Chapter 17

100 2 2
                                    

Chapter 17

Two weeks na mahigit mula nang umalis sila mommy at daddy. Sobrang tahimik sa bahay. Tuwing umaga ay si Manang Lina ang nagluluto ng almusal ko. Namimiss ko na nga ang luto ni mommy eh.

Tinatawagan naman nila ako sa tuwing di sila busy. Kinakamusta nila ang studies ko at yung band practice ko.

Pinabantayan din nila ako kay Chio na daig pa ang katulong namin kasi halos sa bahay na matulog. Kung di ko pa hilahin palabas ng bahay ay di pa siya uuwi.

Two weeks na rin simula nung nagtransfer siya sa school namin. Naka-adjust na siya at halos kada-hapon ay practice nila sa soccer. Buti nalang at palagi kaming may band practice pagkatapos ng class hours kaya di ako nabuburyong sa paghihintay sa kanya.

Two weeks na rin simula ng aminin sakin ni Lance na gusto niya ako. After ng araw na yun, kinakausap niya na ako. Papansin na nga minsan eh lalo na pag practice namin sa band. Kakausapin niya ako ng tungkol sa kahit ano. Pati nga tungkol sa mga palabas sa tv kinukwento niya pa sakin. He's doing anything just to talk to me.

It's like the world turned upside down. The change within these weeks were drastic. Minsan akala ko I'm stuck in my dreams. Dati ako ang naghahabol kay Lance, ngayon he's the one who's asking for my attention.

And crazy as it seems, I'm loving it. Ito naman talaga ang gusto ko noon pa. To be his focal point.

But, something's wrong with it kasi may boyfriend na ako.

"Ianna, uuwi ka na ba?" tanong ni Lance sakin matapos ang band practice. Nililigpit niya yung guitar niya.

"Hindi pa. Hihintayin ko pa si Chio eh. Mamaya pa tapos nila." sagot ko naman. Maagang natapos ang practice namin at kailangan ko pa tuloy hintayin si Chio ng 1 hour dahil 6:30 PM pa ang tapos nila.

"Ah. Ganun ba? Gusto mo samahan muna kita?" pag-aalok niya. Isinukbit niya sa balikat niya ang bag ng gitara at nilapitan ako.

Tinaasan ko siya ng kilay. Why did he became so persistent with me? Alam niyang may boyfriend na ako and yet he's still here trying to get me. Hindi naman sa nag-aassume ako pero yun ang ginagawa niya. He wants me to want him. At ang masama, I can't help myself but oblige.

"Why are you doing this, Lance? Alam mong may boyfriend na ako." mariin kong sabi sa kanya.

Inilapit niya sa aking tenga ang bibig niya at saka sumagot, "I like you, Ianna. And I know you still love me. Hindi mo mahal si Chio. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sakin."

Dahil dito ay napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang siya at bumilis naman ang tibok ng puso ko. Masama ba ako kung sasabihin kong masaya ako dahil sa sinabi niya?

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas sa band room. Hinayaan ko lang siya na dalhin ako kung saan man kami pupunta.

"This will be fun, Ianna. We're like secret lovers." sabi niya sakin habang paakyat kami ng building.

Pagdating namin sa 5th floor ay binuksan niya ang pinto patungong rooftop. Pagdating namin doon ay sinalubong kami ng malamig na hangin. Konti nalang ang tao sa school kaya wala nang nakapansin samin na umakyat dito. Off limits sa students ang rooftop kaya di ko alam kung paanong nagkaroon kami ng access dito gayong locked ito palagi. Siguro ay may susi si Lance dito. Pero saan niya naman kaya nakuha?

"Lance, masama itong gagawin natin. Ayokong makasakit ng ibang tao." sabi ko sa kanya.

"Then, break up with him." simple niyang sabi.

Napaawang ang bibig ko. Si Lance ba talaga ito? Anong nangyari sa kanya. It's like some dark side of him invaded his system.

"Nahihibang ka na ba? You think it's that easy to break up with him?"

The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon