Chapter 1
"Ianna, tama na nga 'yang pagtunganga mo kay Lance. He's not worth it." sabi sakin ng bestfriend kong si Soreen with matching pitik pa ng daliri niya sa harap ko.
"Paano ba kasi magmove on?" malamya ko namang tanong sa kanya.
"Teka ha..." tapos may kinuha siya sa bag niya. Pamaypay."Eh kung hampasin kaya kita nitong pamaypay?! Ilang beses mo na tinanong sakin yan tapos sandamakmak na rin ang naisagot ko. May napala ba ako? Wala!"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano... Totoo naman yung sinabi niya eh. Two years ko na yata linya yan.
Nakailang buntong-hininga na ako nang biglang nagring ang cellphone ko.
Michio calling...
Haaaaaay. Tamad ko itong sinagot.
"Hello..."
"Hello, Ianna? Are you busy right now? Let's hang out naman!" dire-direchong sabi ng nasa kabilang linya.
Si Michio Tanaka. Yung happy-go-lucky half-japanese kapitbahay slash childhood friend slash forever asungot sa buhay ko. Close kami, okay? Pero minsan naiirita ako sa kanya. Pinupush pa ako nila mommy at daddy sa kanya.
Paano ba naman kasi one time nung nasa bahay namin siya eh sinabi niya sa parents ko na papakasalan niya daw ako balang-araw. Sila mommy naman tuwang-tuwa at sumang-ayon.
Sinabi niya rin sa parents niya tapos nagset sila ng dinner with us at boom! Pinagkasundo kami.
Ang alam ko talaga di na uso yung ganun eh. Don't get me wrong. Mabait naman si Michio eh, pilyo nga lang minsan. Gwapo rin siya pero di ko kasi type. Matalino din, Dean's Lister sa university na pinapasukan niya (magkaiba kami ng school eh).
"Hello, Ianna? Yuhoo~ Nandiyan ka pa ba?" nawala ako sa line of thoughts ko nang magsalita siya ulit.
"Oo. Nagrereview ako para mamaya." kahit hindi totoo eh. Araw-araw siyang ganyan. Actually, alam niya kasi ang schedule ko. Kung paano? Hindi ko rin alam.
"Sinungaling." pagkasabi niya nun, biglang may nagtakip ng mga mata ko.
Kinabahan parin ako kahit alam ko na kung sino ito. Pinuntahan niya na naman ako. Bakit ko nga ba nakakalimutan na free time niya ngayon hanggang 3PM? Hayyyy...
Tinanggal ko ang mga kamay niya at agad naman siyang umupo sa tabi ko nang nakangiti. Lagi siyang ganyan sakin kahit sinusungitan ko siya. Baliw yata eh. Pero sabi naman ng mga kakilala ko sa school nila eh napakasungit daw tignan ni Michio. Ni hindi daw mangiti madalas.
"Michio, bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Sinusundo ka siyempre. Tara sabay na tayong maglunch." sagot niya nang nakangiti parin.
"Ehe-ehem!" singit ni Soreen. Muntik ko pang malimutan na nandiyan siya. "Sige Ianna, alis muna ako." paalam niya at umalis agad.
Napaawang ang bibig ko.
Soreen naman eh! Iniwan pa ko sa hapon na 'to! Magpapalusot na nga ako eh.
Pero waaaaaaait!
Lingon sa kaliwa...
Lingon sa kanan...
Naku! Ayun lang sila Lance! Nakita kaya niya si Michio?
Eh ano naman ngayon? Walang pake sayo yun Ianna!
Di kaya siya magseselos?
Anong magseselos?! Eh di ka naman gusto nun!
Napakunot noo ako sa mga naiisip ko. Baliw na talaga yata ako.
Napansin yata yun ni Michio kaya tinapik niya ako sa balikat.
"Okay ka lang? Anong iniisip mo?" pagtataka niya.
"Wala." at inirapan ko siya sabay tayo. "Tara na nga!" sabay hila ko sa kanya palayo dun.

BINABASA MO ANG
The Endless Chase
Fiction générale"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...