Chapter 16

75 2 0
                                    

Chapter 16

Pagkatapos na pagkatapos ng first subject namin ay agad akong nagmartsa patungo sa upuan ni Chio na pinalilibutan na ng mga kaklase ko.

Ininterview siya ng mga ito at kung anu-anong tinanong. Ang mga babae kong kaklase ay nagpapacute sa harap niya. Ang mga lalake naman ay gustong makipag-kaibigan sa kanya. Si Chio naman ay kumportableng pinasinayahan ang mga kaklase ko. Pati nga yung iilang mga nasa katabing classroom ay nakadungaw na rin sa bintana namin.

"Excuse me. Excuse me." sabi ko habang dumadaan sa kumpol ng mga kaklase ko.

Nang nasa harap na ako ng upuan ni Chio ay nagpamaywang ako at tinaasan siya ng kilay. Agad niya naman akong napansin at nginitian.

"Michio Gaiser Tanaka, bakit hindi mo sinabi sakin na magttransfer ka dito?" mataray kong tanong.

Tahimik lang na nakikinig ang mga kaklase ko. Maliban sa barkada ko, wala nang nakakaalam na magkakilala kami ni Chio kaya naman ay nagtaka sila sa inasal ko.

Medyo naiinis talaga ako dahil hindi niya sinabi sakin. Ito siguro yung inasikaso niya nung mga times na di ko siya nakikita. Di ko man lang nahimigan ito. Haaaaay.

Nginitian niya ako ng pilyo at umiling pa siya. "Come on, babe. Hindi ka man lang ba masaya na nandito ako?"

Sa sinabi niyang iyon ay di lang ako ang nagulat. Ghaaaaad! Why does he have to call me babe in front of everyone?!

"Babe?!" halos pahysterical na bulalas ng isang maarteng nilalang. Hulaan niyo kung sino yan.

Edi sino pa nga ba? Edi si Monica!

Yes, darling! Your idol is MY BOYFRIEND.

Napalingon si Chio sa kanya at kasabay naman nun ang bulungan ng ibang nakarinig. Nahiya naman ako dahil dun.

"Waaaa! Boyfriend niya si Michio?"

"Wattda?! Di pwede 'to!"

"For real? Sila?"

"Kyaaaaa~! Siya siguro yung tinutukoy ni Michio sa isang interview dati!"

"Swerte naman ni ateng! Sino ulit siya? Ianna, diba?'

Ilan lang yan sa mga narinig ko. Grabe naman! Yung iba parang ayaw maniwala na girlfriend niya nga ako.

"Oh, yeah. Forgot about it." Tumayo si Chio at tumabi sakin saka hinapit ako sa bewang at nakangiting humarap sa lahat. "I am Ianna Gersen Alonzo's boyfriend."

Proud niyang sinabi iyon sa lahat at ang ibang girls ay mukhang nalugi. Especially, Monica na nag-walkout nalang.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung saan titingin, but my eyes immediately fell on something.

Across the room, I saw Lance. Seryoso ang tingin niya sa amin. Nakita ko pa nga na nakaigting ang bagang niya habang nasa tabi niya naman si Benjie at tinatapik ang balikat niya. Maya-maya'y nagwalkout siya kasunod ang mga kaibigan.

--

Lunch na at nandito kami ni Chio sa cafeteria kasama ang mga kabarkada ko. Kanina pa nila ako iniinterview tungkol samin ni Chio. Si Chio naman ay nasa tabi ko lang at hawak ang kamay ko sa ilalim ng table, tapos na kasi kami mag-lunch.

"So, kung hindi pa inannounce ni Michio kanina na girlfriend ka niya eh di pa namin malalaman... naku, Ianna!" patampong sabi ni Soreen. Ever the maarteng bestfriend.

"Oo nga, Ianna. Tagal ko na kayong shiniship ni Michio eh." segunda naman ni Reila.

"Sorry na guys, please. Sasabihin ko naman kasi eh. Humahanap lang ako ng tiyempo." sabi ko nalang.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon