Chapter 42
Umalis na si Chio last week at simula noon ay palagi na nga kaming nags-skype. He always update me about he's daily schedule habang ako naman ay nasa bahay lang nila.
Pinapayagan niya naman akong tumambay sa bahay namin ngunit dapat daw ay hindi ako gaanong magtagal doon dahil wala akong kasama. He doesn't consider the maids, you know. Ewan ko ba doon sa lalakeng iyon.
"You're free to use my things there, baby. Watch movies, use the Wii, wear my clothes. Treat everything there as your own belongings." Sabi niya sa akin isang gabi habang magkausap kami through Skype.
He always got that worried look when we start the video call. I tell him about my day and when he's satisfied with my status, he'd relax.
Nasa school ako ngayon para magpa-enroll. This would be a long day since the school's enrollment system is a bit crappy.
I sat quitely beside Soreen habang busy silang lahat sa pagkukwentuhan. They already understand my situation kaya di na nila ako gaanong ginugulo. They would just talk to me ocassionally. Minsan ay pumupunta sila sa bahay nila Chio para magmovie marathon kami. Siguro ay kinausap ni Chio si Soreen para gawin iyon dahil alam niyang hindi ako lalabas ng bahay kahit ayain ako ng kahit na sino. Kahit pa ng mga kaibigan ko.
Nang makuha namin ang assessment forms naming lahat ay dumirecho na kami sa cashier maliban kay Raina na umuwi na agad dahil bukas pa daw siya magbabayad.
Mahaba ang pila pero dahil naka-aircon naman ang Valencia Hall eh hindi naman nakakainip at nakakairitang maghintay. Sakto din naman na tumawag si Chio habang nasa pila kami.
"Hi, where are you?" bungad ng malambing niyang boses. Simula nang pumanaw si daddy, the old Chio was back. It was like he removed some kind of mask.
"Nasa school ako. Enrollment namin eh." Sagot ko naman agad sa kanya.
Napansin kong medyo maingay sa background sa linya ni Chio. Siguro ay nasa isang shoot niya ito.
"Aren't you busy?" tanong ko sa kanya.
"Nah. Inaayusan pa ako bago magstart yung shoot namin. Kakarating ko lang kaninang umaga sa Seoul. Ngayon yung shoot namin para sa isang magazine." Someone was shouting orders in the background at tila may kumakausap kay Chio.
"You are busy. " deklara ko. "Dapat ay tsaka ka na tumawag pagkatapos mo diyan."
I heard him laugh softly. Kita mo itong si Chio. Kapag pinagsabihan mo eh tatawanan ka lang pero kapag ikaw ang pinagsabihan, dapat makinig ka.
"But, I miss you." Malambing niyang sambit na medyo nagpalambot ng puso ko. This guy seriously knows his way to me.
Napairap ako at nakita kong napatingin si Soreen sa akin at nginitian nalang ako.
"Tigilan mo nga ako, Chio!" Nagkunwari akong naiinis pero sa totoo lang ay pinipigilan ko lang ang ngiti ko.
"But, it's true! I really miss you, baby." Gusto kong tumili sa kilig dahil ang sexy din talaga ng boses niya habang sinasabi niya iyon. Nasanay na rin ako sa tawag niya sa akin dahil araw-araw siyang ganun ang tawag sa akin at napakalambing niya pa.
"Baby ka diyan! Mamaya eh may iba ka ng baby diyan." I always liked teasing him like this. Di naman kasi siya naiinis or anything.
"Aish! I can't wait to go home there and kiss you." Natawa ako dahil dito. Para kasi siyang bata pakinggan.
"Edi galingan mo sa pagpose para makauwi ka agad dito." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Aye! Behave there while I'm away, young lady. I've got spies watching over you." Pabulong niya pang sinabi ito na nagpangiti sa akin.
Para talaga siyang bata. How did I deserve someone like him? I'll be forever thankful for this.
Then, naalala ko nga pala ang balak ko ngayong hapon.
"Chio, can I go to the cemetery later? I'll visit daddy." Pagpapaalam ko. Today is a Wednesday at nakasanayan ko na ang bisitahin si daddy every Wednesday and Saturday since iyon ang mga araw na madalas ay free siya noong buhay pa siya.
Everybody knows how hard it is to kill a habit. Sanay kasi ako na ang araw ng bonding namin ni daddy ay sa mga araw na iyon.
"Of course, baby. Pero don't go there alone." Pagpayag niya naman. May nagsalita ulit sa background ngunit hindi ko maintindihan iyon. All I know is it's in korean.
"I'll bring your driver with me. Alam iyon ng mommy mo at sabi niya ay nagpareserve na siya ng isang bouquet ng fresh flowers sa isang flower shop. I'll just pick that up later." I informed him.
"Okay. Wag kang magpapaabot ng gabi doon. Call me when you get home later." May nagsalita ulit sa background at narinig kong tinatawag niyon ang pangalan ni Chio.
"I have to go now, baby. We're gonna start. I'll call you later." Feeling ko ay magsisimula na talaga sila pero di parin siya nagmamadaling ibaba ang tawag.
"Okay. Bye. I love you." Pagpapaalam ko nalang.
"Bye. I love you, too." Ibababa ko na sana ang tawag pero nagsalita siya ulit, "Oh, by the way. Could you wear one of my shirts at home and send me a selfie wearing it?"
Natawa naman ako doon at narinig ko rin ang mahinang tawa niya.
"Why would I do that?" natatawa kong tanong sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
"Because that would make me so happy and that's gonna make you happy diba?" tumatawa parin siya kahit naririnig ko na ang manager niyang sinasabi na ibaba niya na ang phone.
At dahil sa tingin ko ay sobrang nakakaabala na sa trabaho niya ito ay sumangayon na ako. Besides, I've been wearing his shirts since he left so I think the favor is fine."
"Okay okay! Sige na at baka mapagalitan ka pa diyan." Nakangiti kong sagot.
"They won't get mad. Sige na. Bye. I love you." Sagot niya.
"I love you too." Ako na ang nagbaba ng tawag dahil baka kung ano pa ang sabihin niya. But, seriously? Ilang beses kami magsasabihan ng I love you sa isang tawagan?
I tell you, sa tuwing nag-uusap kami ay nagugulat ako minsan dahil sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay bigla siyang magsasabi ng I love you. Tila hindi pa sapat sa kanya na iparamdam sa akin iyon kaya lagi niyang pinapaalala sa akin.
How sweet could he get? Totoo nga siguro na love is sweeter the second time around. Pinatunayan iyon ni Chio.
Author's Note:
I think this update is short pero that's what my imagination could reach right now. May reporting pa kami later. Sooooo yey! HAHAHAHA.
P.S. Totoo yung crappy system ng enrollment sa university nila Ianna. Lol. But I love my Alma Mater. Wag niyo po ako itatakwil Pres. Gascon. Lol
Thanks for reading! Comment naman kayoooo. Lol

BINABASA MO ANG
The Endless Chase
Aktuelle Literatur"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...