Chapter 45

65 0 1
                                        

Chapter 45

Tatlong araw na ang nakalipas mula noong nagpropose si Chio sa akin. We agreed that we won't get married yet. Tsaka na kapag nakagraduate na kami pareho sa college at kapag settled na ang career namin pareho.

Yes, Chio will continue his studies. Nag-enroll siya sa dati niyang school dahil may offer sila kung saan pwede na online modules lang ang ibibigay nila kay Chio para kahit busy siya sa pagmomodel ay di niya mapabayaan ang studies na. Magkakaroon din siya ng exams through online at sa tuwing mauuwi siya sa Pinas ay required siyang umattend sa physical classes niya.

Determinado si Chio na makapagtapos sa kursong Civil Engineering kaya naman ay pumayag siya sa kondisyon ng university.

Ngayon ay nasa airport ako kasama ang parents ni Chio para ihatid siya. Ngayon ang balik niya sa Japan dahil tatlong araw lang daw ang free sa schedule niya. Nakakalungkot man na saglit lang siya dito ay naging masaya naman ako dahil simula ngayon ay engaged na kami.

Pumayag na rin si Chio na sa bahay na ako magstay since umuwi na si mommy kahapon galing Baler.

"Ianna, behave here, okay? My spy is watching over you." Bilin sa akin ni Chio while smiling at me playfully.

"Yes, sir!" I saluted at natawa kaming pareho dahil dun.

He pulled me closer to him and hugged me tight.

"Ikaw din ha? Maraming magagandang models doon for sure. Don't look at them or I'll poke your eyeballs out of your head." Pagbabanta ko na tinawanan niya lang.

"I'll miss you." Bulong niya sa aking tenga.

"I'll miss you, too." Niyakap ko siya ng mahigpit. Sakto naman na pagkahiwalay ko sa yakap sa kanya ay tinawag na ang flight number nila.

He swiftly kissed me on the lips then on my forehead. Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa ay nilapitan niya naman ang mommy at daddy niya. He kissed his mom's cheek and hugged her then he also hugged his dad. Pinat ng daddy niya ang likod niya at nginitian siya.

Nang nakapagpaalam na siya sa amin ay kinuha niya na ang luggage niya at nagsimula nang maglakad palayo sa amin. Kumaway siya sa amin bago pumasok ng tuluyan sa departure area ng airport.

I guess we're back to the long-distance relationship state. Bumuntong hininga muna ako bago tumalikod at sinundan na palabas ang parents ni Chio.

-----------------

"Wow, Ianna! Ang ganda naman ng engagement ring na bigay sayo ni Chio. Maybe it costs thousands of pesos!" Reila was oggling at my ring matapos kong ikwento sa kanila ang nangyaring proposal.

They all congratulated me at sobrang saya nila dahil finally daw ay nagkaayos na kami ni Chio.

First day of classes namin ngayon at dahil unang araw pa naman, wala pang ginawa kundi ang magbigay ng course syllabus.

Nasa canteen kami ng school ngayon at kumakain ng lunch. Hindi ko alam kung ako lang ba iyon o talagang nahuhuli ko na tinitignan ako ng ibang students sa school. Ang iba ay nagbubulungan at ang iba naman ay parang gusto na akong lapitan pero pinipigilan lang nila ang mga sarili nila.

Nasagot naman ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko nang may isang babaeng lumapit sa akin na sa tingin ko ay Tourism student base sa strap nd ID niya.

"Hi! Ikaw ba si Ianna Gersen Alonzo?" medyo nahihiya niyang tanong sa akin.

"Oo. Ako iyon. Bakit?" nagtataka man ay nginitian ko pa rin siya.

Nagulat naman ako nang nanlaki ang mga mata niya at medyo napatili siya.

"Oh my god! So ikaw yung fiancee ni Michio Tanaka? Yung sikat na model!" napakalapad na ng ngiti niya at lalo kong napansin na nagbubulungan nga ang mga tao sa paligid. Medyo nahiya ako dahil dun kaya yumuko ako ng bahagya. Ang mga kaibigan ko ay tahimik lang na tinitignan ang babae sa harap namin. Maging sila ay nagtataka sa inaakto nito.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon