Chapter 37

76 3 13
                                    

Chapter 37

Nang iminulat ko ang mga mata ko, unang bumungad sa akin ang beige na ceiling. I still feel a bit pain in my head pero bearable na iyon. Tinignan ko ang paligid at nakahinga ng maayos ng malaman na nasa kwarto ng rest house parin ako.

"Ianna, okay ka na ba?" hindi ko napansin na nandoon pala si Soreen at nakaupo sa kama ni Chio.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Ang tanging naaalala ko lang ay natamaan ako ng bola habang naglalaro kanina.

"You collapsed after matamaan ng bola." She told me, still worried. "Do you know that girl who called Chio kanina?"

Sa tanong na iyon, nagbago agad ang mood ko. There's that pinching feeling again. The kiss flashed in my mind again. Napapikit ako dahil doon at naramdaman ang kirot sa ulo ko.

"Nilapitan ba siya ni Chio?" tanong ko pabalik.

"No. He just ignored her. Lumapit pa nga pero pinaalis lang din ni Chio." That lessened the pain, but, it didn't make it go away. "Did something happen?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako. Ayokong pag-usapan 'to ngayon.

"Where's Wil?" pag-iiba ko ng topic.

Inirapan ako ni Soreen bago sumagot, "Why are you even looking for that jerk?"

Kumunot ang noo ko pero hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy si Soreen.

"Chio almost punched that guy's face. Buti nalang at napigilan nung mga kaibigan ni Wil. Galit na galit si Chio kanina. I've never imagined him like that. He always looked like an angel."

Me, too.

I've never seen Chio in so much rage. Yes, he gets mad at people who bully me pero not to that extent na makakapanakit na talaga siya. Lagi niyang dinadaan muna sa maayos na usapan.

But, why would he even act like that? He doesn't care about me anymore.

"So, where's Wil now?" tanong ko ulit. I don't know how to feel about Wil. I'm partly mad and partly sorry.

"Pinaalis na sila ni Chio. He said if they want to spare their friendship eh wag na sila bumalik dito sa rest house while we're here. Pumayag naman sila at umalis na agad. Oh, and yeah, Wil told me to tell you he's sorry."

Tumango nalang ako. Tumayo si Soreen at lumipat ng upo doon sa edge ng kama ko.

"I just hope you patch things up with Chio." Hinaplos ni Soreen ang buhok ko.

I gave her a weak smile. Hindi ko masabi sa kanya na imposible na iyon. Chio probably hates me so much.

Di rin nagtagal ay lumabas na si Soreen at iniwan ako.

I was left alone there with only my thoughts to accompany me.

I was staring at the wall opposite to me when the door opened and Chio entered.

I felt awkward kaya yumuko nalang ako. It was early afternoon and he's probably here to take his nap.

In my peripheral vision, I could see him sit on his bed facing me. Nanatili akong nakayuko at pinilit na maging normal ang paghinga.

"Does your head still hurt?" bulong lang iyon ngunit narinig ko parin ang bawat salita.

Natulala ako dahil doon. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot.

My lips started trembling nung ibubuka ko na ang bibig ko kaya itinikom ko ulit iyon at tumango na lamang.

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita muli, "Do you need anything?"

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon