Chapter 7
Pagkalabas ko ng banyo ay nakaayos na ang lahat at nakaupo na si Chio sa kama niya, nakasandal sa headboard.
Tumabi ako sa kanya at nginitian siya. "Tara nuod na tayo." sabi ko.
Tumango siya, kinuha ang remote control at pinindot ang play. Ang tahimik niya parin sa akin. Hindi ako sanay. Ganito lang siya makitungo sakin kapag nagtatampo siya. And it only happens once in a blue moon.
He was watching intently nang may naisip akong gawin para mawala ang tampo niya. I scooted closer to him.
Una ay nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya. Napangiti ako nang napansin kong nagstiff ang shoulders niya. Sunod ay ipinulupot ko ang mga kamay ko sa bewang niya. This time, narinig ko siyang magmura ng mahina. Mas lalo akong napangiti.
"What are you doing?" tanong niya na may bakas ng ngiti. I know right then that he's easing up.
"Making myself comfortable." wala sa sarili kong sagot.
Bumuntong-hininga siya at nafeel ko na gumalaw siya at umakbay sakin.
By now, I can't take the smile away from my face. It's like home in his arms. Ganito ba ang nararamdaman kapag mahal ka rin ng taong mahal mo? It's like heaven on earth.
Isang oras mahigit kaming ganun. Tahimik na nanunuod. Minsan ay nararamdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko. I think I made him happy.
Nang matapos ang movie ay ganun parin ang posisyon namin. Ni hindi pa ako inaantok. Iniisip ko parin yung movie. What if we could time travel? What if the person you love could never be yours? What if you're given the mission to kill someone and that someone is you? Pero ang gulo talaga nung movie. Hahaha
Bibitaw na sana ako sa pagkakayakap kaso pi igilan ako ni Chio.
"Wag muna." mahina niyang sambit.
Napatingin ako sa kanya. Narealize ko na mali ang ginawa ko dahil ilang inches nalang ang layo ng mga mukha namin.
He doesn't want this moment to end. Feel niya siguro ay mawawala ako pag bumitaw ako. If that's it then I guess the wound that I inflicted on him was deep.
Unti-unting lumapit ang mukha niya sakin. He's gonna kiss me... But, am I ready for it?
One inch... One inch nalang ang layo namin. I was ready to close my eyes. It was very inviting but, something told me it's not right.
"Uhm... Sabi mo may surprise ka. What was it?" sabi ko pagkabalikwas ng tingin sa kanya. Pinilit kong magmukhang excited para mawala ang tensyon sa kwarto.
Narinig ko ang buntong-hininga niya kaya napatingin ako sa kanya. He was smiling pero there was something in his eyes. Regrets? Sadness? I don't know.
"Oh, that. Yeah. Wait, I'll get it." tumayo siya at pumunta sa closet niya. May kinuha siya sa pinakababang drawer pero di ko nakita dahil nung pabalik na siya ay itinago niya ito sa likuran niya. "Close your eyes."
I closed my eyes instantly. I don't wanna make a fuss anymore.
Naramdaman kong umupo siya sa kama kasabay ang pag-abot sa kamay ko at may inilagay siyang isang parisukat na bagay doon. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ang isang bagay na matagal ko nang gustong bilhin pero hindi mabili dahil ayaw pumayag nila mommy.
Sa sobrang saya ko ay niyakap ko si Chio ng mahigpit. Hindi maalis ang sobrang lapad na ngiti.
"Thank you so much, Chio!" bumitaw ako sa yakap niya at tinignan ang The Lost Planet Concert DVD ng EXO na bigay niya.
Oo I'm obsessed with Kpop, especially, EXO. their voices are so good at napakagaling pa nila magsayaw. They also act. Ang pinakapaborito ko sa kanila ay si Park Chanyeol. Nagconcert na sila dito sa bansa at napanuod ko na iyon. Ayaw pa nga akong payagan nila mommy nun pero nung sinabi ni Chio na sasamahan niya ako ay pinayagan na nila ako.
"I knew you'd like it." nakangiti niyang sabi. Satisfied.
I am really really happy right now. Chio never failed in making me smile. He's the best choice for me. He's always there when I need him.
"Uhm, Chio... I have something for you, too..." pagkasabi ko nun ay nakita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi niya ito inexpect. Ako rin ay hindi binalak ito. Pero I know it's worth the try.
"Ano 'yun?" tanong niya. "If it's a concert ticket to Imagine Dragons, well thank you!" pagbibiro niya na nagpatawa sakin.
"Silly! I know na nakabili ka na nun last month pa. But... Close your eyes." sabi ko.
Medyo kinakabahan ako pero I want to give it to him. This would mean a lot to both of us.
I moved closer to him. I looked intently at his angelic face. Ang mga pilik mata niyang mahaba, matangos niyang ilong, even his diamond earring sa right ear. And his thin pink lips.
Napalunok ako at napakagat labi. Inabot ko ang kamay ko at hinaplos ang mukha niya nang di namamalayan.
Iminulat niya ang kanyang mga mata, looking straight to my eyes, nagtataka. Bumalik ang kaba sa akin.
Magsasalita dapat siya pero pinigilan ko siya at hinalikan siya sa labi. Nung una ay bakas sa mukha niya ang gulat pero kalaunan ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at tumugon sa halik ko.
It's not my first kiss pero HE was my first kiss. It happened when we were in high school and it was just a peck on the lips. This one's different. I can't explain it.
Nang humiwalay siya sa halik ay pinaglapat niya ang aming mga noo.
"Is this a dream? If it is then, I'll sleep forever." bulong niya nang nakapikit parin.
I gave him a peck on the lips and spoke, "No, it isn't."
"Chio, I want to take a chance." I answered.
"You'll be my girlfriend?" sa tanong niyang ito ay para siyang batang sinabihan ng mama niya na dadalhin siya nito sa amusement park.
I smiled, giggled and nodded. "Yes."
And that's when he grabbed me for a bearhug.

BINABASA MO ANG
The Endless Chase
Fiction générale"The chances of me moving on from THAT guy was as great as the chances of snowing here in the Philippines..." -Ianna Gersen Alonzo "She's all that I want. I'd choose her in every lifetime we would live. But would this unending cycle end? I wish she'...