Chapter 13

88 1 0
                                        

Chapter 13

Matapos kong mag-walk out sa party ni Kuya Lex kagabi ay pumara na ako agad ng taxi sa labas ng subdivision.

Buong gabi rin akong nasa loob lang ng kwarto at tulala sa kawalan.

Hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa party. Hindi man iyon ang first kiss ko ay parang ninakawan ako ng bagay na akin lamang dapat.

Noon ay pinangarap ko talagang mahalikan ni Lance. Iniimagine ko kung gaano kalambot ang mga labi niya. Kung magaling ba siyang humalik. At kung anong marararamdaman ko once na halikan niya ako.

Pero tignan mo nga naman, natupad na ang dati ay nasa mga panaginip ko lamang.

Gulat. Kaba. Takot. Inis. Saya. Butterflies in the stomach. Ilan lamang iyan sa mga naramdaman ko nung halikan niya ako.

Pero bakit sinampal mo siya Ianna?!

Napa-facepalm ako dahil dun.

Tanga ka talaga forevs Ianna!

Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha sa side table ang cellphone ko.

*156 messages received*
*81 missed calls*

Binuksan ko ang inbox at halos lahat ng texts ay kung hindi galing sa kabarkada ko na nagtatanong kung saan ako nagpunta kagabi, eh si Chio naman na nagtatanong kung umuwi na daw ba ako.

5-10 minutes ang pagitan ng 79 texts niya na pare-pareho ang laman.

Sa kanya din nagmula lahat ng missed calls. Hindi ko na kasi napansin kagabi ang phone ko dahil tulala lang talaga ako kagabi at naka-silent ang phone ko.

May isa ding text si Lance. Isa lang. At ang laman na naman ay...

From: Lance Ramos

Sorry. Pwede ba tayong mag-usap?

Gusto ko itong replyan. Gusto kong sabihin sa kanya na sorry dahil sinampal ko siya. Na di ko sinasadya yun. Na gusto ko rin siyang kausapin.

Dahil sa ginawa niyang yun, nabuhayan ako ng loob. Nabuhay ang naghihingalo kong pag-asa.

Kaso narealize kong di na pwede. Kasi pag hinayaan ko ang sarili kong habulin ulit siya, hinahayaan ko ring maghintay sa wala si Chio.

Ipinangako ko sa kanya na susubukan ko. Siya ang boyfriend ko. Siya dapat ang pagtuonan ko ng atensyon. Siya dapat ang pagbuhusan ko ng pagmamahal.

Alas siete y media pa lang ng umaga at sure ako na tulog pa si Chio. Nagbihis lang ako at pumunta na sa kanila.

Nadatnan ko sa kusina ang katulong nila na nagluluto ng breakfast. Nakaisip naman ako ng ideya kaya nagtungo ako sa ref nila at naghalungkat.

Kumuha ako ng pancake mix at inihanda ko sa isang mixing bowl. Inutusan kong mag-preheat ng mantika sa kawali si Manang Tilda at magtimpla ng orange juice sa isang pitcher.

Niluto ko ang pancake at pagkatapos ay inilagay sa plato na may fresh strawberries at maple syrup. Inayos ko sa tray ang lahat pati ang juice at umakyat na sa kwarto ni Chio.

Pagkapasok ko ay nadatnan kong mahimbing siyang natutulog at balot na balot pa ng kumot. Nilagay ko muna sa side table niya ang tray. Malamig sa kwarto niya kaya pinatay ko muna ang aircon at binuksan ang bintana.

Nang maayos ko na iyon ay lumapit ako sa kama niya at umupo sa gilid nito. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya at di napigilan ang mapangiti. Di maipagkakaila ang kagwapuhan niya lalo pa at magulo pa ang buhok niya.

Bakit kaya ganun 'no? Kung kelan magulo ang buhok ng mga lalake tsaka sila lalong gumagwapo. (Pero may exception din yun siyempre. Hahahaha)

Naku! Baka lumamig na yung pancake. Paano ko ba gigisingin 'to?

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon