Chapter 26

65 1 1
                                    

A/N: Hi! Hello! Back to Ianna's POV. All Special Chapters will be Chio's POV... And Lance's. If sinipag ako. Lol *wink*

Chapter 26

Ilang araw ang lumipas at di ko parin nakikita ulit si Chio. Palagi akong pumupunta sa kanila after my class pero lagi akong umuuwing bigo.

Ayaw niya akong makita. Ni hindi nga daw siya lumalabas sa kwarto niya ayon sa katulong nila. Kinausap din ako ng parents niya at tinanong kung anong nangyari.

Hindi ko magawang sabihin sa kanila ang totoo dahil nahihiya ako sa ginawa ko. They completely know how much their son loves me and all I did was hurt him.

They were worried sick about him. I didn't tell them anything at siguro ay ganun din ang ginawa ni Chio so they concluded that we fought.

Nung isang beses na pumunta ako sa kanila ay pinakiusapan ako ng mommy niya na mag-ayos na daw kami. They miss their son, they said. Di na raw kasi ito lumalabas ng kwarto niya.

Napabuntong-hininga ako habang nag-iisip. I want to see him so bad. I miss him so much. Funny that we live across each other's houses pero tatlong linggo na kaming di nagkikita.

I was just sitting there sa terrace namin habang nakatanaw sa may bahay nila nang maaninaw ko na may mga nilalabas na luggage ang mga katulong nila Chio at nilalagay sa loob ng sasakyan.

I stood up immediately at nagtungo sa kanila. Kinakabahan ako sa nakita ko. When I reached the gates of our house ay sakto namang bumukas ang gate nila Chio.

Their car drove outside at nakita kong lulan nito si Chio.

"Chio!" agaran kong sigaw para maagaw ang atensyon niya.

Nakasarado ang bintana ng sasakyan kaya di niya ako gaanong maririnig pero sinuwerte naman ako dahil lumingon siya sa gawi ko.

Tila nagulat siya at may sinabi sa driver. Medyo bumilis ang takbo ng sasakyan kaya tumakbo na ako para habulin ito.

"Chio!" paulit-ulit ko itong sinisigaw habang hinahabol siya.

Naabutan ko ang sasakyan at tumapat sa bintana kung nasaan si Chio habang patuloy na tumatakbo.

"Chio! Kausapin mo naman ako please!" pagmamakaawa ko habang kinakatok ang bintana.

Di ko pinansin kung nasaan na kami basta ay hinahabol ko siya ngunit ni hindi niya ako tinignan. Parang di niya ako nakikita sa gilid.

Nang nasa may gate na kami ng subdivision ay mas bumilis ang patakbo ng sasakyan kaya di ko na nahabol.

Automatic na bumuhos ang mga luha sa mata ko. Hinihingal ako habang nakatukod sa tuhod ang dalawa kong kamay.

Tumakbo ako pabalik sa bahay nila at tinanong si Manang Leslie kung saan pupunta si Chio. Di naman siguro siya aalis papuntang ibang bansa diba?

Yeah! Believe that crap, Ianna.

"Manang, saan po pupunta si Chio?" tanong ko kay Manang Leslie habang nagpupunas ng pawis sa noo.

"Sa airport daw po. Aalis daw siya papuntang ibang bansa." malungkot na sagot sakin ni Manang Leslie.

Tumulo ulit ang mga luha ko. Aalis nga siya. Babalik pa ba siya? Saan siya pupunta? Look at what you've done, Ianna!

"S-saan po'ng bansa?" tanong ko ulit.

"Di ko po alam, Miss. Di niya po kasi sinabi. Pati sila Ma'am at Sir eh di niya sinabihan." sagot naman niya.

"Ga-ganun po ba? S-sige po... Salamat." malungkot kong sambit at tsaka tumalikod na pabalik sa bahay namin.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon