Chapter 3

124 2 1
                                    

Chapter 3

Habang kumakain kami ni Michio, dinadaldal niya ako tungkol sa kung anu-ano. Tinanong niya rin ako kung sino yung mga kausap ko kanina. Sabi ko blockmates ko. Agad naman siyang nag-iba ng usapan pagkatapos nun. Uninterested sa kanila.

"Ilan nga ulit subjects mo this semester?" tanong niya habang nilalantakan ang fries niya.

"9. Bakit?" sagot ko naman. Bakit naman kaya 'to nagtatanong? Nagcocompare siguro. Pareho kasi kami ng course kaso mas heasvy yung kanila. 

Well, yun ang tingin ko.

"Wala lang."tapos ngumiti siya ng weird.

Oooookay. 

What was that? Yung ngiti kasi parang may maitim na balak. I gave him a suspicious look na agad nawala kasi iniba niya na naman ang topic.

"Nga pala, sabi ni mommy sa bahay ka daw namin magdinner."

Dinner? Sa bahay nila?

Na naman? 

Eh nung nakaraang araw lang eh sa kanila ako nagdinner.

Actually, every 2 days nga eh.

Hindi naman sa nagrereklamo ako pero medyo nakakahiya na eh. Sabi naman ni tita wag daw akong mahiya kasi parang anak na rin nila ako. Alam din nila mommy ang dinner. Lagi nga siyang nakangiti pag umuuwi ako eh.

"Tsaka samahan mo komanuod ng movie. May bago akong dinownload eh." dagdag niya pa.

"Eeeeeeehh~ Di ba pwedeng ikaw nalang mag-isa manuod?" reklamo ko.

Ayan na naman siya eh! Palibhasa alam niyang okay lang sa parents namin na lagi kaming magkasama. Para nga sa kanila eh mag-girlfriend at boyfriend na kami. Okay lang sa kanila na magsleepover  ako sa bahay nila Michio at siya naman sa bahay namin.

Ghaaaaaaaaad! We're like 18! Raging hormones season! Tapos opposite sex pa kami! Ugh! Napaka-kunsintidor ng parents namin!

Though alam ko naman na nirerespeto ako ni Michio. He's a gentleman, I know. Proven and tested. 

Ang nakakagulantang lang kasi eh sa tuwing sleepover at pagkagising ko sa umaga, nakayakap AKO sa kanya.

Oo.

AKO talaga!

Buti nalang at una akong nagigising kaya di niya alam. Di ko na rin sinasabi sa kanya at baka lumaki ang ulo niya at magfeeling.

"Sige na kasi. Sabado naman bukas. Wala kang pasok." at nagpuppy eyes pa talaga.

Tumango nalang ako. May bigla naman akong naisip. 

Tutal naman nanghingi siya ng pabor, manghihingi na rin ako.

"Basta ba sasamahan mo ako bukas sa mall." evil smile.

Malapit na kasi ang birthday ni Lance at gusto ko siyang bigyan ng regalo. At magpapatulong ako kay Michio.

"Osige. Samin ka na matulog mamaya. May surprise ako sayo." ngumiti din siya pero yung ngiti niya, nakakagaan ng pakiramdam.

Magpapasleepover na naman siya. Parang sobrang layo ng bahay namin eh magkatabi lang nga eh.

Oo. As in paglabas mo ng gate nila, tatawid ka lang tapos bahay namin.

Di pala magkatabi. Magkatapat pala. Lol. 

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon