Chapter 38

84 0 9
                                    

Chapter 38

Kinaumagahan ay di rin natuloy ang aming planong hiking dahil umulan. Matagal humupa iyon kaya umurong na kami. Ang ginawa nalang namin ay maglaro ng board games sa living room habang hinihintay mag-alas onse.

Ibinaba na rin ng mga boys ang mga gamit namin para madali nang ilagay sa sasakyan mamaya.

Dalawang oras din kaming nagtatawanan habang naglalaro ng UNO cards matapos magsawang maglaro ng iba't ibang board games gaya ng chess at monopoly.

Nang mag-alas diyes y media ay nagligpit na kami at ikinarga na sa sasakyan ang mga dala naming gamit. Habang naglalagay ang mga boys ng gamit sa sasakyan ay nagpicture nalang kami ng girls sa may beach habang naghihintay. Bawat cellphone namin ay ginamit naming pangpicture.

"Tara na girls!" tawag sa amin ni Janus bago sumakay sa driver's side ng van.

Sumunod na kami at isa-isang sumakay sa loob ng van. Nang sasakay na sana ako ay may tumawag sa akin.

"Ianna, sa akin ka sasabay." Malamig na sabi ni Chio mula sa likod ko.

Hinarap ko siya at nilingon muli ang mga kaibigan ko. Soreen gave me a weird look while the others tried pretending to act normal.

"Okay." Sagot ko bago naglakad papunta sa sasakyan niya.

Ako na mismo ang nagbukas ng pintuan ng passenger side. Hindi ko na inaasahang pagbuksan niya pa ako tulad ng ginagawa niya dati.

Pagkasara ko ng pinto ay pumasok na rin siya sa driver's side at direchong inistart ang engine ng sasakyan. He honked once bago inatras ang sasakyan at nauna nang nagdrive paalis doon.

Sinilip ko muna sa rearview mirror ang van bago sumandal sa backrest ng upuan at binalingan nalang ang bintana ng sasakyan.

Why am I even here? Is it because wala na si Yui at wala siyang makasama? Ugh. Kahit naman kasama niya ako ay parang wala din. He does not even talk to me. Yesteday was just for show or something. Formality lang iyon dahil kasama niya ako sa kwarto and he felt responsible about it.

"You could turn the stereo on." Basag niya sa kanina pang tahimik na paligid namin.

Umayos ako ng upo at binalingan siya. He's looking straight ahead with that permanent cold eyes.

"It's fine, Chio." I stared at him but he seems oblivious about it.

"Look, I'm trying to be civil with you. And please, don't stare at me."

Or not.

Sumandal nalang ulit ako sa upuan at ibinalik ang atensyon sa labas ng sasakyan. Kalaunan rin ay nakaramdam ako ng antok. Na-excite kasi ako sa sana ay unang hiking trip ko kaya alas singko pa lang ay gising na ako.

Pumikit nalang ako para makaidlip. Mas okay na ito kesa naman magtiis pa ako sa ilang oras na awkwardness.

I know I promised myself to do everything to get Chio back, but, I need to give him time to ease things up with me. Ayokong mas lalo lang siyang mainis sa akin. And well, the scene at the bar still stung my heart.

Nang magising ako ay malapit na kami sa Bulacan. Papasok na kami sa toll gate ng NLEX kaya nag-ayos na ako ng sarili.

Excitement dawned on me. Finally, I will see dad at home. Hindi ko alam kung alam na ni daddy at ni mommy na nakauwi na si Chio. Dad will be happy kapag nalaman niya iyon. Namimiss niya na si Chio kaya sigurado akong papapuntahin niya ito sa bahay. Maliban kasi sa modeling ay marami ring alam si Chio tungkol sa business. I even asked him once kung bakit CE ang kinuha niya eh magaling din naman siya sa business.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon