Chapter 12
*FLASHBACK*
"Lance, wala na siyang paki sayo! Wag mo na siyang habulin! Wala ka nang mapapala. Maawa ka naman sa sarili mo." halos pasigaw ko nang sabi sa kanya.
Gusto niyang makipagbalikan sa girlfriend niyang niloko lang naman siya. Nakita kasi namin si Sugar kasama yung bago niyang boyfriend sa labas ng campus.
"Sino ka ba para sabihin sakin yan, Ianna? Hawak mo ba ang pag-iisip niya, ha?!" medyo iritado niyang bulalas pabalik.
Ang sakit marinig ang mga bagay na tulad nito mula sa taong mahal mo. Natameme ako. Walang masabi.
"Kung ikaw rin naman siguro ang nasa lugar ko, gagawin mo rin ang lahat para mahalin ka ng taong mahal mo... Gagawin mo ang lahat mapansin ka lang niya... ulit. Kahit gaano ka pa niya nasaktan, mapapatawad mo parin siya. Kasi mahal mo." sa mga sinabi niyang iyon, nakaramdam ako ng inggit kay Sugar.
Buti pa siya napapansin ni Lance.
Buti pa siya pinag-eeffortan ni Lance.
Buti pa siya kasi kayang magpakatanga ni Lance para sa kanya.
Buti pa siya iniiyakan ni Lance.
Buti pa siya hinahabol ni Lance.
At higit sa lahat, buti pa siya MAHAL ni Lance.
"Tama na Lance. Pag-aralan mo na ang magmove on..." mahina kong sabi.
Nangangatog ang mga tuhod ko. Gusto ko na bumigay sa mga oras na 'to.
Ikaw ba, Ianna? Kailan ka susuko?
*END OF FLASHBACK*
Sa sobrang pag-iyak ko kanina, di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako sa pagtunog ng cellphone ko.
Soreen calling...
Sinagot ko ang tawag niya at napatingin sa wall clock ko sa kwarto.
3:38 PM
"Hello, bes." bati ko.
(Hello, bes. On the way na kami nila Raina diyan sa inyo. Bihis ka na.)
Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, pupunta kami sa party.
Tamad akong tumayo at nagtungo sa closet ko para maghanap ng masusuot.
"Okay. Sige, bye." hindi ko na hinintay ang sagot ni Soreen at binaba na ang tawag.
Nakahanap naman agad ako ng susuotin ko. Nag-settle ako sa isang denim high-waist shorts at black off-shoulder blouse na ipepair ko sa color mint green kong converse.
Nag-apply na rin ako ng light make-up and I'm all set. 4:35 PM nang dumating sila Soreen.
Nagpaalam lang ako kay mommy and we went off.
Malapit lang sa amin ang subdivision kung saan idaraos ang party kaya mabilis kaming nakarating.
Medyo marami na ang bisita doon sa clubhouse. Yung iba ay nagsswimming sa pool. Mas matanda ng 2 years ang kapatid ni Gino sa amin kaya kami yata ang pinakabatang bisita. Marami rin akong nakitang kakilala mula sa university. Nandun na rin ang ibang kaklase namin.
Hinanap namin ang kapatid ni Gino para mabati namin. Agad namin siyang natagpuan sa isang table kausap ang mga kaibigan niya yata.
"Hi Kuya Lex! Happy Birthday!" bati ni Janus. Nagsisunod naman kami sa pagbati.

BINABASA MO ANG
The Endless Chase
General Fiction"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...