Chapter 23

86 1 4
                                        

Chapter 23

Nakatulala lang ako at nakatingin sa kawalan habang nagpapahangin dito sa terrace ng kwarto ko.

Ilang oras na rin ang lumipas matapos akong maihatid ni Lance sa bahay namin. Alam kong gusto niya akong tanungin kanina kung bakit kami tumigil sa tapat ng hospital pero nanahimik lang siya.

Hinihintay kong makauwi si Chio sa kanila. I was still trying to believe na nagpractice sila ng football at guni-guni lang ang pagkakita ko sa kanya kanina sa hospital.

But, damn! Tanga ba ako or nagtatanga-tangahan? It was him. That guy wore the same clothes he was wearing nung kasama ko siya kanina sa school.

Why is he there, though? At kung si mommy nga ang kasama niya, why is she there? Bakit di pa sila umuuwi ni daddy sa bahay kung nandito na pala sila sa Pilipinas.

7:42 PM nang maaninaw ko na ang sasakyan ni Chio papasok sa garahe nila. Tumayo ako at nagtungo sa kanila. Sakto naman pagkarating ko sa tapat ng gate nila ay bumukas ito at tumambad sa akin ang isang medyo gulat na Chio.

Nang matauhan siya ay huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Ianna? I was about to go to your house. Sorry kung di tayo nagkasabay pauwi."

"Bakit ngayon ka lang?" hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinanong ko siya and I guess my tone was a bit rude.

"I told you we we're practicing diba?" pagpapaliwanag niya.

I rolled my eyes at him. "Really, now? Kasi I saw someone who looks like you kanina somewhere..."

"What?" then I saw panic in his eyes... Na napalitan ng pagtataka.

Then, I realized what I said. Shoot it! Sabi ko nga pala sa kanya kanina na nasa bahay ako.

Ghad! Ianna, you're the greatest hypocrite of all time. Hating Chio for lying, but there you are lying too. Ha-ha.

Natahimik kami pareho hanggang sa bumuntong-hininga siya at inilahad ang looban ng bahay nila.

"Pasok ka. We need to talk." He said, defenseless.

Pumasok ako sa bahay nila at dumirecho sa loob. I made myself comfortable by sitting on their sofa. Umupo siya sa katabing upuan.

Ilang sandali kaming tahimik lang. Hindi ko alam pero deep inside ay kinakabahan ako. I don't know what to expect.

"So, anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya just to break the tension and heavy atmosphere around us.

Tinignan niya ako sa aking mga mata. I felt his uneasiness. Lalo akong kinabahan dahil never pa naging uneasy sa akin si Chio.

"I lied to you. Hindi talaga kami nagpractice kanina." nang sinabi niya yun ay napasinghap ako.

Oh my god! So, siya nga yung nasa hospital kanina?!

Di muna ako nagsalita. Hinintay ko siyang magpatuloy.

"I... I was at St. Luke's kanina..." pagpapatuloy niya.

"W-what were you doing there?" kinakabahan kong tanong. Siya nga yung lalake kanina.

"I... I was visiting someone..." he hesitantly answered.

Ugh! Could this get any scarier? I saw him with mom kanina. It's mom. So, sino ang binibisita niya? I couldn't tell him that I saw him kasi he'll ask me how I saw him. Ugh! This is so frustrating!

"Who is that someone?" I almost whispered.

Tinignan ko siya ng mabuti pero hindi niya ako matignan pabalik. He's nervous.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon