Chapter 15
Lunes na naman at kailangan kong pumasok ng maaga dahil may practice pa kami ng scool band.
Yes, I'm part of the official school band. Ako ang main vocalist. Well, gumraduate na kasi last year yung naunang vocalist kaya ako na ang pumalit.
Madalas kaming magperform pag may event sa school at sumasali din kami sa mga battle of the bands. Malapit na kasi ang intrams kaya nagppractice na kami.
Dalawa lang kaming babae sa banda. Ako at si Lena na sa keyboard naka-toka. Si Jinx naman na mula sa CICT ang sa guitar bass. Si Caleb naman from CAL ang drummer. At si Lance, oo si Ramos, ang sa rhythm guitar.
Dumiretcho na ko sa music room at uminom lang ng tubig saglit bago dumiretcho sa harap ng mic para magsimula na sa practice. 7:30 am pa lang at 1 hour kami magppractice dahil may klase na kami ng 9am.
Lance tapped the guitar as the cue to start and the others followed.
Una naming pinractice ang kantang Photograph ni Ed Sheeran. Isa yun sa ipeperform namin dahil paboritong kanta daw ito ng SG President ng university.
Si Caleb kasi ang namimili ng mga ipeperform namin. Tinatanong niya rin naman ako kung kaya ko yung kanta. Minsan kasi ay sobrang taas nung kanta kaya baka malagutan ako ng litid.
Naka-limang kanta yata kami sa loob ng isang oras. Dalawang beses kasi naming pinasadahan ang bawat kanta. Medyo nawawala rin kasi ako sa tono sa tuwing nahahagip ng mga mata ko si Lance na nakatingin din sa akin. Nakakaasiwa kasi.
Pagkatapos naming magpractice ay naisipan kong dumaan muna sa cafeteria para bumili ng snack. Medyo nagutom kasi ako mula sa pagkanta.
Papunta na ako sa classroom namin nang may biglang humigit sakin papasok sa isang bakanteng room. Nang humarap ako ay si Lance pala ito. Napakunot-noo ako dahil dun.
"Anong kailangan mo Lance?" pataray kong tanong.
Bago pa man may salitang lumabas sa bibig niya ay pinigilan ko na siya at nagsalita na akong muli.
"Kung magsosorry ka dahil sa ginawa mong paghalik sakin nung Sabado, save it. Pagod na akong marinig ang sorry mo. You'll just make me feel awful for that. Now, if you'll excuse me."
Lalabas na sana ako ng room ng hawakan niya ang braso ko. Tinitigan ko iyon ng masama kaya binitawan niya agad.
"N-no, Ianna. I'm not gonna say sorry for that. Gusto lang kitang makausap." mariin niyang bulalas.
"Ano naman ang gusto mong sabihin?" mataray ko ulit na tanong.
"Can you stop being so cold to me?" bumuntong-hininga siya. Medyo nainis naman ako sa sinabi niya. How dare he say that to me?!
"Ako pa?! Ako pa talaga ang cold sayo?! Sino ba sa atin ang umiwas after kong sabihin sayo na mahal kita? Ha? Sino?" I was mad. Medyo hysterical na ako, kulang nalang ay sabunutan ko ang sarili ko.
Napayuko siya at malungkot na ngumiti. "Alam mo, after ng mga sinabi mo sakin nung gagawa dapat tayo ng project, may narealize ako. Narealize ko na I was such a jerk for making you feel like you're not worth it. Na pinaniwala kita sa mga sinabi ko noon sayo pero hindi ko naman tinotoo yun. I pushed you out of my life."
Medyo nanlambot ako sa mga sinabi niya. Ito na ba yun? Yung turn of events na sinasabi nila?
"Now, what? Inaamin mo na ba na duwag ka? Na kaya di mo mapansin ang feelings ko sayo dahil nakakulong ka parin sa apat na pader na ikaw lang din ang gumawa? Na natakot ka lang maloko ulit? Cut the crap, Lance. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap sakin yung pag-amin sayo? Babae ako Lance! All my life, sanay akong minamahal ako ng mga taong mahal ko... Until you came." hindi ko alam kung paano ko namanage sabihin ang lahat ng ito without missing a heartbeat but it was so liberating.
Lahat ng matagal kong kinimkim... Lahat ng gusto kong sabihin sa kanya noon pa man ay nasabi ko na.
"Oo. Duwag ako, Ianna. Minahal ko si Sugar ng sobra pero anong ginawa niya? Niloko niya lang ako. 2 years na ang nakalipas, Ianna, pero yung sakit na iniwan niya nandito parin. Ayaw parin akong lubayan." malungkot siyang ngumiti sa akin bago nagpatuloy, "Nung umamin ka, masaya ako... Pero napalitan din yun ng takot. Paano kung iwan mo ako tulad ng ginawa niya? Paano kung temporary lang yung nararamdaman mo? Sandali pa lang tayong magkakilala nun kaya mahirap pagkatiwalaan ang nararamdaman mo."
Nangilid na ang luha ko dahil sa mga sinasabi niya. Si Sugar na naman... I hate that girl!
"Tapos nalaman ko pa yung tungkol sa manliligaw mo. Lalo akong natakot, Ianna... Pero alam mo Ianna, nang makita ko yung effort mong mapansin kita, medyo nabawasan yung takot ko. Naisip ko na paano kung ikaw yung binigay ng Diyos para mawala yung kalungkutan ko? Siyempre di ko muna ipinakita sayo yun, inobserbahan ko muna. Ilang beses na kitang gustong kaibiganin ulit kaso naaawkward ako. Inisip kong baka di mo rin ako kausapin matapos kitang i-reject. Hanggang sa di na talaga tayo nagpansinan." napailing naman siya.
Gusto kong matawa. It's like some kind of joke.
"Nung nakita kitang umiyak, parang piniga ang puso ko. Gusto kitang lapitan at yakapin pero di ako makagalaw. Takot akong madagdagan ang damage na nagawa ko. Pero ayoko nang magtago, Ianna..."
Kinabahan ako sa linyang iyon. Oo, mahal ko si Lance pero may nagbago... Hindi ko pa mapinpoint sa ngayon pero alam kong meron.
"B-bakit mo ba t-to sinasabi, L-lance?" nauutal kong tanong.
Tinignan niya ako sa mata at ngumiti siya bago nagsalitang muli, "Gusto na yata kita, Ianna."
Napasinghap ako at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Kasabay nito ang pag-ring ng bell.
Walang anu-ano ay tumakbo ako palabas at nagtungo na sa classroom namin.
Hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Totoo ba na sinabi niya iyon o nananaginip lang ako?
Pagdating ko sa classroom ay naupo ako sa pwesto ko at sakto namang dumating ang prof namin. Maya-maya rin ay pumasok na si Lance at naupo na sa pwesto niya sa may bandang likod, alphabetical kasi ang seating arrangement.
Nang makaupo na ang lahat at tahimik na sa room ay nagsalita ang prof namin.
"3A, may bago kayong kaklase. Kilala siguro ito ng karamihan sa inyo dahil sikat siya."
Matapos sabihin ng prof namin yun ay nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko. Tumango ang prof namin sa may pinto at laking gulat ko nang pumasok na ang bagong kaklase namin.
"Kyaaaaa~! Michio Tanaka!" tili ni Reila.
Ngumiti lang si Chio sa kanya at tumingin siya sa akin at kumaway. Napaawang ang bibig ko.
Dito na mag-aaral si Chio? Bakit? Magkasama kami kahapon pero hindi man lang niya sinabi sakin?
Oh Gosh! What is happening with my life? I'm gonna be in a big mess! Ugh!
---
A/N:
OMG! Umamin na si Lance pero what the?! Nagtransfer si Chio sa school nila Ianna!
Ano na kayang mangyayari? Wahahaha! Ang gulo yata ng kwentong ito. Huhuhu
Comment and Become a fan!
Thank youuuuu :*
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
Ficção Geral"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...
