Chapter 9

105 3 1
                                    

Chapter 9

Ilang araw na rin ang lumipas mula nung gawin kong official ang relationship namin ni Chio.

At ang mokong?

Ayun, gabi-gabing nasa bahay namin. Whenever he's available, he's with me.

Todo bulyaw naman ako sa kanya sa tuwing pumupunta siya sa school namin 'pag free time niya. Akala mo eh ang lapit-lapit ng Manila sa Malolos, dagdag mo pa traffic.

We're official pero wala rin namang pinagbago ang treatment namin sa isa't isa. Eh sa sweet na talaga siya sakin noon pa man.

Di ko pa rin nasasabi kay Soreen. Alam niyo naman yun eh napakadaldal. Pati iba kong kabarkada eh di pa alam. Tutuksuhin lang nila ako ng walang humpay edi nagselos pa si Lance.

Woooooooow haaaaaaa! Naisip mo pa talaga yun eh wala namang pake sayo yung tao.

Psh. Leche naman 'tong konsensya ko. Epal forevs. Huuuu.

Nga pala, diba sabi ko kay Lance last friday na Saturday namin gagawin yung project? Ayun at di kami natuloy kasi may emergency daw sa bahay nila.

Siyempre um-okay lang ako. Mahal ko eh. Basta siya, go lang!

Leche ka talaga, Ianna!

Leche ka rin! Pwe!

Tapos dapat din magpapasama ako sa mall kay Chio kasi hahanap ako ng panregalo kay Lance.

Siyempre di na rin ako tumuloy kasi HALLER?! Magpapasama ako sa boyfriend ko para bumili ng regalo para sa taong mahal na mahal ko pero di naman ako mahal kaya nga-nga nalang at iyak sa isang tabi.

Anong kagagahan yan?

Diba nga life mission ko na ang pasayahin si Chio.

Pero kung tutuusin, dapat sinasapok ako eh. Para tuloy akong cheater.

Kaso sa ngayon kasi ang laman pa ng puso ko ay si Lance. Hangga't may katiting pa akong nakikitang pag-asa, di ko siya susukuan.

Hangga't kaya ko pang ipadama ang pagmamahal ko sa kanya, ipapadama ko. Malay ko ba kung isang araw, mapansin niya na rin ako.

Bzzzzt. Bzzzzzt.

*One message received*

*Read*

From: Babe :)

Hi babe. Where are you? Let's eat lunch together. :)

Wag kayong magtaka, si Chio nagpalit ng pangalan niya sa phone ko.

Nakita niya kasi last time na 'Chio Asungot' ang name niya sa contacts ko. Hinayaan ko nalang at baka magtampo pa.

Aish! Pupunta na naman siya dito sa school. Kailangan ko na talaga yatang sumuko sa pakikipagtalo sa kanya tungkol dito.

Bahala siyang mapagod sa pagddrive! Hmmph!

*Reply*

To: Babe :)

Ang tigas talaga ng ulo mo! Tatanong ka pa kung nasan ako eh alam mo naman kung saan ako tumatambay!

*Send*

Alam naman niya kung saan niya ako pupuntahan, kunwari pa na magtatanong. Kainis!

Pero...

Bakit nga ba ang taray ko ngayon? Magkaka-dalaw na kaya ako?

Bigla namang umupo sa katapat kong upuan si Lance kaya naplantsa ng agaran ang nakakunot kong mukha.

"Pwede na ba natin simulan bukas yung project? I might be busy next week." agad niyang tanong sa akin.

Busy? Sa ano?

"It's fine. Pero saan tayo gagawa?" pagsang-ayon ko.

Sana sa bahay nila...

Sana sa bahay nila...

Sana sa bahay nila...

"Sa inyo nalang. Walang tao samin bukas eh. Walang mag-aasikaso satin." sagot niya naman.

Nakapunta na si Lance ng ilang beses sa bahay namin. Lagi kasing doon ang tambayan ng barkada. Eh since friends kami dati so lagi rin siyang kasama sa bahay namin.

Kaso di pa kasi ako nakakapunta sa kanila. Nung time kasi na inimbita niya kami sa bahay nila eh di ako sumama kasi awkward na kami nun.

Pero gusto ko talaga makapunta sa kanila. Kaso parang ayaw niyang ma-invade ko ang bahay nila.

Obvious na ayaw niya akong makapunta dun. Di naman ako shunga 'no!

Housewife yung nanay niya at nasa abroad naman ang tatay niya tapos walang tao sa bahay nila bukas?

Pero malay ko ba at baka magpapa-facial nanay niya bukas diba? XD

Corny ko shit!

"Hmm. Okay. Ipapalinis ko yung terrace para dun tayo bukas." sabi ko nalang.

Natanaw ko naman ang sasakyan ni Chio sa di kalayuan kaya nagpaalam na rin ako kay Lance.

Ngunit bago pa man ako makalayo sa kanya ay hinawakan niya ako sa braso.

Nilingon ko siya at nakita siyang seryoso ang mukha at parang may gustong sabihin.

"Bakit?" tanong ko nalang.

Naramdaman ko naman ang paghogpit ng hawak niya sa braso ko bago ako bitawan ng tuluyan.

"W-wala." nakakunot-noo niyang tugon.

"S-sige. Alis na ako." and with that, pinuntahan ko na si Chio. Di ko naman naiwasang hawakan ang parte ng braso ko na hinawakan niya.

Minsan talaga di ko siya maintindihan.

But his grip made me weak. Muntikan ko nang makalimutan na pupuntahan ko si Chio.

And that's how it was always with him...

I tend to forget the things, the right things, I'm supposed to do when I feel him close to me.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon