Chapter 34
Pagkarating namin sa rest house ay nadatnan namin sila na nagtatawanan. Pati si Chio ay tumatawa sa kinwento ni Janus.
The bonfire was ablaze at nakapalibot sila dito. Magkatabi si Chio at Yui. Habang nasa kabilang side naman sila Janus at Raina. Sila Reila at Darius naman ay nasa di kalayuan at nag-iihaw ng pusit at barbecue.
"Ayan na pala sila Soreen!" pahayag ni Raina nang makita kaming paparating.
Nauna nang naglakad si Soreen palapit kila Raina habang ako naman ay nilingon muna si Wil bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Saan ka ba nanggaling, Ianna? Sabi ko eh wag ka nang lumayo." Napakamot nalang sa ulo si Janus habang sinasabi iyon. Nakita niyang may kasama ako kaya napatingin siya kay Soreen.
Nagkibit-balikat lang si Soreen tsaka pumunta kila Reila para tumulong sa pag-iihaw.
"Nasa malapit lang naman ako ah." I pouted at him. "Nga pala, I want you to meet Wil. Nakilala ko siya kanina habang nag-iikot."
Iminuwestra ko si Wil sa kanila na ngumiti naman at tumango.
Unang lumapit si Janus at nakipagkamay kay Wil.
"Janus." Pakilala niya. "Si Raina naman yung tahimik at—"
Di naituloy ni Janus ang pagpapakilala sa iba dahil biglang nilapitan ni Wil sila Chio at Yui.
"Michio Gaiser Tanaka! Bro, kumusta?" masayang bati ni Wil kay Chio sabay yakap niya rito pagkatayo.
"I'm fine! Just got back from Japan nung isang araw." Mukhang matagal na silang magkakilala dahil ngiting-ngiti sila pareho sa isa't isa. "Ikaw, kumusta?"
"Well, the boys and I are still hanging together. I heard sikat na sikat ka na daw sa pagmomodel." Sagot naman ni Wil.
The boys? Is he talking about his friends? I wonder. Pero paano kaya sila nagkakilala eh di naman siya nabanggit sakin dati ni Chio.
"Hindi naman. I just got an offer there and I gladly accepted it." Nakangiting sambit ni Chio sa papuri ni Wil.
"Hoo! Di ka parin nagbabago, pahumble ka parin!" tapos ay natawa silang pareho.
Hindi na ako nakatiis kaya lumapit na ako sa kanila. Mukha kasing walang balak sila Janus na magtanong. Nakatingin lang sila sa dalawang lalake habang nag-uusap.
"Wil, you know Chio?" tanong ko.
Bumaling siya sa akin at nakangiting sumagot, "Yeah! Naging kaklase ko siya sa ibang subjects sa UP and nakakasama ko rin siya minsan sa pagmomodelo."
Wil is a model?!
Well, papasa naman siyang model eh. Matangkad, maganda ang pangangatawan, makinis ang balat at gwapo.
I'm not oggling at him, I'm just describing him.
Chio's lips tightened nang lumapit ako sa kanila. After all, we're still not okay.
"Ahhh. Okay. Model ka rin pala." Medyo naging uncomfortable ako dahil parang gusto akong kainin ng buhay ni Chio. Pag nakaharap naman si Wil sa kanya eh ngumingiti siya.
"Yeah. Nakakahurt ka naman ng feelings! Di ka man lang ba nakakakita ng pictures ko sa magazines? I was a cover in several issues." Umakto siya na na-offend with matching hawak pa sa dibdib niya.
"Sorry naman! I don't read magazines eh." Natatawa kong sagot.
"Well, pwede naman kitang bigyan. With autograph ko pa!" pabiro niyang sabi.
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
Aktuelle Literatur"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...