Chapter 5

119 3 3
                                    

Chapter 5


1 PM na nang bumalik kami ni Michio sa school. Hinatid niya ako sa next class ko at agaran nang bumyahe pa-Manila para makabalik sa school niya.


His school was an hour drive kaya di na rin siya malelate sa 3 PM class niya. Ilang beses ko na siyang sinabihan na wag na akong puntahan dito sa school sa tuwing mahaba ang free time niya pero ayaw talaga makinig. Ang lagi niyang dahilan eh wala daw siyang matambayan sa school nila.


If I know, ang daming nag-aaya sa kanya na mag-chill out.


He's kinda famous because he's a freelance model kaya di ako magtataka kung maraming nangangarap na maging kaibigan niya. Pati dito sa school ay kilala siya ng mga girls.


"Ianna kailan mo ba talaga sasagutin si Michio? Perfect na kaya kayong dalawa! Tsaka hirap na kayang makahanap ng tulad niya sa panahon ngayon." tanong ni Reila, kaibigan ko na fan din ni Michio.


Nginitian ko nalang siya at umupo na sa tabi niya habang hinihintay na dumating ang prof namin.


Hanggang ngayon di ko parin alam ang isasagot sa undying question na yun. Lalo pa at araw-araw na may isang taong nagpapaalala sakin kung sino ang mahal ko.


Maya-maya rin ay dumating na ang prof namin. Mabilis lang natapos ang klase namin dahil sinabi niya lang na pagpapartnerin niya kami para sa isang term project.


Hulaan niyo kung sino ang malas na partner ko...


Si LANCE PATRICK RAMOS lang naman!


Oo. Malas talaga siya kasi alam kong ayaw niya akong makasama tapos ngayong partners pa kami sa project!


Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Matagal na kasi nung huli kaming nag-usap. Isang taon na yata mahigit. 


Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa prof namin kung pwede akong makipagpalit ng partner. Hindi naman kasi sa ayaw kong makapartner siya pero kasi baka ayaw niya akong makasama.


May kumalabit sakin galing sa likod. Paglingon ko, bumungad sakin ang mukha ni Lance na walang bakas ng ekspresyon. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko.


"B-bakit?" ayan na naman ako at nauutal.


"Kailan mo gustong simulan ang project?" halos maramdaman ko ang pagtagos ng titig niya sa kaluluwa ko.


"A-ah... S-siguro bukas n-nalang." jusko naman! Ianna sasapakin kita eh!


Tumango lang siya at lumabas na ng classroom.


**************


Mabilis na natapos ang araw na iyon. 5 PM nang nakauwi ako sa bahay. Nagtext rin sakin si Michio na pauwi na siya kaya nagbihis nalang muna ako at inihanda ang damit pantulog na dadalhin ko kina Chio.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon