Special Chapter 3

59 3 5
                                    

Special Chapter 3

CHIO'S POV

"She cheated on you."

Five months and this is the first time na marinig ko iyon mula sa ibang tao.

Lalo lang akong nanlumo nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Yui. It was like she was looking at some disabled man that was beaten.

And I guess that's exactly how I felt for the past months. It was like something was stolen from me and the thief even got the guts to beat me... almost to death.

The thief was Ianna.

Noon ay masaya ang meaning nung salitang yun para sa akin. Siya ang nagnakaw ng puso ko. Thinking about it now makes me wanna puke. Ang cheesy pala. Ugh.

A part of me made my heart smile at that memory. Pero sa tuwing naiisip ko ang ginawa niyang panloloko, napupuno ng galit ang puso ko.

That same part tells me to listen to whatever explanation she wants to give me. But the pain overshadows everything that's right to do.

Pero ano nga ba ang tamang gawin sa problemang ito?

When I decided to go back to the Philippines, hindi ko gaanong inisip iyon. Ang naisip ko lang ay sooner or later kailangan ko siyang harapin. So kaysa maghintay ng matagal, I'll just face it now.

"One more." Sabi ko sa bartender sa isang kalapit na bar ng isang resort malapit sa rest house. Dito agad ako napadpad matapos kong pag-walkoutan si Ianna. Nakakarami na akong baso ng bacardi and I still can't seem to get enough of it.

Kulang pa.

Kulang na kulang pa.

Nang makita ko si Ianna na umiiyak, yung maliit na part sa kaloob-looban ko ay gustong kumawala. I wanted to wipe those tears away so much, but, I held myself back.

Sa tuwing naiisip ko na gusto ko na siyang balikan, nagpplay ng paulit-ulit sa utak ko ang halikan nila ng walang-hiyang Lance na iyon.

I want to numb my senses. I want Ianna out of my life, but, I know that's impossible. Our bond was so great that everything I do and see reminds me of something about her.

It's crazy!

Mababaliw na yata ako. It's like two persons are living inside of me.

I took one gulp of the bacardi at napapikit ako dahil finally, tinatablan na ako nito.

Then, I felt a hand on my arm. Iminulat ko ang aking mata at nakita ang isang babaeng nakangiti sa akin.

"Hi there! Can I join you?" bahagya siyang lumingon sa gilid still wearing that mischievous smile. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang dalawa pang babae na nakaupo sa couch sa di kalayuan.

The people are all going wild because of the hype beat of the music played by the dj. Kinawayan ako ng dalawang babae, but I ignored them and looked at the girl in front of me.

I looked at her mula ulo hanggang paa. She's wearing a maroon mini dress and white high heels. Mahaba ang kanyang buhok na medyo kulot sa bandang dulo. She's wearing thick eye makeup. Maganda siya at makinis ang balat.

"I'm Sophie, by the way." Inilahad niya ang kanyang kamay.

Tinanggap ko iyon at inayos ang upo ko.

"Michio." Simpleng pakilala ko. I don't really believe in the golden bar hopping rule to not tell your real name to anyone.

Pumungay ang mata niya at umupo sa katabing stool.

I know her type. Marami na akong nakasalamuha sa Japan na mga babaeng katulad niya. Sa ibang bansa din ay meron sa tuwing pumupunta kami abroad for a shoot. Sila yung mga party girls. Mga laman lagi ng bars kaya eksperto na sa kalakaran doon. They're always up for adventures. Always want the thrill of life.

I gave her my most practiced smile. Ang ngiti na ginagamit ko sa tuwing nasa bar ako. Some of my model friends tell me it was dark but girls always see it as sexy. Minsan ay binibiro pa nila ako na turuan ko daw sila.

"Something to drink for the lady?" I gestured the bartender at nakuha niya naman agad iyon. Inihanda niya na ang isang ladies drink at inilagay iyon sa tapat ni Sophie.

The bar was dimly lit and laserlights danced around it, but, the blush on Sophie's face didn't miss my eyes.

"Your name is familiar." At nagkunwari pa siyang nag-iisip. "Michio... Hmm... Are you that famous model?" malumanay niyang tanong.

"What do you think?" tinaasan ko siya ng kilay bago nilagok ang isang baso ulit ng bacardi.

Tinaasan niya rin ako ng kilay bago magsalita ulit, "Well, you've got the model looks."

Her eyes traveled down south at hinawakan niya ang braso ko.

"Wanna dance?" aya niya.

Hindi na ako sumagot. I got up and grabbed her hands before walking towards the dance floor.

Nang nasa dance floor na kami ay nagsimula siyang magsayaw. She swayed her hips and smiled at me. I hate her smile but that's the least of the things to worry now. Nagsimula na rin akong magsayaw.

Di nagtagal ay kinuha niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa kanyang bewang. Nakatalikod siya sa akin habang nagsasayaw. She was grinding her hips to mine.

It was really clear what her intention was. I already got the idea simula pa lang kanina nung nilapitan niya ako.

At dahil her timing was so great, given that I was really in the mood for distractions, I won't try to stop her or anything. Let's think of it as a giveaway. This girl probably knows who I am and thinks she's in for the jackpot.

Then, just like that, my thoughts were interrupted when I saw Ianna near the bar's entrance. She's staring at me. I smirked at her kahit alam kong di niya iyon makikita, or so I thought.

Inikot ko si Sophie paharap sa akin at walang ano-ano ay hinalikan ko siya. Nung una ay di siya nagrespond dahil siguro nagulat siya ngunit kalaunan rin ay hinalikan niya na ako pabalik.

I closed my eyes and kissed her. I kissed her hard at siniguradong makikita iyon ni Ianna. I tilted my head at an angle that I know would make our liplocking visible to her very own eyes.

Nang iminulat ko ang aking mga mata ay wala na si Ianna doon sa may entrance kaya humiwalay na ako sa halik. Napansin kong nakatingin ang ibang nagsasayaw malapit sa amin ni Sophie ngunit ipinagkibit-balikat ko lang iyon.

Inikot ko ng tingin ang bar para sa anino ni Ianna ngunit umalis na nga yata siya. Dahil dun ay nagpaalam na rin ako na umalis.

"I have to go." Hindi ko na hinayaan na magsalita pa si Sophie at pigilan ako. Bumalik muna ako doon sa inuupuan ko kanina at nag-abot ng dalawang libo sa bartender bilang bayad sa mga nainom ko kanina.

Pagkatapos noon ay umalis na ako ng tuluyan sa bar na iyon. I need some air to breathe right now. That was the most unimaginable thing na nagawa ko in my life. At hindi ko alam kung anong sumapi sa akin para magawa iyon.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon