Chapter 24
Lumipas ang ilang araw. Palagi akong nasa hospital para bantayan si daddy. Hindi naman nakaabala sa pag-aaral ko dahil 2 weeks ang itatagal ng school fest.
Nagkausap na kami ni mommy. Humingi siya ng sorry sa akin sa hindi pagsabi tungkol sa kalagayan ni daddy. Sinabi niya rin sa akin na hindi talaga sila pumunta ng London ni daddy para magbakasyon. Pumunta raw sila doon para sa operasyon ni daddy.
Ngunit sa kasamaang palad ay di naging maganda ang resulta ng operasyon. Isang araw matapos ang operasyon ay sumakit ng sobra ang ulo ni daddy hanggang sa nawalan daw siya ng malay. Sabi daw ng doctor ay nagkaroon daw ng komplikasyon kaya nagshutdown daw ang utak ni daddy na naging dahilan ng pagkakacomatose niya.
Panglimang araw na ng school fest ngayon. Sabi ni mommy ay umuwi muna ako at ienjoy ang school fest pero tumanggi ako dahil hangga't maaari ay gusto ko nandito ako if ever magising si daddy.
"Sabi naman ng doctor ay hindi pa siya gigising any time soon." palaging dahilan sakin ni mommy pag pinapauwi niya ako.
"Ayoko parin. Gusto ko dito lang ako sa tabi ni daddy." palagi ko rin namang sagot.
Di na rin ako nakapanuod ng game ni Chio. Nung isang araw naman ay tinawagan niya ako para ibalita sakin na pasok sila sa final game. Ni-congratulate ko siya at sinabi kong sorry dahil di ko napanuod ang games niya.
Twice pa lang siya nakakabalik sa hospital dahil lagi siyang pagod sa practice nila. Hindi niya man ako nakikita at nakakasama ay lagi niya naman akong tinatawagan at tinetext. Pinapaalala niya na kumain daw ako.
Those little acts of sweetness made me carry on everyday. I was too blind to see that I was falling for Chio already.
He doesn't deserve all the shits I've done. Yes, nung una pa lang ay alam ko na mali ang ginawa ko but I was so caught in the moment because of this love I felt for Lance.
Now, I know what I have to do. The choices were long laid in front of me and now I've finalized my decision.
I'm going to break-up with Lance and be with Chio. For real.
I'll stop this chase. I'll stop hurting the person I love. I truly love.
--
Every school year, the school fest ends with a battle of the bands contest. This year it's different but it's still anticipated. The organizers decided to hold a grand ball.
Ipinangako ko kay Chio na aattend ako dahil sabi niya ay kailangan kong mag-enjoy kahit sandali. Lagi nalang daw kasi akong seryoso.
I also thought that it's the perfect time to talk to Lance. It was the last event before Christmas Break.
The thought of breaking up with him before Christmas is sad and it could hurt him quite bad. But, the hell! Mas masakit sa part ni Chio pag nalaman niya pa ito at pinatagal ko pa. The pain will be harsher on him.
Dumating ang araw ng grand ball and though I hide it, I'm nervous.
Kasalukuyan akong inaayusan ng HMUA ng family namin na si Keira. I am going to wear a blue halter-top gown that's adorned with tiny bits of swarovski crystals.
Si Keira na rin ang pumili nito at ibabagay niya ang ayos ko para doon.
She pulled my hair up into a high ponytail. 2 hours niya akong inaayusan at nang matapos siya ay halos di ko na makilala ang sarili ko pagharap sa salamin.
"Wow." rinig kong sabi ng isang boses mula sa pinto ng kwarto ko. Pagdungaw ko doon ay nakita ko si Chio na parang lutang na nakatingin sa akin.
He's wearing a suit and he looked so ravishing as ever. Well, model siya kaya hindi na kataka-taka.
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
General Fiction"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...