Special Chapter 2

61 1 1
                                    

Special Chapter 2

Michio's POV

It has been months since I accepted that modeling offer here in Japan.

Oo, nasa Japan lang ako. Matagal na yung offer ng isang sikat na agency sakin pero kamakailan ko lang tinanggap. You know what's the reason, obviously.

Nagpakabusy ako sa mga shoots, CFs, tv guestings at iba pa. Minsan ay pumupunta pa kami sa ibang bansa para sa photoshoots.

One time, sa Pilipinas dapat gaganapin ang isa kong shoot pero di ako pumayag. I was a big asset to the agency kaya wala silang nagawa kundi gawing sa ibang bansa nalang iyon.

Yes, umayaw ako. I said no to them. Nagulat nga sila sa ginawa ko eh. That was the first time I said no to my bosses.

Eversince my modeling career started, lagi lang akong go sa utos ng agency na naghahandle sa akin. But that time, I refused to them.

Di lang iyon ang pinagbago ko. Sabi nila di na raw ako gaanong ngumingiti. Nawala na raw ang masayahin kong disposisyon. Iba na raw yung way ng pakikipag-usap ko sa ibang tao. They say it was cold.

Sa tuwing naaalala ko ang mga kumento nilang iyon ay iniisip ko kung ano bang klase akong tao dati. The sad thing was, I can't remember who I was then.

Paano mo nga ba maaalala ang isang bagay na nilimot mo na? Bagay na ibinaon mo na sa kasuluk-sulukan ng iyong pag-iisip. Ayaw mo na'ng maalala dahil sakit lang ang naidulot nito sa'yo.

"Michio, are you okay? You're idling again." tanong sa akin ni Yui.

Ah, oo nga pala. Nandito ako sa park malapit sa bahay namin dito sa Japan. Kasama ko si Yui.

Kyoto Yui. She's my new friend here in Japan. Nagtatrabaho siya sa agency na naghahandle sakin. Actually, pamangkin siya ng CEO.

Lagi niya akong sinasamahan 'pag wala siyang ginagawa sa agency. Kakwentuhan ko siya madalas kaya marami na rin siyang alam tungkol sa akin.

"Do you miss Philippines?" tanong niya ulit.

Hinarap ko siya at nginitian.

"Yes. I do miss it a lot." sagot ko sa kanya.

"Then, why don't you go back there? Your family wants you there, I'm sure." mabuting kaibigan si Yui pero hindi ko kayang ikwento sa kanya ang dahilan kung bakit ako umalis ng Pilipinas. Ang alam niya ay dahil lang sa pagmomodelo ko.

"I know." tangi ko nalang sagot at saka siya nginitian muli.

Madalas tumawag si mommy sa akin. Lagi niyang sinasabi na umuwi na raw ako.

Lagi niya ring kinukwento si Ianna sa akin. Kung kamusta na siya at kung anong mga ginagawa niya habang wala ako.

Ilang beses ko na siya pinagsabihan na itigil na ang pagkukwento tungkol kay Ianna pero ayaw niyang tumigil. Minsan 'pag naririndi na ako ay binababaan ko siya ng phone.

Bastos but I can't take it.

I remembered the times nung bago pa lang ako dito sa Japan. I got homesick the first two weeks. Gusto ko nang bumalik agad sa Pinas pero sa tuwing naaalala ko yung ginawa ni Ianna, I get mad again.

I loathed Ianna. I loathed Lance. I loathed myself!

Yes! Pati sa sarili ko, galit ako. I loathed myself kasi I will never be good enough for her. I will never be her first choice.

Tanggap ko na noon pa man na hindi ako magiging only choice ni Ianna. Kaya lagi kong hiling dati na kahit man lang maging first choice niya ako.

But, no. I was never in that place. I always felt na nasa huli ako.

With that, I changed myself. I erased the old Michio.

I changed how I look. The color of my hair, my image in the modeling industry, the way I talk, the way I dress.

Hindi ko napansin, pati personality ko nag-iiba na rin ng paunti-unti hanggang sa pati ako di na rin makilala ang sarili.

Tahimik lang akong nag-iisip habang nakatingin lang ng direcho sa malayo.

Tahimik lang din si Yui sa tabi ko. That's what I liked the most with Yui. We enjoy that comfortable silence between us.

Nang magtatakip-silim na ay nagdesisyon na akong bumalik sa bahay namin.

Nagpaalam na ako kay Yui pero sinundan niya pala ako.

Bago ako pumasok sa gate ay hinarap ko siya.

"Go home now, Yui. It's starting to get dark already." sabi ko sa kanya.

Sa kabilang street lang ang apartment na tinitirhan ni Yui kaya lagi ko rin siyang kasama 'pag wala akong shoot.

Nginitian niya ako at tumango siya ng marahan. "Aye aye! See you tomorrow?"

Ginulo ko ang kanyang buhok at nagpout naman siya sa ginawa ko.

Cutie.

Dahil dun ay di ko napigilan ang sarili kong kurutin ang pisngi niya.

Magrereklamo pa sana siya but I waved her off at pumasok na ako sa loob ng gate namin. Napailing nalang ako at natawa sa sarili.

I got my phone out of my pocket and typed a tweet.

'Kyoto Yui you are such a cutie :')'

After I tweeted that, nagbihis na ako ng pambahay at nagluto ng aking dinner.

Habang nagluluto ay naisip ko ulit ang sinabi ni Yui sa akin kanina.

Am I ready to go back to the Philippines?

Was 3 months enough? Totoo ba yung three-month rule?

Sa totoo lang ay namimiss ko na sila mommy at daddy. Namimiss ko na ang Pilipinas.

Pagkatapos kong kumain ay tinawagan ko ang manager ko.

"Hello, Zander. When's my last scheduled shoot?" tanong ko agad pagkasagot ng manager ko sa tawag.

"Hmm... Let me see..."ilang saglit bago siya nagsalita, siguro ay tinignan niya ang schedule ko. "Ah! Here it is! April 27. Why?"

"How long will I be work-free?" tanong ko ulit.

"Well, I think you'll be free until August. That's when your next brochure shoot for Ceci Magazine in Korea will be done. Though, it's still not the final date." sagot niya naman.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Book me a flight to Philippines on April. After my last shoot."

"You sure? The last time I checked, you didn't want to go to the Philippines. You were almost mad the last time we tried to take you there for a shoot." Yeah. Muntikan na nila akong dalhin dun for another shoot kahit alam nilang ayaw ko. They hid it from me pero nalaman ko ang tungkol dun the day before the shoot.

"Yeah. Well, people change." I said, putting on the cold guy act again.

"O-kay. Is that all?" nasense niya siguro ang pag-iiba ng tono ko kaya medyo natense siya.

"Yes. I'll hang up now. Bye." at ibinaba ko na ang tawag.

Sunod ko namang tinawagan si Yui. Agad niya naman itong sinagot na parang inaabangan niya talaga ang pagtawag ko.

"Hello, Michio? Why did you call?" tanong niya agad.

"Prepare your passport and luggage. I'm bringing you with me to the Philippines next month." malamig kong sabi.

"Really?" bakas sa boses niya ang pagkagulat.

"Yes. So, that's all. Bye." hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang maging ganito.

I talk to anyone like I am a CEO of a company. Parang nakikipag-usap ako sa isang possible investor. So business-like.

Tinatawanan ako ni Yui minsan dahil para raw akong robot.

Pagkababa ni Yui sa tawag ay huminga ulit ako ng malalim.

It's final.

I'm going back to the Philippines.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon