Chapter 18

59 1 1
                                        

Chapter 18

Nagdaan pa ang ilang araw at mas naging busy sa football practice sila Chio. Mas lalo kaming nawalan ng time para magkasama. Halos di na kami nagkakasabay sa pag-uwi.

I think it was a good thing that he's busy, too. Mas marami kaming time magkasama ni Lance. We even went to the mall outside Malolos last time to eat dinner para sure na walang makakita sa amin na kakilala. Kung may makakita man ay napakaliit ng chance.

The rooftop was our safe haven. Minsan nagkkwentuhan at kapag dala niya ang gitara niya ay nagjajamming kaming dalawa. He even sang a song for me. It was overwhelming kasi never ko pa siyang narinig kumanta ng buong kanta. Minsan din ay may nakahandang parang picnic doon. He tells me stories about him that I never heard before.

"What's your plan after college?" tanong niya sa akin habang nakahiga siya sa lap ko.

"Hmm... Syempre I'll review for the board exam then siguro pag nakapasa na ako, I'll look for a company to work for." sagot ko habang hinahaplos ang buhok niya.

"What about living in the same apartment habang nagrereview for board exam sa manila?" tanong niya sa akin ulit habang nakatingin ng direcho sa mga mata ko.

It was a good idea. More time with him. Napangiti ako dahil sa mga naiisip. Ngunit napawi rin ito agad.

I can't. Chio's parents already offered their condo unit sa manila para doon na kami ni Chio magstay while reviewing for the board exam.

"That's impossible... Alam mo naman diba?" malungkot ko siyang tinignan.

Napaupo siya at mukhang nairita sa sagot ko, "Yeah, yeah! Of course, dahil na naman sa hapon mong boyfriend. Bakit ba kasi ayaw mong hiwalayan? That way, we won't be a secret."

"Are we really going to fight about this again?" pagod kong tanong sa kanya. Yes, we argue about this issue sometimes.

Napabuntong-hininga siya at niyakap ako. "I'm sorry... I-I'm just jealous."

Niyakap ko siya pabalik at saka naman nagring ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa tabi ko at nakitang si mommy iyon. Sinagot ko ito agad. They haven't called me since the other day.

"Hello, mom! Kumusta?" bati ko sa kanya.

Matagal bago siya nakasagot at may narinig din akong parang mga taong nagbubulungan sa kabilang linya. May naririnig din akong beeping sounds maya't maya.

Where is she? Hmm. Siguro nasa daan siya or sa mall doon sa London. I don't know.

"Hello, mom? Nasan ka ba?" tanong ko ulit. Di parin kasi siya nagsasalita. All I could hear was her breathing.

"A-ah... N-nasa shopping mall lang ako dito. Kumusta?" I noticed the uneasiness in her voice. May problema ba?

"I'm fine... Ikaw? Is something wrong, mom? Your voice is weird."

"A-ah... M-malamig kasi d-dito. I'm fine." sagot niya.

Hayy. Sana naman okay lang si mommy. Mabilis pa naman yun sipunin.

"Ganun ba? Take care there, mom. Wear your jacket." pagpapaalala ko sa kanya. "Ah. Where's daddy? Tsaka kelan ba kayo uuwi? I miss you so much."

Natahimik sa kabilang linya. Yung beeping sound lang ang narinig ko.

"Mom?"

"A-ah. Your dad attended this seminar for the company. Mamaya pa siguro balik nun dito... Hindi ko pa alam kung kelan ang uwi namin, anak eh." sagot niya. Medyo humina ang boses niya.

"Okay." malungkot kong sabi. "Tell him I miss him, okay?"

"O-osige. Nandiyan naman si Chio para bantayan ka. Sige Ianna, I have to go. Bye." at di pa man ako nakakapagpaalam ay binabaan niya na ako.

Looks like I'm alone for I-don't-know how long.

Pagkatapos tumawag ni mommy ay maya-maya rin ay tumawag naman si Chio kaya natigil ulit kami ni Lance sa pagkukwentuhan.

"Hello, Ianna? Where are you?" tanong niya agad. Napatingin ako kay Lance na hinawakan naman ang kamay ko.

"I-I'm in the library. Nagreresearch ako para sa project. Bakit?" liar, Ianna. Paano kung nasa library siya ngayon?

"Ah sige. Puntahan kita jan." pagkatapos nun ay binabaan niya na ako. Why are people dropping calls on me? Ugh.

Agaran akong tumayo. Kinuha ko agad ang bag ko. Ganun din ang ginawa ni Lance.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ng rooftop ay nagsalita na siya.

"Saan ka pupunta? Mamaya pa tapos ng practice ni Michio diba?" tanong niya.

"Sabi ko sa kanya nasa library ako. Pupuntahan niya daw ako doon." at lumabas na ko doon. Patakbo na akong bumaba ng Natividad Hall patungo sa 4th floor kung nasaan ang library.

Bago pa man ako makapasok sa 4th floor ay nagkasalubong kami sa hagdan ni Chio. He looked kind of surprised and I guess I also have that kind of expression on a different level.

Una kong ginawa ay tumingin sa likod ko. Buti nalang at wala si Lance doon. Hindi niya ako sinundan.

Pagbalik ko ng tingin sa harap ay naglalakad na palapit sa akin si Chio. Nakangiti na siya ngayon.

"Oh akala ko ba nasa library ka? Tsaka bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at kumapit sa strap ng bag ko. "Ah eh... May nakalimutan kasi akong kunin sa taas kaya ayun..."

Ngumiti ako ng pilit at tumango-tango naman siya. Inakbayan niya ako at naglakad na kami pababa.

"Ah okay. Maaga natapos yung practice namin eh. Tapos ka na ba sa research? Tara sa mall!" masaya niyang sabi pero may naramdaman akong tension eh. Parang may tinatago siya.

Masyado siyang masaya. Well, masayahin naman talaga siya pero iba yung ngayon eh. Parang sumobra. Nagmumukha tuloy na pilit.

Napaisip tuloy ako. Alam niya ba yung kagagagahan ko? Pero diba dapat galit siya? Dapat di niya ako pinapansin.

Di ko na napigilan ang curiosity ko kaya tumigil ako sa paglalakad at tinanong siya, "May problema ka ba?"

Napatigil din siya at hinarap ako bago sumagot, "W-wala. Bakit naman ako magkakaproblema?"

Kumunot ang noo ko. Ayaw kong maniwala sa kanya. Dahil dun ay bumuntong hininga siya at nilapitan ako tsaka niyakap.

Sobrang higpit ng yakap niya kaya kinabahan ako. Mas lalo akong kinabahan nang bumulong siya.

"I'm sorry... I'm sorry, Ianna."

Pagkatapos nun ay kumalas na siya sa yakap. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako paalis.

What are you sorry for Chio? Alam mo na ba? Pero bakit di ka galit kung ganun?

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon