Chapter 28

66 2 1
                                    

Chapter 28

Simula na ng finals week kaya dibdiban na ang pag-aaral namin. Pasahan na rin ng sandamukal na plates kaya may mga gabi na halos di na ako natutulog.

In spite of that, I still find time to stalk Chio online. I need to be updated about everything he does.

I can't believe it!  From being the one person he always chased, I've been demoted to being a stalker-ish fangirl.

I tried everything to get his attention. To make him reply to my comments on IG... Pero wala!

Well, he doesn't reply to anyone, so I guess it's a good sign.

Since that interview I've watched, parang naghimala ang langit at biglang naging active si Chio sa social media.

Palagi na siyang may post sa IG. Be it one of his photoshoots or just a dish of cuisine he ate at lunch.

Dumalaw ako sa hospital after I finished all the exams. I was a bit happy these past few days dahil sa mga balita kay Chio.

His schedule abroad was so hectic. Maraming photoshoots na kailangang gawin at tv guestings na dadaluhan. Meron ring mga social events for the elite.

Napabuntong-hininga ako nang may narealize.

Big time na si Chio. Kung dati ay ramdam ko na ang layo ng mundo namin, ngayon ay mas lumayo pa ito.

"Dad, Chio's so famous now. You need to wake up and see for yourself." kwento ko kay daddy.

I browsed Chio's schedule again and natulala ako sa isa doon. Nasa pinakadulo ito.

Nakasaad doon na next month ay pupunta ng Manila si Chio. And it is for a vacation!

I felt excited and at the same time ay kinakabahan.

The last time we saw each other was the time I broke him. We never even talked properly that time. Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya.

I don't even know if he still hates me for that... And if he still loves me.

Kasi ako, mahal ko parin siya. Sa bawat araw na wala siya ay lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Distance didn't matter.

Kung dati ay di ko naipadama sa kanya ang pagmamahal ko, ngayon ay handa na ako para mag-effort na maipakita iyon sa kanya.

I'll do anything just to make him see how much I love him.

--

It was a lovely morning, nandito ako sa isang café at hinihintay sila Soreen na dumating. Napagkasunduan namin na gumala today since tapos na ang exams at start na ng summer vacation.

Di rin nagtagal ay dumating na sila isa-isa. Naunang dumating si Reila at huli si Ginny.

"It's good to see that you're getting a hang of your self again, Ianna." sabi ni Soreen after uminom sa tasa ng black coffee.

Soreen likes her coffee hot and black. Siya lang sa amin ang ganito.

Sumimsim muna ako sa aking frappe bago siya nginitian.

"Huh?" pa-inosente kong tanong.

Inirapan niya ako na parang sinasabing 'wag ko siyang lokohin.

"Well, nag-aayos ka na ulit at mukhang kumpleto na ang tulog mo gabi-gabi dahil nagla-lighten na yung eyebags mo. Is there a good news?" pagpapaliwanag niya kahit alam niya naman na naiintindihan ko ang point niya.

"Hmm... I'm happy kasi..." pabitin kong sabi.

They were all waiting for my answer. Nakatukod na nga ang siko nila Reila at Raina sa table eh.

"Kasi?" naiinip na tanong ni Ginny.

"...Kasi uuwi na si Chio sa Pinas!" masaya kong pagpapatuloy. Halos isigaw ko na nga iyon sa sobrang saya.

Nung una ay tahimik lang sila pero bakas sa mukha nila ang pagkagulat.

"Talaga?! Uuwi na si Fafa Michio?!" masayang tanong ni Reila after makarecover sa pagkabigla.

Tumango ako na parang bata habang nakangiti na halos mapilas na ang mukha.

"That's... great!" nag-aalangang sabi ni Soreen. "Pero handa ka na bang harapin siya? Anong balak mo pag nagkita na kayo? Gosh! Magkatapat lang kayo ng bahay."

Tumawa ako ng mahina at tinapik ang kanyang balikat. "Bespren, chill! Inihanda ko na ang sarili ko sa pagdating niya."

"Nag-aalala lang naman ako. Paano kung awayin ka niya?" mukha talagang nag-aalala si Soreen. Bakas sa kanyang mukha ito.

"Okay lang kahit awayin niya ako  basta makausap ko siya ulit. Kailangan kong magsorry. Ni hindi ko pa napapatunayan sa kanya na mahal ko talaga siya." malungkot akong ngumiti sa kanya.

"Tsaka masyado siyang maraming effort sakin dati. Ngayon, oras ko naman para mag-effort at patunayan sa kanya na totoong mahal ko siya. Hinding-hindi ko siya susukuan." dagdag ko pa.

"Hay, Ianna! Basta lagi mong tandaan na nandito lang kami ha? Pag nagkaproblema ka o malungkot ka, nandito lang kami." sabi naman ni Raina.

"Thank you, guys. Nung una, nung niloko ako ni Lance. Tapos ngayon naman, kay Chio." nginitian ko sila isa-isa at niyakap naman nila ako.

"Naku! Tama na nga iyang drama! Manuod nalang tayo ng movie. Ano? Game?" pag-aaya ni Janus.

"Game!" sagot naman ni Reila.

Inubos namin ang mga iniinom namin bago umalis sa café at nagtungo na sa mall para manuod ng sine.

As usual, it was a novel-based sci-fi movie. Nabasa ko na ito at matagal na rin naming napagplanuhan na panuorin ito.

Tahimik lang kaming nanunuod maliban nalang sa ocassional na palitan namin ng kumento tungkol sa pinagkaiba ng book at movie o kaya sa artistang gumanap.

Maggagabi na nang nakalabas kami sa mall. Kumain pa kasi kami sa jollibee bago umuwi.

Kanya-kanya kami ng daan pauwi. Kasabay ko sila Reila at Ginny sa jeep.

Pagkarating ko sa bahay ay naglinis muna ako ng katawan tsaka ako nagbukas ng twitter.

May bagong tweets si Chio. Ang iba ay tungkol sa schedule niya ngunit naagaw ng isang tweet ang atensyon ko.

'Kyoto Yui you are such a cutie :')'

Parang papel na nilukot ang mukha ko habang binabasa iyon.

Who is Kyoto Yui? What's with her that Chio finds cute?

Ugh! Tell me that Kyoto Yui is a little kid or an anime character or a dog!

What?

Really, Ianna? A dog with a surname?!

Damn this! Chio, don't be in love with someone else.

Don't throw away our 4 years.

Don't forget about me.

Just don't.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon