Chapter 36
When Chio's lips touched that girl's, parang huminto yung mundo.
Tumahimik ang paligid.
Everyone faded into view.
Tumulo ang mga luha sa aking mga mata ng sunud-sunod. Did he feel the same nung nakita niyang hinalikan ako ni Lance? Kasi kung oo, kulang pa yung trato niya sakin ngayon.
It hurts so much. Parang sinaksak ako ng kutsilyo straight through the heart and twisted it hanggang sa mamatay ka.
Di na ako nagpaligoy-ligoy pa at tumakbo na palabas ng bar.
Tumakbo ako hanggang sa di ko na maramdaman ang sariling mga paa. Hindi ko na inisip ang mga taong nakasalubong ko. Lagpas hatinggabi na ngunit may iilan paring gumagala sa dalampasigan.
Sa layo ng tinakbo ko, napadpad na ako sa walang tao. Tanaw pa naman ang ilaw mula sa resorts ngunit medyo madilim na doon sa lugar kung saan ako napadpad. Hampas ng alon nalang ang maririnig.
Napaluhod ako sa buhangin at humagulgol na ng iyak.
Ang sakit sakit niyon. He knew I was there and watching him. He even smirked at me before kissing that girl.
Does he even know her?
But, fuck it! Iniisip ko pa lang kung ilang babae pa ang nahalikan niya sa tuwing pumupunta siya ng bars noong nasa Japan pa siya ay di na ako makahinga.
He used to be mine. Now, I lost him.
Ito na yata ang karma ko sa lahat ng ginawa ko sa kanya. For cheating.
It clearly shows that he really hates me. He loathes me so much that he wants to put me in such pain.
Kasalanan ko rin naman kaya wala akong karapatan na magreklamo at sumbatan siya. It's all on me!
Ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad niya ako? Kahit yun nalang. Kahit wag niya na akong balikan, okay lang basta mapatawad niya ako.
But, who am I kidding?!
I can't even imagine life without him anymore!
He's like an addiction. He's my sanity and insanity at the same time.
Isang oras din siguro akong umiiyak lang doon at iniisip kung ano ang gagawin ko para mapatawad ako ni Chio.
I even thought of becoming his PA. Kahit anong iutos niya ay gagawin ko. Kahit pahirapan niya pa ako ng sobra.
Tinignan ko ang wristwatch ko at nakitang mag-aalas tres na ng madaling araw. Tumayo na ako at pinagpagan ang shorts na puro buhangin.
Sana ay tulog na si Chio. Ayaw kong makita niya ang namumugto kong mata.
Ano ba, Ianna?! Wala namang pakealam sayo yun!
I pursed my lips at that thought at nagsimula nang maglakad pabalik sa rest house.
Nakapatay na ang ilaw sa loob ng rest house kaya binuksan ko na lamang ang flashlight ng cellphone ko para hindi makabasag ng kung ano man sakali.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakita kong nasa kama niya na si Chio at mahimbing na natutulog. Gusto ko ulit umiyak ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Dumirecho na ako sa aking kama at nahiga na rin.
I was just closing my eyes nang narinig kong parang gumalaw si Chio sa kama niya. I thought he was awake kaya nagpanggap akong tulog. Then, I heard his sleepy voice.
"Ianna..." I grasped the comforter tight. Why is he calling my name?
"Ianna..." ulit niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko, Parang di ko pa yata kayang makita niya ako ngayon na mukhang wasted.
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
General Fiction"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...
