Chapter 14

95 1 0
                                    

Chapter 14

Tumagal ng dalawang oras ang shoot ni Chio. Tatlong beses rin siyang nagpalit ng damit. At dahil nga sa sinabi niyang sa kanya lang ako tumingin, ayun at di ko iwinaglit ang aking paningin sa kanya kahit halos mahilo na ako.

"Okay, we're done for today! Thank you guys!" sigaw ng babaeng head staff ng magazine.

Sumenyas si Chio sakin na magbibihis na muna siya at dumiretcho na sa dressing room niya.

"Let's go?" pag-aaya niya pagkabalik niya matapos magbihis. Suot niya na ulit ang damit niya kanina pagdating namin dito at may suot na rin siyang shades.

Tumango ako at tumayo sabay hawak niya naman sa kamay ko. Saglit siyang nagpasalamat sa lahat ng staffs doon bago kami tuluyang umalis.

"Saan na tayo?" tanong ko sa kanya pagkaalis ng sasakyan sa parking lot ng studio.

"Hmmm... What do you think about going on a date?" sumulyap siya saglit sa akin nang nakangiti.

"Where would we have this date, huh?" panunuya ko naman.

"It's a surprise." sagot niya naman nang nakangiti pero sa daan parin ang tingin.

Tahimik lang kaming dalawa habang nagddrive siya patungo sa kung saan. Tanging ang tugtog lang na mula sa iPod niya ang maririnig.

Maya-maya ay napansin kong ang daan na tinatahak namin ay pabalik na ng Malolos kaya bumaling ako sa kanya.

"I thought we're going on a date? Pauwi na tayo eh." I told him matter-of-factly.

"Bakit? Akala mo ba saan tayo pupunta? MOA?" natatawa niyang tanong. Tumango nalang ako. Ano ba ang trip ng lalakeng 'to?

"Well, sorry to disappoint you, but, my idea of a date today is in a very familiar place to the both of us." sagot niya naman. Mocking a sad face. Inirapan ko nalang siya pero ngumiti din naman ako agad.

But...

A familiar place?

Where would that be? All our lives, di naman kami naalis sa subdivision na tinitirhan namin. Hindi naman siguro sa school namin nung high school diba?

Di rin nagtagal ay lumiko na ang sasakyan sa daan papasok ng subdivision. Sa bahay lang kami magddate?

My question was immediately answered nang lumagpas kami sa bahay namin at dumiretcho patungong clubhouse.

Ipinark ni Chio ang sasakyan sa harap nito at bumaba na kami. Naglakad ako papasok ng clubhouse expecting some kind of prepared surprise or thing pero wala namang kahit na ano doon. The interior was as bare as it could be.

Nagtungo ako doon sa table at bench sa garden ng clubhouse bago ko nilingon si Chio.

"I thought you prepared something." disappointed kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya bago ako sinagot, "Well, we're here to talk about memories. Let's just reminisce. We'll have this kind of date."

Iginiya niya ako sa bench at pareho kaming umupo doon. Nakayakap siya sa akin at hinahaplos ang buhok ko.

"Well, where do you want to start, Mr. Tanaka?" pabiro kong tanong sa kanya.

"Hmmm... Remember that Halloween Party six years ago?" panimula niya.

"Of course, how could I ever forget that?" napairap ako sa kawalan at natawa sa alaalang yun na dati ay sobrang kinainisan ko. "That's when you stole my first kiss."

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon