Chapter 31

71 2 1
                                    

CHAPTER 31

After ng dinner sa bahay nila Chio ay nanatili muna ako sandali sa bahay nila.

We had a little chat with Yui. Siya pala iyong babaeng kasama namin sa dinner kanina. Siya rin iyong tinutukoy ni Chio sa tweet niya last time.

Inaamin kong nakaramdam ako ng konting pagseselos sa kanya.

Naikwento niya kasi sa amin na palagi silang magkasama ni Chio sa Japan. Kamag-anak niya raw kasi ang CEO ng agency kung saan nagtatrabaho si Chio at magkalapit lang daw ang kanilang tinitirhan.

She's pure Japanese pero fluent siya sa ingles. Nag-aral daw kasi siya sa amerika ng dalawang taon.

Kung titignan mo siya ay iisipin mong di siya galing sa isang marangyang pamilya. Mayaman sila ngunit ulila na siya sa magulang kaya naman ang tito niya na ang nagsisilbing guardian niya.

Sa pisikal na anyo niya naman ay mapapansin mo ang pagiging petite niya. Mas matangkad pa nga ako sa kanya ng konti. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang labi. Halata rin na hindi natural ang kulay ng buhok niyang reddish brown.

Palangiti siya at madaldal. Siya ang tipo ng tao na masarap kasama. Ang dami niyang tanong sa kay tita tungkol kay Chio. Paminsanan rin ay tinatanong niya ako tungkol sa aking sarili.

"Ianna, what degree are you taking up?" tanong niya sa akin patungkol sa aking kurso sa kolehiyo.

"I'm taking up Bachelor of Science in Civil Engineering." Nakangiti kong sagot sa kanya. "How about you, Yui? Are you studying there in Japan?"

"Yeah! I'm taking up Media Arts." Masaya niya namang sagot. "Your degree is quite difficult, I heard. Chio told me once that he was also taking up that degree. Though he needed to stop it to pursue his modeling career."

Her eyes shined with sympathy. Tila ang pagsasama nila ni Chio sa Japan ay nagbigay ng malaking impact sa buhay niya. Sa kalagitnaan ng pagkkwento ni Yui ay umalis ang mga magulang ni Chio. Sabi ni tita ay magpapahinga na daw sila.

"He told me he really wants to be a Structural Engineer someday, but he also wants to become a model. My uncle offered him the job two years ago, but, he rejected it. So when he showed up at the company months ago, my uncle was really shocked." Pagpapatuloy niya sa kwento habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig.

This is a story I never knew. This is a story I think I need to know.

"My uncle then gladly arranged the contract for Chio. After the contract signing, famous brand names' endorsement offers for him flooded. Chio never said no to a single one. His manager once told him to take it slow and have some rest once in a while, but, Chio would say he wants it. He wants to be busy."

Ganoon pala ka-sikat si Chio na nag-uunahan ang mga kilalang brands para kunin siyang endorser. Hindi ko naman kasi naisip iyon dahil napaka-down-to-earth niyang tao. Mabait nga siya sa mga fans niya eh. Pumapayag siyang magpapicture sa ibang tao na nakakasalubong niya sa kung saan man. He would never complain.

"And when the day's work is done, he would go to this particular bar there in Japan. He would drink 'til he's drunk. The bar's manager knows him well enough that he calls me when Chio's too drunk to get home."

This part of the story shocked me. I've never seen Chio drunk. Ni hindi nga siya umiinom ng alak noong nasa Pilipinas pa siya eh.

Mas lalo akong nabagabag dahil dito. Nagbago na nga siguro si Chio. Nagbago siya dahil sa nagawa ko. Kung sana ay di ako nagloko...

"Hey, Ianna? Are you okay? You're spacing out." Pag-aalala ni Yui.

Medyo di ako mapakali sa inuupuan kaya tumayo ako at napagdesisyonan nang magpaalam.

"Ah, Yui... I need to go home. It's getting late. Nice meeting you. Goodnight." Nahihiya kong sabi.

Sa sinabi ko ay napatingin siya sa kanyang wristwatch na kulay puti.

"Oh, okay. Where do you live? Do you have a ride home?" tanong niya.

Umiling ako at nginitian siya.

"No. I just live across the street."

"Oh, good." Naglakad na kami palabas. Nagulat ako nang nagbow siya. I guess that's Japanese etiquette. "Goodnight, Ianna."

"Goodnight, Yui." Awkward akong tumango at lumabas na rin ng gate.

I didn't know that Yui girl will be so kind. And I think siya din ang naging sandalan ni Chio nung mga panahong wasak siya dahil sa akin. She could be a good choice for Chio.

Tiningala ko ang kwarto ni Chio na nasa harap ng second floor ng bahay nila. Sa ngayon ay hindi ko siya nakausap. Umaasa ako na bukas ay magkausap na kami. We need to finish what's left undone. Kung mapapatawad niya pa ako o hindi. Kahit ano ay gagawin ko para lang sa kapatawaran na iyon.

Hatinggabi na ngunit di parin ako makatulog. Iniisip ko ang pagkikita naming muli kanina ni Chio. Halos limang buwan lamang siyang nawala ngunit parang ang laki na ng pinagbago niya. Siguro nga ay ganoon kapag nasaktan ka.

When a person gets hurt, he or she changes. The world wouldn't seem like how it is. Beliefs change. There's a change of heart. Some lose their heart. Well, not literally. You know what I mean.

There's just so much a heartbreak could do.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at lumabas sa terrace ng kwarto ko.

Agad kong nakita si Chio na nakaupo sa railings ng terrace ng kwarto niya. Alam kong kwarto niya iyon dahil magkatapat lang kami ng kwarto. Inirequest niya sa mommy niya iyon nang sa ganun ay makita niya raw ako palagi.

Nakaupo siya doon hawak ang isang baso habang iniinom ang laman nito. May bote ng kung ano sa tabi niya. Inaaninaw ko iyon at sa tingin ko ay alak iyon.

Mag-isa lamang siya doon at ni hindi pa napapansin ang aking presensya. May table set sa terrace ng kwarto ko kaya pinili kong maupo doon. Pinagmasdan ko lang si Chio.

Mukhang malalim ang iniisip niya dahil halos 30 minutes na akong nandoon at tinitignan siya pero di niya parin napapansin.

Nang maubos niya ang laman ng kanyang baso ay inilapag niya iyon sa tabi ng bote ng alak. Itinaas niya ang kanyang paa doon sa railings at niyakap ang kanyang mga binti habang nakapatong ang kanyang ulo sa mga tuhod.

Tiningala niya ang buwan at pinagmasdan ito. Ganun din ang ginawa ko. Full moon ngayon at napakaliwanag ng buwan.

Tulala lang si Chio na nakatingin sa buwan, patuloy sa iniisip niya na gustung-gusto kong malaman. Ngayon ko lang nakitang tahimik si Chio. Kapag magkasama kami noon ay napakadaldal niya. Hindi siya nauubusan ng kwento.

Noong nasa Japan kaya siya ay madaldal din siya pagdating kay Yui? Nagjojoke rin kaya siya ng sobrang corny?

Nang yumuko na si Chio ay nagpunas siya ng mga mata. Umiiyak ba siya?

Nang maging kuntento na siya ay tumayo na siya at niligpit ang baso at bote.

Right at that moment ay dumirecho ang tingin niya sa akin. Bahagya akong nagulat at naestatwa sa upuan.

Tinitigan niya ako ng matagal. Ngunit hindi iyon katulad ng tingin niya sa akin kanina.

Sa liwanag ng buwan ay nagmukhang mannequin si Chio. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang kanyang ekspresyon. Nakaawang ng bahagya ang kanyang bibig at ang kanyang mga mata ay tila kinakausap ako.

Hindi rin nagtagal ay natauhan na siguro siya at pumasok na sa kanyang kwarto.

Kumawala ang isang hikbi mula sa akin. Hindi ko maintindihan pero naiyak na lamang ako.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon