Chapter 33

67 3 11
                                    

Chapter 33

Dumirecho si Chio sa kama katabi ang bintana habang ako naman ay sa kama malapit sa pinto.

I don’t want to assume but a smile crept on my face.

He knows na ayaw ko ang pwesto sa tabi ng bintana. I used to tell him that I don’t want to see what’s outside the window bago matulog. It gives me the thought na baka may sumilip na multo or the likes.

May cabinet sa tabi ng bawat kama na pwedeng paglagyan ng mga gamit. Para hindi maging masyadong awkward ay nagdesisyon na lamang akong ayusin ang mga dala ko doon at para malaman ko na rin kung ano ang mga dinalang damit ni Soreen para sa akin.

Sun dress. Maxi Dress. Shorts. Tees. Undergarments.

And what the hell?!

Paano niya nalaman kung saan nakalagay iyong bathing suit kong black? Ugh.

I haven’t worn it once since the day Ate Mayi gave it to me. She’s my cousin.

She gave it to me when she arrived from California kung saan na sila nakatira. Sabi niya ay dapat ganun na ang suotin ko pag may outing. Di na raw ako bata and she said na di naman daw ako mataba. Maganda nga raw ang built ng aking katawan, so there’s nothing to be ashamed of.

Hindi rin naman ako sanay magsuot ng ganito. Feel ko ay pangit tignan. Di naman ako pinagbabawalan ng parents ko. I just prefer wearing a rash guard instead.

Habang nag-aayos ay pinagmamasdan ko si Chio. Busy rin siya sa pag-aayos.

I wonder if his sense of fashion also changed.

Tama nga ang naisip ko kanina dahil hindi niya talaga ako nililingon. Alam mo yung parang hangin ka lang para sa kanya? Ganun yung feeling ko ngayon.

Hindi ako sanay na ganito kami. Dahil dati ay halos pati bilang ng paghinga ko sa isang minuto ay pinapansin niya. It annoyed me at times pero gaya nga ng sabi ko, it was already a part of me.

Sa sobrang katahimikan ay di ko na natiis ang sarili ko. Tumikhim ako at sinubukang magsimula ng isang conversation.

“So... How was Japan?” I was mentally crossing my fingers at winish na sana ay sagutin niya naman ako.

Tila ba ay natigilan siya sa aking pagsasalita ngunit di niya pa rin ako sinulyapan.

“Fine.” Malamig niyang tugon.

Muli kaming nabalot ng katahimikan. Nagpapanic na ang aking isipan kakaisip ng pwede pang itanong.

I should not lose this chance habang may gana pa si Chio na kausapin ako.

“Uhh... Were you always busy there?” Is it me or the question was really dumb?

Hinintay ko ang sagot niya habang tinitignan ang mga kamay ko.

Ilang sandali ay narinig ko ang buntong hininga niya.

“Busy enough to almost forget about the past.” Matapos niyang sabihin iyon ay napabaling ako sa kanya.

When our eyes met, my breath caught up in my throat. It was the most beautiful yet tragic sight, I’ve ever seen.

Punong-puno ng magkahalong galit at sakit ang makikita mo sa kanyang mga mata.

Napaawang ang bibig ko. Gusto kong magsalita ngunit mukhang tinakasan na ako ng aking boses.

“What? Forgotten about your perfectly constructed excuses?” sarkastiko niyang sinabi. “This is what you want diba? Ang kausapin ako para ipasok sa utak ko ang mga kasinungalingan mo!”

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon