Chapter 32
I grew up with so much love around me. Mula sa mga magulang ko hanggang sa mga kaibigan ko. They all filled my life with happiness and love.
Chio was one of those people. 7 years old pa lang ako ay magkakilala na kami. He was always by my side. He's my neighbor, childhood friend, best friend, partner in crime, brother, lover, and fiance.
Ilang beses ko na nga ba sinabi 'to? Di ko na maalala eh.
Nakatatak na kasi sa pagkatao ko si Chio. He is already a part of me.
How could I be so stupid to not realize that a very long time ago?
I took him for granted. All I ever thought about was myself. Akala ko kasi di siya mawawala.
Na dahil mahal niya naman ako ay hindi niya ako iiwan.
Na mapapatawad niya ako sa mga pagkakamali ko.
That his love would not fade with time.
Nung una, akala ko ay hindi ko siya mamahalin pero kalaunan ay natutunan ko na rin iyon.
Masyado lang akong nakatuon kay Lance noon. I enjoyed the chase with him. It was a chase that I couldn't get with Chio.
Mahal na ako ni Chio simula pa man noon kaya di ko na naranasan na magpapansin sa kanya tulad ng ginagawa ng ibang kababaihan sa kanilang mga nagugustuhang lalake.
Ngunit mali pala iyon. Ang mga babae kasi dapat ang sinusuyo and not the other way around. Kahit na moderno na ang panahon at may pagka-westernized na tayong mga pinoy, di parin magandang tignan na ang babae ang naghahabol sa lalake.
Dahil kung gusto ka ng isang lalake, siya na mismo ang gagawa ng paraan para mapalapit sa iyo.
Narealize ko rin na mas nakakakilig pala ang mga effort na hindi mo hinihingi. Yung tipong isang umaga eh gigising ka tapos masusurpresa ka nalang na may inihanda siyang bagay para sayo.
Di naman kailangan bongga. Sapat na yung gigisingin ka niya na may dalang breakfast o kaya tatawagan ka niya para mag-good morning sa iyo.
Pero dahil nga nasa huli ang pagsisisi, heto ako at umiiyak na naman.
Lagi nalang ba talaga akong iiyak? Umiyak ako noon sa maling tao, ngayon naman ay umiiyak na naman ako dahil sa taong sa tingin ko ay tama na para sa akin.
Ano ka ba naman Ianna?! May magagawa ka pa naman eh!
Ano nga bang dapat kong gawin?
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa walang tigil na pagkatok sa pinto ko.
"Sino ba 'yan?!" pagalit kong tanong sa kumakatok. Napuyat ako dahil sa dami ng iniisip ko kagabi kaya naman ay medyo iritado ako sa pag-istorbo sa tulog ko.
"Bes! Ako 'to! Si Soreen!" sigaw naman ni Soreen na siyang kumakatok parin hanggang ngayon.
Humugot ako ng malalim na hininga bago bumangon na parang zombie sa kama ko at pinagbuksan siya.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting si Soreen.
"Tara bes! Maligo ka na. Aalis tayo ng barkada." Sabi niya sabay tulak sakin patungo sa banyo ng kwarto ko.
"Ha? Saan naman tayo pupunta?" tanong ko naman sa kanya, medyo inaantok pa.
"Sa Zambales! Ligo ka na daliiiiiiii!" excited niyang bulalas sabay sara ng pinto ng CR. "Ako na bahalang mag-impake ng mga dadalhin mo doon!" dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
General Fiction"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...