Chapter 29
Naging mabagal ang mga araw. Ganun naman talaga kapag may hinihintay ka.
Kakasimula pa lamang ng buwan ng Abril at wala na yata akong ginawa kundi ikutin ang buong subdivision sa umaga pagkatapos ay manunuod ako ng mga video ng EXO sa hapon. Mauubos ko na nga yata ang laman ng YouTube eh.
Sa gabi naman ay nasa hospital ako para bantayan si daddy. Mas gusto ko sa gabi magpunta doon dahil wala nang gaanong tao maliban sa mga nurse na nakaduty.
Minsan sa sobrang pagkaburyo ko doon ay kinakausap ko ang mga nurse sa nurse's station. May kaclose na nga ako eh. Si Nurse Annie.
Siya ang madalas na kumukuha ng vital signs ni daddy gabi-gabi. Nananatili siya minsan sa kwarto ni daddy kapag wala akong kasama. Kinakausap niya ako tungkol sa mga bagay-bagay.
"Hindi ko na yata nakikita yung gwapong binata na bumibisita dito?" puna niya isang beses.
Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya. Siguro ay si Chio ang tinutukoy niya. Siya lang naman ang pumupunta dito maliban sa amin ni mommy at iilang kamag-anak namin.
"Ahh... Si Chio po ba?" awkward kong tanong sa kanya.
"Yung mukhang koreano. Pamilyar nga ang mukha niya eh." dagdag niya pa.
"Si Chio nga po yun. Half-japanese po siya. Model po kasi yun kaya siguro pamilyar sa inyo." nakangiti kong sabi sa kanya. It was like re-telling someone my favorite story.
"Ahhh. Japanese pala, akala ko kasi koreano siya." natawa siya sa natuklasang kaalaman na iyon.
Natawa na rin ako pero natigil rin sa kasunod na tanong niya.
"Boyfriend mo ba siya?" may mapanuyang ngiti na sumilay sa kanyang labi.
I smiled. A bittersweet one, though.
"Dati..." I trailed off.
"Dati? Break na kayo?" tanong niya na tinanguan ko lang. "Bakit kayo nagbreak?"
"Kasi nasaktan ko siya." kumunot ang noo niya sa sagot ko. Tila ba ay naghihintay pa siya ng pagpapatuloy sa kwento ko.
"Eh? Di ka nun mahal. Iniwan ka agad eh. Di ka man lang binigyan ng 2nd chance." she stated, like it was the truest of all things in the world.
Umiling ako at nginitian siya ng malungkot.
"Mali ka doon. Dapat lang sa akin ang maiwan. Nakagawa ako ng kasalanan sa kanya at sobrang laki nun." pagpapaliwanag ko sa kanya.
Tahimik lang siyang nakikinig habang nakatingin sa akin.
"Mahal niya ako. Mahal na mahal. Hindi ko yun pinahalagahan kaya nawala siya sa akin. Kung sana di ako nagpakatanga sa ibang bagay edi sana nandito pa siya sa tabi ko ngayon." pagpapatuloy ko.
"Yan tayo eh! Masyado tayong nahuhumaling sa what ifs. What if ganito, what if ganyan! Alam mo kasi Miss Alonzo, kung ginagawa natin ang gusto ng puso natin edi sana walang regrets." gusto kong matawa dahil parang ang lalim ng pinaghuhugutan ni Nurse Annie pero alam kong seryoso siya kaya di ko ginawa.
"Alam ko, Nurse Annie. Kaya nga natuto na ako sa pagkakamali kong iyon. I'll get him back. Mahal na mahal ko siya kaya kahit ano ay gagawin ko para mabawi siya." determinado kong sagot sa kanya.
"Ang tanong ay kung gusto niya pa bang bumalik sayo? Di mo naman kasi mapipilit ang isang tao na bumalik sa buhay mo at mahalin ka ulit na parang walang nangyari ng basta-basta na lang." Nurse Annie was like a teacher na pinapaintindi sa estudyante niya ang lesson.
The surprising part was, I wasn't mad at all kahit na parang nanghihimasok na siya sa buhay ko. I could always do what I want kahit na ano pa ang sabihin ng iba.
But, her words cut through me like a sharp knife. Tama siya.
Paano kung ayaw na talaga ni Chio? Susuko nalang ba ako agad?
The answer is no. He's done far more things than what I could do to get him back. Alam ko iyon dahil nasaksihan ng dalawa kong mga mata ang mga efforts niya.
And now, it's my time to give. Ako naman ang mag-eeffort. Ako naman ang magpapakahirap. Ako naman ang tatanggap ng mga pasakit at rejections. May mga times na mararamdaman ko ang pagsuko pero hindi ko gagawin iyon. Hinding-hindi ko siya susukuan.
Kung kinakailangang maapakan ng ego ko, then go! I'm fine with anything as long as I get him back in my life.
Di rin nagtagal ay iniwan na ako ni Nurse Annie dahil may iba pa raw siyang pasyente na kailangang icheck.
Sa pag-uusap naming iyon ay mas lalo akong naging determinado na ipaglaban ang nararamdaman ko kay Chio.
I don't know if it's still a winning fight or not anymore pero I'll risk everything on it.
--
April 15, Chio's mom invited me to eat dinner at their house.
Birthday kasi ni tita. She's not really fond of fancy dinners kaya nagluto lang siya sa bahay nila at inanyayahan kami ni mommy na sa kanila na magdinner.
Mom obviously can't come because she needs to watch over daddy kaya ako nalang ang pumunta.
The dining table was a bit quiet unlike before... When Chio was still here.
Chio was always the life of the party. He happily entertains people kahit madalas ay tahimik siya sa harap ng ibang tao.
"How's summer, Ianna? Are you having fun?" tita Mia breaks the silence. The intention was purely to start a conversation, but it did hit a sensitive part inside my heart.
Huminga ako ng malalim at nginitian siya para itago ang kirot na nararamdaman sa aking dibdib.
"It's fine, tita. I've already memorized all the corners of North Madison." I jokingly said.
The conversation immediately changed after that. Nasense siguro ni Tito Higashi ang uneasiness ko kaya nagkwento nalang siya tungkol sa bago nilang investor na mula pa raw sa Seoul.
He knew I was a fan of anything that are related to kimchi. Yes, korean.
Chio always asks his father to take home something for me kapag sa Korea pumupunta si Tito. And that is to say, twice a month.
We were in the middle of dinner when tita Mia's phone rang.
She stared at the screen then her look travelled to me.
"It's Chio." after she said that, I stiffened on my seat.
Tita hesitantly grabbed her phone and answered it.
"Hello, Chio." bati ni tita.
"Hello, mommy! Happy Birthday!" sa sobrang tahimik ng paligid namin ay naririnig ang boses ng nasa kabilang linya.
Tita Mia's face softened as she exhaled.
"Thank you, anak. We're having dinner right now...with Ianna." there was a long pause after sabihin ni tita iyon.
I could almost imagine his expression after hearing my name.
"Ganun ba? Sorry I disturbed you. Mamaya nalang ako tatawag, mommy." malamig na utas ni Chio.
"Wait, Chi--" the call was cut before tita could even finish what she's saying.
Napabuntong-hininga siya at napailing si tito habang ako naman ay napayuko na lamang.
"Let's continue eating?" tita tried sounding cheerful pero that didn't make me feel okay.
I smiled at her and nodded. Nawala na ang gana ko sa pagkain pero pinilit ko nalang ubusin ang nasa plato ko dahil nahihiya ako kila tita at tito.
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
General Fiction"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...