Chapter 40
Madilim na sa labas ng bintana ng kwarto ni daddy at nakabukas na ang ilaw ng kwarto. Bumangon ako at nadatnan na wala na si Chio sa kabilang side ni daddy. Siguro ay umuwi na siya kanina habang mahimbing ang tulog namin.
I looked down at daddy.
He looks so peaceful in his sleep. A trace of a smile is on his face. Ayaw ko sana siyang gisingin pero kapag mamaya pa siya nagising ay baka mahirapan siyang makatulog ulit mamaya.
I held his arm, which I noticed was a bit cold, para gisingin siya. Siguro ay di na sanay ang kanyang katawan sa masyadong malamig na environment, though hindi naman nakatodo ang aircon sa kwarto niya.
"Dad." He didn't move when I called his name, so, I decided to tap his arm. "Daddy, gising na po. Baka mahirapan ka mamaya makatulog tsaka kakain pa tayo ng dinner."
Still no reaction.
"Daddy, you need to take your meds pa." at this point medyo kinabahan na ako. Hindi naman kasi mahirap gisingin si daddy. Isang tawag nga lang sa pangalan niya minsan eh nagigising na siya agad.
This time, I even shook him a bit pero wala parin.
I don't wanna be negative pero nagpapanic na ang kalooban ko. I don't know what to do anymore.
Inilapit ko ang tenga ko sa chest niya at pinakinggan ang heartbeat niya pero wala akong naramdaman doon. Mas lalo akong nagpanic.
"Daddy! Dad! Gising!" halos pasigaw na iyon at naiiyak na rin ako. When there was still no response, tumakbo agad ako pababa ng hagdan at hinagilap si mommy sa buong bahay.
"Mommy! Mommy, nasan ka?!"
I found her inside the kitchen. Nilapitan niya agad ako nang nakita ang pagkabalisa ko.
"What's wrong, Ianna?" tanong niya sa akin habang hinahawakan ang braso ko.
"Mom, si Daddy!" I can't even find the words to say. My mind is in a mess.
"What's with your daddy?" nag-aalala niyang tanong.
Umiling ako at lalong umiyak. Hindi ko parin magawang magsalita ng maayos kaya naman nilagpasan ako ni mommy at tinahak niya ang hagdan papunta sa kwarto nila ni daddy.
Sinundan ko siya doon at naabutang tintawagan niya ang doktor at may bakas na rin ng luha sa kanyang mga mata.
Matapos ang pagtawag niya sa doktor ay di siya mapakali. Uupo siya at ichecheck si daddy tapos ay tatayo at pabalik-balik na maglalakad habang nakahalukipkip at umiiyak, uttering words under her breath.
Ako naman ay napako na sa kinatatayuan ko sa nakabukas na pinto. Para akong mahihilo dahil sa nangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko at naroon lang ako at hinahayaang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
Is dad dead?
No, Ianna. Hindi pwedeng mamatay ang daddy mo.
Okay naman kami kanina. Masaya kami kanina kasam ni Chio. It was almost a perfect afternoon for us. What's happening?
Naging mabilis ang pangyayari ngunit parang nasa slow motion ang lahat. Dumating ang doktor ni daddy at mga kasama niyang medical team. Pinalibutan nila si daddy at chineck. Medyo nagkakagulo sila habang ginagawa iyon.
Di rin nagtagal ay lumapit ang doktor kay mommy at umiling ito. I can't understand anything at that moment. Parang nananaginip lang ako at isa iyong bangungot.
Umiyak si mommy at tumabi ako nang inilabas ng medical team ang isang stretcher kung nasaan si daddy. Nakatalukbong sa kanya ang isang kumot and that's when something inside me ticked like a bomb.
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
Genel Kurgu"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...