Chapter 30
Matatapos na ang April pero di parin dumarating sa Pilipinas si Chio.
Walang definite date na nakalagay dati sa schedule niya basta ay sa April daw iyon.
Hinalughog ko ang mga updates ng fansites ni Chio in case na may alam sila. Tatlong fansites na ang nastalk ko pero ang huli nilang update ay halos 22 hours na ang nakakaraan.
Naghanap pa ako ng ibang fansites at news account. Naitype ko na rin ang halos lahat ng naisip kong keyword na related kay Chio.
3 hours na rin akong nagsisearch habang nakaabang sa arrival area ng airport.
Oo, nasa airport ako. Nagbabakasakali ako na baka dumating siya ngayon.
Limang araw na akong walang mintis na nag-aabang sa airport. Kung hindi pa nga maggagabi at kailangan ko nang pumunta ng hospital ay di ako aalis sa airport eh.
2PM na at busy parin akong nagsisearch. Gusto ko nang maiyak dahil wala talaga akong mahanap.
Huling araw na ng April. Don't tell me na niloloko lang ako ng schedule na yun.
Habang abala sa phone ko eh bigla itong nagring.
Mommy calling...
Agad ko itong sinagot dahil baka importante. Kasabay naman noon ang papalakas na tilian.
"Hello mommy. Bakit po?" tanong ko habang palinga-linga sa paligid. Dumami ang tao sa paligid at medyo lumakas ang tilian.
"You have to... na ang daddy..." hindi ko gaanong narinig ng maayos ang sinasabi ni mommy dahil napakaingay talaga.
"Ha? Ano po iyon mommy?" ayaw ko man umalis doon sa kinatatayuan ko eh kailangan kong lumayo sa maraming tao para marinig si mommy.
Nang makalayo na ako sa maingay na parte ng airport ay nagsalita na ulit si mommy.
"Yung daddy mo! Gising na siya!" maligaya niyang sabi.
Natigilan ako sa paglinga sa paligid at dumirecho sa sakayan ng taxi.
Nang marinig ko kay mommy iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I feel excited and overjoyed.
"Okay, mom. I'll be there in a few minutes." sabi ko sa kanya at ibinaba na ang phone.
Huminga ako ng malalim at ngumiti. Lumingon pa ako ng isang beses sa arrival area at nagdasal na sana ay hindi pa dumating si Chio ngayon.
Wag muna ngayong araw. I need to be with dad first. I want to spend time with him dahil sobra ko siyang namiss.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni daddy ay nakita ko agad siya. Nakahiga parin siya pero nang makita niya ako ay ngumiti siya at naglahad ng kamay.
Tumakbo ako patungo sa kanya at niyakap siya.
"Daddy!" di ko na napigilan ang mga luha ko sa sobrang saya.
Tumawa siya at niyakap din ako.
"Hi, princess. I missed you." hinalikan niya ako sa ulo at humiwalay na ako sa yakap.
"I missed you too, dad." pinunasan ko ang aking mga luha at umupo sa gilid ng kama ni daddy.
Sa sobrang pagkamiss ko kay daddy ay dumaldal lang ako nang dumaldal sa kanya. Di ko na nga napansin ang oras.
Tahimik lang siyang nakikinig sa akin. Paminsan-minsan rin ay tumatawa siya sa mga sinasabi kong tila ay nakakaaliw sa kanya.
"Nasaan si Chio? Namimiss ko na rin ang batang iyon." natigilan ako nang biglang tinanong ito ni daddy.
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
General Fiction"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...