Chapter 4
Two years ago...
Ang lakas ng ulan.
Kanina pa tapos ang klase namin pero mas pinili kong manatili muna sa school. Nandito ako sa CHE Building at nakatambay sa bakeshop nila. Hinihintay kong matapos ang Archery practice nila Lance. Malapit na kasi ang Intramurals kaya puspusan ang pagpapractice niya. Gusto niya kasing magfirst place.
Bakit ko nga ba siya hinihintay?
Eh kasi magcoconfess na ako. Di ko na kasi kaya pang itago ang feelings ko para sa kanya. Oath ko na rin kasi sa sarili ko na I won't hide what I am feeling. Kesyo galit, lungkot, saya o inis pa yan. Kung totoo naman iyon eh bakit ko pa itatago diba? Tsaka masama din yung nagkikimkim ka ng saloobin.
Pero kahit ganun ako, kinakabahan ako ngayon. Never pa akong kinabahan ng ganito.
It's like confessing to your parents that you failed Math.
But, that's still an underestimation.
Right now, I'm scared. Scared of rejection. Buong buhay ko, I was always accepted and loved. Rejection is like my greatest fear. I always get what I want.
Madalang lang ako magkagusto sa isang tao. And those times, they reciprocate it.
Pero gaya ng sabi ko, iba si Lance. He is the first guy that I really really liked. He's got me deeply smitten. So deep I'm drowning.
"Uy Ianna, di ka pa pala umuuwi?" bati sakin ni Lance pagkapasok niya sa bakeshop.
Nagulat ako ng slight at lalong kinabahan. Jusko! Itutuloy ko pa ba 'to? Wag na kaya? First time yata umurong ang guts ko.
Tapos nakatitig pa siya sakin ng matagal. Naghihintay ng sagot ko.
Ano nga ulit yung tanong niya? Ang gwapos kasi niya eh! Nakakadistract.
Huy Ianna! Concentrate! Sagot na!
"Payag na ako..." wala sa sarili kong sagot.
Ano daw? Tama ba yung sagot ko?
Wait!
"Pumapayag na?" nagtataka niyang tanong.
Shit!
"Ayy mali! Oo, di pa ko umuuwi. Gusto kasi kitang makausap eh." pagtatama ko. Napapunas ako ng pawis ng wala sa oras. Eh naka-aircon naman dito.
Tanga mo talaga, Ianna! Shunga! Boplaks!
"Ahh. Ganun ba? Di mo nalang sinabi kanina? Naabutan ka tuloy ng malakas na ulan." Yieee. Kikikigin na ba ko? Nag-aalala siya eh. Hihihi
"Eh gusto ko kasi walang ibang makarinig na kakilala natin." awkward akong ngumiti.
Lumapit siya sa table kung nasaan ako at umupo sa katapat kong upuan.
"Ah okay. Ano ba yun?" mataman niya akong tinignan. Feel ko tuloy alam niya kung ano ang sasabihin ko.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Sa iba ko iginala ang mga mata ko at pinaglaruan ko na rin ang aking mga daliri.
"Ah kasi..."
Paano ko ba sisimulan?
Huminga ako ng malalim. Pinikit ko ang mga mata ko at iminulat muli. Humilig sa lamesa para medyo lumapit sa kanya. At...
"Lance..." tinignan ko siyang mabuti sa mata. Ganun din siya at nakangiti pa. "I like you." bulong ko.
Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Lance. I should've expected this would happen.
Well, I've seen this in my mind at niready ko na ang sarili ko para dito pero iba parin pala talaga pag nangyayari na mismo. Dun mo pa lang malalaman kung anong feeling.
Ilang minuto kaming natahimik. Parehong di alam kung anong gagawin. Hanggang sa binasag niya ang katahimikan. Di ako makatingin sa kanya. Hinahanda ko ang sarili ko sa maaaring marinig.
"Ianna."
Napatalon ako ng slight at napasinghap pagkarinig ko nun. Pinagdadasal na sana magising na sa torture na ito.
"Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa ngayon..." pagpapatuloy niya. Nakinig lang ako.
"...Pero alam mo... Mas okay kasi kung magkaibigan tayo. But, thank you. Okay lang naman na gusto mo ako. Hindi ko naman kontrolado yun eh." marahan ang tono niya habang sinasabi yun. Parang nag-iingat siya na mabasag ang isang mamahaling baso.
Pero habang sinasabi niya yu , yung iniingatan ko namang mabasag ang unti-unting nawawasak.
Ang puso ko.
Mali yung sinabi ko eh.
Kulang.
Kasi sa totoo lang mahal ko na siya. Pero natakot kasi ako na masaktan ng sobra kaya "like" lang ang sinabi ko.
Ngunit nagkamali ako. Masakit parin pala. Sana di ko nalang sinabi.
Nagbabadya na ang mga luha sa mga mata ko na kumawala. Ang sakit na ng lalamunan ko sa pagpipigil. Ayaw kong umiyak sa harap niya.
"Ahh... Sige, uwi na ko ha? Baka hinahanap na ko samin eh." tumayo na ako. Pinilit kong itago ang panginginig ng boses ko. Kailangan ko nang umalis.
Pero bago pa ako makahakbang, hinawakan ni Lance ang palapulsuhan ko at sinabi ang mas masakit pang mga salita.
"Ianna, sana walang magbago satin."
Tumango nalang ako. Binitiwan niya ako at lumabas na rin ako agad sa bakeshop.
Pagkalabas ko dun ay agad naman bumagsak ang mga luha ko katulad ng pag-iyak ng langit.
Diri-diretcho ang lakad ko palayo dun. Walang pake kung nababasa na ako ng malakas na ulan.
Nice try, Ianna.
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
Ficción General"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...