Chapter 27

54 1 0
                                    

Chapter 27

'Kung kayo talaga, kayo parin sa huli...'

Yeah, right! Damn that saying!

Days became slow and tiresome for me. Hindi ko alam kung dahil ba sa marami kaming school works na gagawin o dahil walang Chio na ginugulo ako.

Haaaaaay! It's probably the second one.

Wala na akong makulit na kasabay sa lunch (maliban sa friends ko).

Wala na akong katext at katawagan sa gabi kahit magkatapat lang kami ng bahay.

Wala na akong tinatanaw mula sa terrace ng kwarto ko.

I miss him so much. It's been months since he left. Hanggang ngayon ay di ko parin alam kung saang lupalop siya naroroon.

I stalked his social media accounts pero walang bakas ng kinaroroonan niya. Well, wala talagang posts since he left. It's like he never wanted me to find him.

I also messaged him on facebook; DMed him on his twitter. I even commented on every IG post he has!

God, I'm so desperate!

Every night I end up crying until I fall asleep. And yes, I look wasted. I look stressed.

But, I don't care. I never cared about myself since he left. All I know is that I need to know where he is.

"Bespren, what are you doing with yourself?! Ang panget mo na oh!" puna sakin ni Soreen isang beses habang gumagawa kami ng plates.

Binigyan ko lamang siya ng isang malungkot na ngiti bago nagsulat muli.

Narinig kong bumuntong-hininga siya pero nagpatuloy lang ako sa ginagawa.

"Alam kong gusto mong malaman kung nasaan si Michio pero alagaan mo naman yung sarili mo. Kelan ka ba huling humarap sa salamin ha? Nakita mo na ba iyang itsura mo ngayon?" pagpapatuloy niya.

Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya dahil busy ako sa plate at bukas na ito ipapasa.

"Hayaan mo na ako, Soreen. I'm just busy. I don't have the time to doll up anymore. Tsaka there's no reason to." malamig kong sagot sa kanya.

Ganyan na ako simula nung umalis siya. Di na ako gaanong nagsasalita at kung magsalita man ako ay malamig ang aking tono.

Alam kong nag-aalala na sila Soreen sakin pero I can't pretend to be okay when I'm not. Pati si mommy ay napansin na rin ang pagiging matamlay ko.

I feel so lonely, you know? Si daddy, comatosed parin at wala pang signs na magigising na siya. Tapos si Chio, di ko mahanap.

--

Saturday nang dumalaw ako sa hospital. Well, araw-araw akong dumadalaw pero pag saturday eh ako ang nagbabantay kay daddy habang si mommy ay inaasikaso ang business namin.

I was browsing the channels of the television inside dad's room nang may nakaagaw ng atensyon ko.

Sa isang international channel ay showbiz news ang naka-ere. And he was there.

Ang taong matagal ko nang hinahanap ay nasa screen ng tv. Iniinterview si Chio sa isang sikat na show all around the world.

Sinuri ko ng maigi kung siya nga iyon at nang mabasa ko ang nakasulat sa ibaba ng screen ay nakalagay ang pangalan niya.

'Roadway to Stardom from Asia's Breakthrough Model of the Year, Michio Gaiser Tanaka'

Bumilis ang tibok ng puso ko at feeling ko ay maiiyak ako sa tuwa nang masilayan ang mukha niya.

Ngunit may nagbago... Sobrang laki ng pagbabago.

Nagbago ang itsura niya. Yung dating Boy Next Door look niya ay naging Bad Boy look na ngayon.

Pinakulayan niya ng Gray ang kanyang buhok na messy-styled pero sobrang bagay sa kanya. He has that masungit expression on his face na pag tinignan ka niya ay matatakot ka... At kikiligin at the same time.

To sum everything up: Chio looks so effin hot!

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila ng host dahil busy ako sa pagtitig kay Chio.

Even his voice changed. Parang hindi si Chio ang nagsasalita. Kung dati ay may lambing ang kanyang tono, ngayon ay business-like ito. Yung tipong bawat salitang lumabas sa bibig niya ay dapat mong sundin.

'So Michio, tell us about your career. How it bloomed to success. Well, we've known for a while that you're a famous model in the Philippines... But, why did you decide to go to Japan?' tanong ng host kay Chio.

Nginitian siya ni Chio pero yung ngiti na medyo may angas at namg-aakit.

'Yes, I was a model in the Philippines. Well, a famous agency in Japan offered a great opportunity for me. You see, they were the ones who handled some of the world's top models, so it was a great pleasure for me.' sagot naman ni Chio.

Tumagal pa ng ilang minuto ang interview at nang matapos iyon ay nagpasalamat ang host kay Chio sa pagpapaunlak nito sa guesting.

Nang matapos ang show ay ipinakita ang iilang photoshoots ni Chio. Iilan dun ay magazine covers at ang iba naman ay sa mga kilalang brands ng damit.

He's in Japan. Nandoon lamang siya. How did I not think of it?

Of course, Chio would go there! They have a house there. Ilang taon din sila nagstay sa Japan nung bata pa siya.

I feel so relieved right now. Finally, alam ko na kung nasaan siya. Kailangan ko lang pala manuod ng TV para mahanap siya.

Now, I have an idea how to get to him.

Hmm... How about I go to Japan and meet him?

Kaso it's finals week na and I need to review plus submission ng plates. Hayyyy.

Hmm... So now, what I need to do is stalk him online. I'll look for his schedule. Nabanggit sa show kanina na may website ang agency na pinagmomodelan ni Chio at doon daw pwede mahanap ang updates about Chio.

Bago ko pa man mabuksan ang browser ng phone ko ay may lumabas na notification doon at galing ito sa twitter.

Pagbukas ko ay isa itong tweet ni Chio. Finavorite ko kasi ang twitter niya para kung sakaling magparamdam na siya doon ay makita ko agad.

At ito na nga ang araw na pinakahihintay ko. Ni-click ko ang notification na iyon at agad na bumukas ang twitter at ipinakita ang latest tweet ni Chio.

'All for you.'

Huh? Yun lang? But, what's with it? Is it a song? A book quote? Or message for someone... A girl, maybe?

Hayyy. Please don't be the last one.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon