Chapter 44

75 1 11
                                    

Chapter 44

"So, what's been keeping you busy while I was away?" tanong sa akin ni Chio habang nakahiga kaming dalawa sa kama niya.

Nakapatong ang aking ulo sa kanyang kanang braso habang nakapulupot ang aking mga kamay sa kanyang bewang. He was looking at the ceiling while I was staring at him.

"Para namang hindi mo alam. Araw-araw kaya tayong magkausap, diba?" nang mapatingin siya sa akin ay tinaasan ko siya ng isang kilay.

He chuckled because of that and shifted his weight para makaharap ako. Itinukod niya ang braso niya sa kama kaya napaayos din ako ng higa at humarap din sa kanya.

"You're mesmerizing." Bigla niyang bulalas sa napakaseryosong boses.

I tried stopping myself from smiling at dahil di ko kinaya yun ay inihilamos ko ang aking palad sa kanyang mukha.

"Binobola mo na naman ako." Nakangiti kong sabi nang tinanggal niya ang kamay ko sa mukha niya.

"Sinisira mo na naman yung moment. Kainis ka!" maloko niyang sabi tapos ay nagpout pa siya.

Tinawanan ko siya tapos ay hinalikan sa labi.

"You're so cute when you act like a kid." Bawi ko naman na nagpapout sa kanya lalo. Hindi ko alam kung nagpipigil ba siya ng ngiti o nag-iinarte lang talaga.

"Much cuter than Park Chanyeol?" pabiro niyang tanong.

"You should know your limit, baby." Seryoso kong sagot.

Nang nagsimula na siyang buksan ang bibig niya para magmaktol ay tumawa ako ng malakas.

"Joke lang, Chio!" natatawa talaga ako dahil sa itsura niya dahil sa sinabi ko.

Mukha kasi siyang constipated na tuta. (lol)

"Ah ganun pala ha! Halika dito!" then he grabbed me by the wrist at sinimulang kilitiin sa tagiliran.

Walang tigil ako sa pagtawa to the point na naiyak na ako. Mukha tuloy akong baliw.

Natigil lang kami nang may kumatok sa pinto. Nang bumukas iyon at sumungaw ang ulo ng mommy ni Chio sa pintuan ay umayos kami ng upo ni Chio.

"Dinner's ready." Nakangiti niyang sabi pagkatapos ay umalis na si tita.

Naunang tumayo si Chio at naglahad ng kamay sa akin. Inabot ko iyon at tinulungan niya akong tumayo. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya para maayos iyon.

Nang maayos na ang lahat ay hinawakan niya ang aking kamay at lumabas na kami ng kwarto.

"Happy Birthday, Ianna!" sinalubong ako ni tito Gil ng isang yakap at saka inabutan ng isang maliit na box. "I hope you like it. Chio helped me choose that gift."

Natawa ng bahagya si Chio ng kinindatan siya ng daddy niya.

"Thank you, tito." Pagpapasalamat ko.

Pumwesto na kami sa aming mga upuan sa harap ng hapag kung saan nakahain ang iilang handa na siguraddo akong niluto ni tita Mia.

It felt so good to be back to how everything should be. I missed dinners spent with the Tanaka. I stared at Chio while he's busy putting some food on my plate. He seems to enjoy it dahil bukod sa ngiti na nasa kanyang labi ay medyo marami ang nilalagay niya sa plato ko.

"Ang dami naman yata niyan, Chio. Baka hindi ko maubos yan!" I told him pero ang tanging ginawa niya lang ay ngitian ako.

"I helped mommy prepare all that kanina, so gusto kong mabusog ka."

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon