Chapter 39
"Baka nakakalimutan mo na break na tayo, Ianna. Almost six months na. Move on. You have to realize that your fate's not with me. Kasi ako, I completely realized that already."
Paulit-ulit iyon sa aking isipan. Halos hindi ako makatulog kinagabihan noon. If I wasn't crying, I wouldn't fall asleep. Nagtuloy-tuloy iyon for about some nights.
During the day ay nasa tabi lang ako ni daddy para bantayan siya at dahil na rin matagal siyang na-comatose kaya ngayon ay lagi akong nakikipagkwentuhan sa kanya. Gusto kong makabawi sa mga times na wala siyang malay.
I pretended that everything was fine whenever I'm with dad. I don't want him to worry about me. Right now, he needs to be happy para mas mabilis siyang makarecover. That's what the doctor told us. He told us not to stress daddy.
"How time flies, my princess." Dad blurted out of nowhere habang nagtatawanan kami. Hinawakan niya ang aking kamay at ipinatong ko naman ang isa ko pang kamay sa kamay niya. "Dati ay napakaliit mo pa. Ngayon ay dalaga ka na and you're almost graduating college. I feel old."
Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niyang iyon. Para kasi siyang bata na nagrarant sa nanay niya. The look on his eyes was nostalgic. Like it was seeing the old good days.
"Me too, daddy. I feel old." Sang-ayon ko naman sa sinabi niya kanina.
"Sooner or later, I'll have to give you to someone and become his queen. I hope that guy's Chio." My smile almost faltered. My heart aches knowing that dad wants Chio to be the one I marry.
Dad, I'm sorry, but,I guess it won't be him.
Gusto kong sabihin iyon sa kanya ngunit alam kong magtatanong siya ng tungkol sa paghihiwalay namin. It would cause him to worry about me. He always worry about me getting hurt. Ayaw kong maging hadlang iyon sa paggaling niya kaya mas pinili kong sarilinin ang problema ko.
"Sana nga, daddy." Sagot ko nalang.
Nginitian niya ako at saka may biglang kumatok sa pinto. Nang bumukas iyon ay bumungad si Chio dahilan kung bakit ako napatayo.
"Hi, tito." Bati niya kay daddy.
"Pinapunta ko si Chio para di ka naman mabagot. Lagi nalang ako ang kasama mo." Paliwanag ni daddy nang nilingon ko siya.
Lumapit si Chio sa amin at umupo sa kama. Nakaharap siya sa akin ngayon at naramdaman ko nalang ang sakit sa aking dibdib nang maalala ang mga sinabi niya nung isang araw.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya habang siya naman ay nakangiti kay daddy.
"Tito, nagpahanda na po ako ng meryenda sa mga katulong niyo. May pinadala kasi si mommy na mango float." Sinulyapan ko lang siya habang parang tanga na nakaupo sa harap niya.
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
General Fiction"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...