Chapter 10

93 2 1
                                    

Chapter 10

"You must be kidding me!" inis kong sabi kay Chio after niyang ikwento sakin na narinig niya raw na nag-uusap ang parents namin about sa wedding preparations namin.

Like, ugh!

Kainis naman eh!

Ano na naman bang sinabi ni Chio sa parents niya at parang gusto na nilang ikasal kami agad?!

"Ano na naman bang sinabi mo sa kanila?!" wala na akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga basa kabilang table.

Mali na naman ba ang desisyon ko na sagutin siya? I only intend to make him happy. I want him to be assured.

Pero look now, I think he took that as my final answer. Na hindi na magbabago ang isip ko.

Malinaw naman na sinabi kong chance eh.

Stupid, Ianna! Alam mong iba ang galaw ng utak ni Chio.

"Why are you even mad? It's clear that we'll end up getting married." pagpapaliwanag niya.

Simula nung sinagot ko siya, kahit sabihin pa na ganun parin siya sa akin, hindi ko parin nakaligtaan ang konting pagbabago sa kanya.

He would insist on what he wants rather than following me gaya ng dati.

He still listen to me pero he takes charge in the relationship now.

Like pag may lakad ako, kailangan alam niya or ihahatid niya ako. Pinapayagan niya naman ako lagi pero kailangan updated siya sa whereabouts ko.

Minsan cute, minsan nakakairita kasi di ako sanay na ganun siya.

"We had a deal, Chio. Remember that." mariin kong sabi. Binigyan kong diin ang salitang deal.

*FLASHBACK*

"Chio, promise me one thing... A deal." I told him while he was hugging me.

"What is it?" malambing niyang tanong.

"Promise me na kapag hindi ko nagawang mahalin ka, papakawalan mo na ako. Babawiin mo na sa mga magulang natin ang pangako mo na papakasalan mo ko balang-araw." malinaw kong sabi, hindi humihinga hangga't di natatapos.

Ilang minuto siyang tahimik bago ko narinig ang buntong-hininga niya.

"Okay. Deal." mahina niyang sagot. "Basta promise mo rin na you will try, okay?"

Tinignan ko siya at tumango, "I promise."

I sealed it with a swift kiss on his lips.

*END OF FLASHBACK*

"I know. Hindi ko nakakalimutan yun, Ianna." malungkot ang ngiti niya sa akin.

Bumuntong-hininga ako. That's his greatest weapon to me, his sadness.

"Let's forget the issue. I'm sorry. Kumain na tayo." sabi ko nalang at nagpatuloy na sa pagkain.

--

Pagkahatid ni Chio sakin sa school after lunch, umalis na rin siya agad.

May 1 hour pa ako bago magstart ang class ko kaya tinext ko nalang si Raina kung nasaan sila ng barkada para mapuntahan ko sila. Nireplyan niya naman ako agad na nasa Hero's Park daw sila kaya pinuntahan ko sila dun.

Naabutan ko silang nagtatawanan habang nag-uusap ng kung ano. Umupo ako sa tabi ni Darius at nakinig sa pag-uusap nila.

"Eh kasi naman kung inaayos ni Monica yung mukha niya edi sana di nauuka! Hahahaha" -Ginny.

Sus. Pinag-uusapan na naman nila si Monica. Yung kaklase namin na ang kapal na nga ng make-up, magaspang parin tignan yung mukha. Hahahaha

Okay. Ang bad namin. Eh kasi naman ang yabang niya rin. Feeling maganda masyado.

Naalala ko pa nung 1st year kami, nagvolunteer ba naman siyang irepresent ang section namin sa college pageant.

Siyempre si Soreen agad ang nagreklamo kaya ayun at hanggang ngayon magkagalit sila. Hahahaha

"Uy Ianna, nandiyan ka na pala. Kumusta lunch with fafa Michio?" ayan na naman si Reila at fangirling mode na naman kay Chio. Humagikgik pa ang gaga.

Binelatan ko nalang siya at tinawanan. Hahaha. Ilang beses niya na rin akong kinukumbinsi na bigyan ko siya ng picture ni Chio habang natutulog pero di ko ginagawa.

Kahiya kaya. Hahahaha. Baka maturn-off pa sya pag nalaman niyang tulo-laway si Chio pag tulog.

"Eto talaga, ang damot sa info! Hmph!" maarte niyang sabi.

Tumawa kaming lahat dahil dun. Alam na alam nila na super fangirl ni Chio si Reila.

"Nga pala Ianna, sama ka samin bukas. Party sa bahay nila Gino. Invited daw 3A." -Darius

"Bakit daw? Anong meron?" tanong ko

"Birthday daw ng kapatid niya. So ano, sama ka?" -Janus

To make things clear, kambal po sila Janus at Darius. Hihihi

"Hmmm. Papaalam muna ko." di ko masabi sa kanila na kay Chio lang ako magpapaalam. Kasi sure naman na papayagan ako nila mommy.

Maghihinala kasi sila pag sinabi ko yung totoo eh.

"Sure na nandun si Lance." Soreen matter-of-factly said.

Sumilay ang ngiti sa labi niya nang mapansin niyang medyo nagulat ako. Gulat na sasama si Lance sa party kasi may pagka-anti social siya madalas.

Alam na alam ni Soreen na gusto kong sumama. Alam niyang pngalan ni Lance ang keyword sa lahat ng bagay.

At alam niya rin na gusto kong mabalik ang friendship namin ni Lance.

Kahit yun nalang muna.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon