Chapter 2
"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Michio pagkapasok namin sa sasakyan niya.
Nag-isip ako. Habang nag-iisip, unti-unti kong nafeel ang gutom ko.
"Hmm... Mcdo nalang! Gusto ko ngayon ng fries at sundae eh." sagot ko sa kanya. Naiisip ko na ang large fries na mauubos ko. Dalawa siguro. Yummy!
"What?! Yung real food naman. Kaya lagi kang walang buhay tignan eh!" pag-alma niya naman.
Loko pala 'to eh! Tatanungin ako tapos di naman pala gusto. Hayyyyy.
"Tatanungin mo ko tapos ayaw mo naman pala! Sana ikaw nalang maglunch mag-isa! Tsaka anong walang buhay?! Edi wag mo ko samahan! Di naman kita pinipilit eh! Ikaw jan biglang sumusulpot eh!" litanya ko na nakasimangot na.
'Pag ganitong gutom ako, wag niyo kong kinakalaban. Tinutubuan ako ng pangil.
Joke lang.
Pero wag talaga. Lol.
Nanlaki naman ang mga mata niya. Natakot ko yata. First time niya kasi akong tinanong kung saan kakain. Palagi kasing siya ang namimili. Magdadrive siya tapos voila! Nasa isang restaurant na kami. Ganun palagi.
Except ngayon siyempre.
Napakamot siya sa ulo niya tapos bumuntong-hininga.
"Hayyy. Okay. Tara. Diba diyan lang sa labas ng school niyo ang Mcdo?" tapos lumabas na siya sa sasakyan.
Ayyyy? Papayag naman pala.
So ayun at lumabas na rin ako at sumunod sa kanya. Medyo nauuna siya sakin tapos napansin ko pa na tingin nang tingin sa kanya yung mga students na babae na nakakasalubong namin.
Maya-maya eh biglang huminto si Michio sa paglalakad at dahil tinitignan ko yung mga tulo-laway na girls sa tabi eh bumunggo ako sa likod niya.
Leche! Ang sakit ng ilong ko eh. Medyo nahilo pa ko kasi ang lakas nung impact.
Pader yata yung likod nito eh.
Nataranta naman siya at hinarap agad ako.
"Ayy sorry Ianna. Nasaktan ka ba?" pag-aalala niya habang hawak ang magkabilang balikat ko.
OA naman nito!
Pero masakit nga.
Tumango nalang ako.
Tapos hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Nafeel ko namang uminit ang pisngi ko. Siyempre tao lang din ako 'no! Tinatablan din ako ng kilig. Nakita ko naman ang mga babaeng mukhang nasalanta ng bagyo dahil sa nasaksihan.
"Anong gusto mo?" tanong ni Michio pagkarating namin sa Mcdo. Dun kami umupo sa tabi ng glass window.
"One piece chicken meal, 2 large fries, at vanilla sundae." sabi ko. Dinungaw ko ang bag ko para kunin ang wallet at magbigay ng pambayad kay Michio. Pero pagtingin ko ulit sa harap eh wala na siya.
May lahi yatang ninja yun eh. Ang bilis mawala.
Hinayaan ko nalang. Mamaya ko nalang ibibigay yung bayad pagbalik niya.
Nakatingin lang ako sa labas habang hinihintay si Michio. Mahaba pa yung pila eh. Lunch time na kasi.
Tulala ako nang may grupo na pumasok at medyo maingay kahit maingay na rin sa loob ng Mcdo. Pagtingin ko eh sila Lance pala at mga kaibigan niya.
Ang tanging bakanteng table na lang eh yung medyo malapit sakin na pang-sampu kaya dun sila nagtungo. Napansin ako agad ni Benjie kaya binati niya ako.
"Uy Ianna! Ikaw pala yan. Sinong kasama mo? Si Soreen?" bati niya.
Napansin din yun ng iba niyang kasama pati ni Lance pero di ko siya tinignan. Nginitian ko silang lahat
Umiling ako."Hindi. Si--" sasagot na sana ako nang saktong dumating si Michio dala ang order namin.
"Aaaaaah..." makahulugang sagot nalang ni Benjie tapos napatingin siya sa gawi ni Lance. Umupo na rin sila sa pwesto nila at medyo naglapit-lapit.
Di ko na pinansin at humarap na kay Michio. Kaso nahahagip ko parin ang mga sinasabi nila.
"Akala ko ba..." bulong nung isa.
"Selos ka 'pre?" tapos humagikhik pa.
Sino naman magseselos? Asa ka na naman?
"Yan siguro yung naririnig kong manliligaw niya since high school."
Teka...
Boses ni Lance yun ah. Bakit niya alam yun?
Marami pa silang pinagbulung-bulungan pero di na ako nakinig. Sabihin pa nila chismosa ako.
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
Genel Kurgu"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...