Chapter 22

60 1 2
                                    

Chapter 22

Soreen's words hit me hard. It hit me like a blazing fireball na ang tanging intensyon ay sunugin ang kaluluwa ko.

I know she's right. Soreen has always been right about things. Lahat ng lumalabas sa bibig ng bestfriend ko may sense kahit pabiro kung sabihin niya minsan.

With her words, natauhan ako. I am slowly coming to a conclusion. It might make or break things. I just need more time.

I was deep in my thoughts when someone suddenly pulled me away.

Pagkakita ko ay si Lance pala ito. Automatic na bumalik ang inis ko dahil naalala ko ang nangyari kanina.

"Saan mo ako dadalhin?!" inis kong tanong sa kanya. I was trying to break from his grasp pero sadyang napakalakas niya.

"We're gonna talk." matipid niyang sagot. Dire-diretcho lang ang lakad niya hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school.

Nang matapat kami sa sasakyan niya, binuksan niya ito at pabagsak akong pinasakay sa loob.

Tumakbo siya patungo sa driver's side at nang makasakay na ay pinaharurot na palabas ng school ang sasakyan.

"We could've just talked sa rooftop ng natividad. Where are we going anyway?" tanong ko sa kanya nang mapansin na pa-Maynila ang tinatahak naming daan. Malapit na kasi kami sa NLEX.

Nung una ay ayaw niya pang magsalita pero maya-maya rin ay narinig ko ang buntong-hininga niya.

"We'll talk somewhere you will not see Sugar. And... This is a date." sagot niya.

Napatingin ako sa kanya dahil dun.

What?!

I'm having this issue with Sugar and he's taking me on a date?!

Hindi ko rin alam kung anong issue ko talaga. Kung si Sugar ba or yung rumors na kumakalat.

Di rin nagtagal ay nakarating kami sa isang mall na nasa sentro na halos ng Manila.

We decided to eat lunch at a restaurant there.

Habang naghihintay na dumating ang order namin ay chineck ko ang phone ko. Nakita kong nakakailang tawag na si Chio sa akin at may iilang text din galing sa kanya na nagtatanong kung nasaan ako.

Tatawagan ko sana siya pero naunahan niya na ako dahil nagring rin agad ang phone ko sa tawag niya.

"Hello, Chio. Bakit?" sagot ko sa tawag. Napatingin si Lance sa akin nang malaman kunh sino ang kausap ko.

"Uhh... Nasan ka?" tanong niya pabalik. Napansin ko naman na aligaga ang tono ng boses niya.

"Ahhh... Umuwi na ako. Bakit?" kinabahan naman ako dahil sa tanong niya.

Don't tell me pupuntahan niya ako. Kasi patay talaga ako when he finds out that I'm lying.

Don't.

"Ahh... Okay..."

Go.

"Kasi..."

Home.

"Magpapaalam lang ako. Akala ko nasa school ka pa. Papaalam sana ako na di ako makakasabay sayo ng uwi kasi... May practice pa kami sa football."

Phew! Nakahinga ako ng maluwag after niyang sabihin yun. Akala ko kasi pupuntahan niya ako or something.

"Ahhh... Okay. Ingat ka sa practice later." sagot ko nalang.

"Of course. For you. Sige, Bye." Sa sinabi niyang yun ay napangiti ako.

"Bye." ibababa ko na dapat pero nagsalita pa siya ulit.

"Ianna?"

"Yes?"

"I love you."

Natigilan ako at biglang nahirapan akong huminga.

Wow! That one was surprising.

At hindi ko alam pero nagulat din ako sa mga sumunod kong sinabi.

"I love you, too."

Ibinaba ko na ang tawag dahil dumating na rin ang order namin ni Lance.

Tahimik lang kaming kumakain pero nung medyo nangangalahati na si Lance sa kinakain niyang steak ay kinausap niya ako.

"I'm sorry, Ianna." sabi niya. Tinignan ko naman siya at nakitang sincere naman siya sa sinabi niya.

"About what?" medyo cold kong tanong sa kanya.

"Alam kong nakita mo ako kanina na nakatingin kay Sugar. It's just that the pain is still there a bit, but, don't doubt me. Please. I love you, Ianna."

With that, my madness melted away. It's like that with him, I guess. Konting sorry lang eh bibigay na ako.

Ibinaba ko ang mga kubyertos na hawak ko at hinawakan ang kamay niya.

"I'm sorry din if I acted like that. It's just that si Sugar ang ex mo and I know you loved her. I was with you when you were so in love with Sugar."

Sa simpleng usapan na yun ay nagkaayos kami. I promised him that I won't get jealous anymore. Na tatandaan ko na lagi na mahal niya ako. Lance also promised na iiwasan niya si Sugar pag nilapitan siya nito.

Matapos naming kumain ay nag-ikot pa kami sa mall. Binilhan niya ako ng promise ring. Nung una sabi ko wag na kasi di ko rin masusuot kasi baka makita ni Chio kaya bumili na rin siya ng silver necklace para dun ko ilalagay yung singsing. Mahaba yun para maitago ko sa ilalim ng suot kong damit at walang makakita nung singsing.

Pauwi na kami at nagdadrive na siya pauwi. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nakikinig sa stereo ni Lance.

I was singing along Justin Bieber's Love Yourself nang madaan kami sa isang kilalang hospital at tila ba nakita ko si Chio... At si Mommy sa labas noon.

Napaayos ako ng upo at tinignang maiigi ang dalawang tao.

Napansin ni Lance ang ginawa ko kaya tinanong niya ako kung anong problema.

"Uhm, can we stop near the hospital?" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at umikot pabalik sa dinaanan namin. He parked sa daan patawid dun sa hospital.

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Chio. Maya-maya rin ay nakita kong tinignan nung lalake sa labas ng hospital ang cellphone niya. Nang nilagay niya sa tenga niya ito ay sakto rin na sinagot ni Chio ang tawag.

"Hello, Ianna. Bakit ka napatawag?" tanong niya.

"Where are you?" tanong ko rin. Nakatingin lang ako dun sa lalake, nasa tabi niya lang ang babaeng kahawig ni mommy.

"Uh... School? Diba sabi ko may practice kami." ganun rin ang basa ko sa sinabi ng lalake sa labas ng hospital. Nakasalubong ang dalawa niyang kilay. Hindi dahil sa inis pero mukhang kinakabahan siya. Yung babae sa tabi niya parang nag-aalala ang itsura pero di siya nagsasalita.

Then, I realized... Si Chio nga iyon.

At si mommy.

But, diba nasa ibang bansa sila mommy? Then, why is she there? Nasan si daddy? What are they doing there?

Ang daming tanong na pumasok sa isip ko pero di ko mahanapan ng sagot.

"Hello? Ianna? You still --" di ko na pinatapos si Chio. Basta ko nalang binaba ang tawag.

Chio's, keeping something from me... May alam siya na di niya sinasabi sakin.

I have to figure this out.

---
Author's note:

Hi. Hello. Sorry sa late update kasi wala akong mahanap na inspirasyon at tinatamad ako.

But, here it is. Happy New Year people!

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon