally. Hayyy. People and their twisted minds.

There are days na hindi ako naaapektuhan sa mga comments nila at di ko nalang pinapansin ngunit may mga araw talaga na gusto ko nang umiyak. Lalo na nang may nabasa akong comment na ikinakaba ko.

I bet this engagement will be called off sooner. Michio will meet someone more worthy and you will be dumped.

Galing iyon sa isang international fan. Simula nang matanggap ko iyong email na may mga pictures ni Chio at ng isang babae, tila naging paranoid ako.

The girl's identity is still a question to me dahil dim lang ang light nung sa picture at di ko gaanong maaninaw ang mukha ng babae.

Chio still called every day at sa tuwing magkausap kami ay kinakabahan ako. I was scared that he'd tell me that he'd break up with me or something. That never came, though.

Sa tuwing magkausap kami ay inuupdate niya ako sa mga ginagawa niya at kinukumusta ang pag-aaral ko. He'd tell me that he's excited to come back to the Philippines. He'd also ask me kung may mga nambubully daw ba sa akin.

"I'm so excited to see you tomorrow, baby." Malambing na sabi niya habang magkausap kami sa skype.

Bukas na ang balik niya sa Pilipinas at one week siyang magsstay dito. Sa makalawa pa ang interview naming dalawa kaya sabi niya ay susulitin niya ang bakasyon niyang ito para makasama ako.

"Me too, baby. I think I won't be able to sleep tonight." Nakangiti kong sagot habang yakap ang teddy bear na pinadala niya sa akin last week.

Alas otso ng umaga sa Japan ang flight ni Chio. Isang oras mahigit ang biyahe ng eroplano at nagvolunteer akong susunduin siya. Kaya naman alas nuebe sa Pinas ay dapat nasa aiport na ako.

Matutulog na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Nang buksan ko iyon ay nakita kong isang email iyon. Binuksan ko iyon at kinabahan nang nakitang pictures na naman ang laman nito. Magkaibang email ito at ang naunang nagsend sa akin noon ng pictures ni Chio.

Binuksan ko ang isa nito at nakita ang picture ni Chio kasama ang isang babae. Mula sa malayo ang kuha at mukhang naka-zoom in lang. Ang picture na iyon ay mula sa labas ng bahay na tinutuluyan ni Chio sa Japan.

Binuksan ko ang kasunod na picture at ngayon ay magkahalikan na si Chio at ang babae. Muli ay di ko maaninaw kung sino ang babae dahil medyo madilim ang picture.

Natulala ako at napaawang ang bibig. My mind wandered on whatever might have happened after that picture. Ayokong tanggapin ang mga naiisip ko ngunit masyadong marahas ang pagpasok nila sa isipan ko na hindi ko magawang isawalang-bahala.

I violently shook my head in the hopes of shaking those thoughts away, too.

"Hindi. Hindi totoo yun. May gusto lang manira sa aming dalawa. Hindi magagawa ni Chio sa akin iyon." Paulit-ulit kong bulong sa sarili kahit na tumutulo na ang aking mga luha.

I tried keeping my mind on what Chio always tells me. Na mahal niya ako at ako lang ang tanging babae na mamahalin niya. Na wala siyang pakealam sa ibang babae kahit gaano pa sila kaganda at kasexy.

You are the only one for me. The rest does not matter.

Iyan ang lagi niyang sinasabi sa akin.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon