Chapter 2
-Meet Sean, Carlo and Kirsten-
***MIKO'S POV***
"Uy, tol! Halika dito! Bilis!" Tawag sa akin ni Sean. Napatingin sa direksyon ko ang nakatalikod na si Debbie at yung guy. Hindi na sana ako tutuloy eh. Kaso nakita na pala ako ni Sean.
Lumapit na din ako. Nakakahiya namang bigla nalang umalis dun. Pagkalapit ko sa table nila, ngumiti sa akin si Debbie. Gumaan loob ko dun. Bumalik sa isip ko yung task ko sa babaeng 'to. Mukhang magiging madali naman pala eh.
"Tol, si Debbie at si Carlo. Friends ko sa frat namin---" Napatigil sandali si Sean at napatingin kay Debbie. "Well, si Carlo lang pala. Haha. Sorry." Tuloy niya habang natatawa pa.
Pero wait, eh so ano si Debbie dito? 'Wag nilang sabihing boyfriend niya yung Carlo. Masisira diskarte ko kung totoo man hinala ko. Badtrip.
"Hi, nice meeting you, pare." Sabi ko kay Carlo. Tumingin ako kay Debbie, "Nice meeting you again, Debbie."
Ngumiti naman siya. Napatingin si Carlo kay Debbie na parang nagtataka.
"Magkakilala kayo?" Tanong niya kay Debbie.
"Ahh. Oo. Kanina kasi bago ako pumunta dito, nawasak phone niya sa harap ko. Haha. As in sira talaga." Kwento ni Debbie kina Carlo at Sean.
"Ahh. Kaya pala ang tagal mo eh." Sagot naman ni Sean.
"Sorry naman. Kasi akala ko ako may kasalanan nung pagkasira ng phone niya eh. Akala ko natapakan ko or something." Depensa ni Debbie.
Sa totoo lang ang cute nilang tatlo tignan. Para silang magkakapatid. Yung dalawa yung kuya, lalo na si Carlo.
"Debbie Jane A. Biazon pala full name ko. Haha. You?" Sabi ni Debbie sa akin.
"Miko Miguel R. Delgado." Sagot ko.
"Haha. Okay. Uy, umupo ka kaya!" Insist niya.
"Uhhh...yeah. Haha. Uhmmm...Pwede magtanong?" Tanong ko pagkaupo ko sa tabi ni Sean.
"Ano yun?" Sabay-sabay na tanong nung tatlo.
"Kayo ba?" Tanong ko kina Debbie at Carlo. Alam ko nakakahiya yung tanong ko. Pero kailangang kapalan mukha ko.
"Ahh. Haha. Hindi ah." Sagot ni Debbie habang nakangiti.
"Parang kapatid ko lang 'to si Djane (Deejane). Imposible yan, pare. Haha." Sagot naman ni Carlo. Pero bakit Djane?
"Ako din, mga brod, nagtataka ako sa inyo eh. Bakit kasi hindi nalang kayo? Haha." Asar ni Sean.
"Loko. Hindi nga. Tara na nga, Djane. Alis na tayo. 'Di ba may bibilhin ka pa?" Aya ni Carlo kay Debbie. Bakit ba kasi Djane tawag niya dun sa babaeng yun?!
"Ay oo nga pala. Sige ah. Bye, guys!" Paalam naman ni Debbie habang kinukuha bag niya. Sinundan ko sila ng tingin ni Carlo habang papalabas ng McDonald's. Pero biglang bumalik si Debbie.
"Uy Sean. Daan ka pala mamaya sa bahay ah? Sige ah. Bye ulit." Bilin ni Debbie kay Sean. Ganun ba talaga sila kaclose para dumaan 'tong si Sean kila Debbie???
"Sige sige. Bye. Ingat kayo. Wag ka hihiwalay kay Carlo, baka mawala ka. Hahaha." Asar ulit ni Sean.
At last, kami nalang ni Sean. Itatanong ko na ang lahat ng gusto kong tanungin. Lumipat ako dun sa upuan sa harap niya, kung saan naupo si Carlo kanina. Sinimulan ko siyang tanungin.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Fiksi RemajaEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
