Chapter 21

69 1 1
                                    

Chapter 21

Hinagilap ko agad ang mga gamit ko sa backstage. I need to get out of here before that bitch comes stumbling in here.

Bago pa man ako makalabas sa pinto ng backstage, may humablot ng braso ko. Nilingon ko ito at nakitang si Lance pala iyon. I looked at him with rage but he just returned that with a frustrated look.

"Where are you going?" tanong niya.

"Away from here." matigas kong sagot.

All of a sudden, recognition hit him. Recognition of the reason why I'm mad.

"Ianna, school fest ngayon so it's expected na nandito ang mga outsiders. It's not like I told her to come here." pagpapaliwanag niya.

Mas lalo akong nagalit dahil sa sinabi niya. Nagpumiglas ako pero mas hinigpitan niya ang hawak sa akin.

"So, you are expecting her!" Ayokong makaagaw ng atensyon kaya mariin at matigas ko itong ibinulong sa kanya.

Suminghap siya at lalong nafrustrate. I took this chance para makawala sa pagkakahawak niya pero sadyang malakas siya.

"Let go of me!" utos ko.

"No. Not until you understand what I'm saying." malamig niyang sagot.

"Let go of--!"

"Ianna?" Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin kasi biglang sumulpot sa pinto si Chio.

Napabitaw si Lance sa akin at nagtataka naman si Chio. Tinignan ko pa ng masama si Lance ng isang beses bago nilapitan si Chio.

"Is something wrong here?" nag-aalalang tanong ni Chio.

Umiling ako at niyakap siya, not caring about Lance. "Nothing. We were just talking."

Humiwalay ako sa yakap at nginitian siya. "Tara libutin natin ang stalls."

Tumango si Chio at hinawakan ang kamay ko tsaka kami umalis doon.

Bago kami tuluyang makaalis ay nilingon ko sa huling beses si Lance at inirapan. And with that he gave me a mad look.

At kung sinuswerte ka nga naman, bago kami makalabas ni Chio sa gym ay nakasalubong namin si Sugar.

"Hi Ianna! Long time no see. Kumusta?" bati ni Sugar sakin. Kilala niya ako dahil pinakilala kaming magkakabarkada ni Lance sa kanya.

"Uhm, hi Sugar. Okay lang naman. Ikaw ba?" hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pero feel ko ay ang ngiti ko dapat ay naging pagngiwi.

Sinagot niya ako at nagkwento pa siya ng kung ano-ano pero di ko na nasundan dahil wala rin naman akong pakealam.

Tinignan ko lang siya. Sugar Almeda... Well, to describe her to you: Maganda siya, yung tipong pwedeng gawing model, Tama lang ang tangkad, maputi ang balat at sobrang kinis, may mahabang buhok na kulot ang dulo, manipis na labi, well-defined brows, hazel brown eyes, at matangos na ilong.

Bago pa man ako mawala sa huwisyo ng tuluyan ay naramdaman kong humigpit ang hawak ni Chio sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakangiting kinakausap si Sugar.

What? Now he's flirting with my boyfriend? Oh, yes! That's what this beautiful face of her is all about. Akala nila santa siya pero ang totoo, lahat ng lalakeng magustuhan niya ay nilalandi niya. I've known many of those guys na naloko niya na. It's one guy for a month for her.

May mga kakilala din akong schoolmates niya who gave me testimonies. The only twist is that she puts on that goody-goody impression kaya kahit sabihan mo ang mga lalake na she's dangerous, they still fall for her stunt.

"Di mo naman sinabi sakin na boyfriend mo pala si Michio Tanaka, Ianna!" natatawa niya pang sabi while looking at Chio na parang bagong laruan.

"Ah yes! We've been together for almost two months now." I told her with my sweetest smile na may kasamang pagbabanta to back off.

"Ahhh. Bago pa lang pala kayo." at tumango tango pa ang bruha. "Gaano katagal ka niyang niligawan? Wala namang naikwento si Lance sakin dati."

"4 years." This time, si Chio na ang sumagot. "If you'll excuse us, gagala muna kami ng girlfriend ko." dagdag niya pa at hinila na ako palayo doon.

Nang makalayo kami ay nakahinga na ako ng maluwag.

"You looked like you wanted to kill her back there." natatawang sabi ni Chio.

"You have no idea how many times I wanted to strangle that witch." I told him, exasperated.

"What?" nagtataka niyang tanong.

Natigilan ako dahil dun. Oopsie! I dove out my mind for words. Stupid, Ianna!

"A-ah... Eh kasi known heartbreaker yun. So I was really mad at that girl. Looks could really be deceiving." maagap kong sabi.

Tumango-tango siya at pabirong sinabing, "So, you like saving the day, eh?"

Wait. What does he mean by that? Why is Chio suddenly so cryptic this past few days?

Some days, his words are easy to comprehend. Some days, his words are like riddles waiting to be solved.

--

Nilibot namin ni Chio ang bawat stalls sa heroes park. Bawat makasalubong namin ay napapatingin sa kanya.

Nasa stalls kami na may mga accessories nang may narinig akong bulungan sa kabilang side ng stall.

"Yung kasama ni Michio, diba girlfriend niya yun?" -Girl 1

"Oo. swerte nga eh. bakit?" -Girl 2

"Eh kasi siya yung nakita ko sa SM Marilao nung isang beses. Kasama niya yung nag-aarchery." -Girl 1

"Si Lance Ramos?" -Girl 3

"Ayy. May kumakalat nga rin na balita eh. lagi daw silang nakikita na magkasama sa 5th floor ng Natividad." -Girl 2

Humina na ang bulungan. Siguro ay umalis na ang mga nag-uusap sa kabila.

Nilingon ko si Chio na busy sa pagtingin dun sa mga anik-anik para sa phone. Mukha namang wala siyang narinig.

Pero fuck! I guess we're not good at hiding. They said rumors are spreading already.

Who could've seen us?

Nagpatuloy kami sa paglilibot. Ilang beses pa akong may napansin na nagbulungan nung nakita kami ni Chio.

Bukas ang laban nila Chio kaya nang mag-3PM ay kinailangan niya na akong iwan. Sabi niya lang ay itetext niya ako kapag tapos na sila.

Papunta ako ng band room nang makasalubong ko si Soreen. Agad ko siyang tinawag at nilapitan niya namab ako agad.

Tumigil ako sa hallway nang makalapit siya at tinitigan niya akong mabuti.

"Are you not telling me something?" tanong niya.

"What?" patay-malisya kong tanong pabalik kahit na may ideya na ako.

"Well, there's this rumor about you cheating on Chio." she matter-of-factly said.

Napaawang ang bibig ko bago makapagsalita ulit.

"T-that's noy true! Why would I even ch-cheat? Right?" damn it Ianna! Why do you always stutter at times like this?!

Bumuntong-hininga siya at lumungkot ang tingin niya sa akin.

"Ianna, bestfriend mo ako. You could tell me anything. Pero remember that I won't always support you. Sometimes I need to correct you."

I pursed my lips. I know it.

"Isipin mo si Chio, Ianna. He loves you so much. If you can't really be with him, then leave. Pero sana wag mong panghawakan ang mga bagay na di ka sigurado kung permanente." sabi niya nalang nang ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan. Tinapik niya ako sa balikat at umalis na.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon