Chapter 35

73 3 12
                                    

Chapter 35


"Oh? Cool."


Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ni Wil matapos marinig ang sinabi ni Chio.


Tinignan ko silang dalawa. Nakatitig si Chio kay Wil ng seryoso habang si Wil naman ay nakangiti lamang kay Chio.


Wala naman akong naramdamang tensyon sa kanilang dalawa, though, I wished there was.


Dati ay naiinis ako pag nagseselos si Chio sa ibang lalake na nakakausap ko. Ngayon ay gusto kong makita na nagseselos siya. So, I was kinda disappointed right now.


Matapos iyon ay nagpatuloy kami sa paglalaro. Nang ako na ang magsasabi ng Never Have I Ever ko, wala akong maisip na maganda kaya nauwi iyon sa "Never Have I Ever eaten okra."


Lahat sila ay uminom. So, ako lang pala ang may ayaw sa okra sa aming lahat. So lame.


"Ano ba naman yun, Ianna? Di ka kumakain ng okra?" di makapaniwalang sambit ni Darius. "Ang tagal na nating magkaibigan pero ngayon ko lang yun nalaman!"


Medyo nahiya ako sa part na iyon. I don't know, but, I feel like the fact that I don't like eating okra is a bit of a shame. Pero anong magagawa ko? Ayaw ko talaga nun eh.


"Why do you dislike okra?" tanong ni Wil. He seemed really curious about it.


Well, napansin ko lang na napakacurious ni Wil. Kanina pa siya nagtatanong ng kung ano-ano tungkol sakin. Simula pa kanina nung makita niya ako.


"Uhh... I just don't feel like eating it. Tsaka I hate the fact that it seems like it secretes saliva." Medyo napangiwi pa ako habang sinasabi iyon.


Sa tuwing may niluluto nga sa bahay namin na may sahog na okra, mommy would always tell the maids to cook a separate food for me.


Napatango lang si Wil doon. And then, his turn came.


"Hmm... Let's get a bit thrilling now, shall we?" bago siya magsalita ulit ay humawak siya sa baba niya at umakto na nag-iisip. "Never have I ever...aha!... Never have I ever cheated."


Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay napako ako sa aking kinauupuan. Napansin ko rin na napatingin sa gawi ko ang mga kaibigan ko ngunit di nila iyon gaanong pinahalata.


Unti-unti akong tumingin kay Chio na nadatnan kong nakatingin lang sa apoy sa harap namin. Nakataas ang kanyang isang kilay at nakaigiting ang panga.


Wil was oblivious about it. Abala siya sa pag-ikot ng tingin niya para makita kung may iinom. Medyo nanlaki ang mata niya nang bumalik ang tingin niya sa akin.


Itinaas ko sa aking bibig ang baso na may lamang inumin gamit ang aking nangingig na kamay. I took one gulp and when I lowered the glass, hindi ko alam kung imagination ko lang iyon ngunit tila nakita kong pinunasan ni Chio ang isang luha mula sa kanyang mata.

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon