Chapter 10
-Miko Must Focus-
***MIKO'S POV***
Ako? Oo, tama. Ako nga yung kasama niya kahapon.
"Alam ba ni Dave?"
Si Carlo yun.
Anong alam nung Dave?
"Ah. Hindi pa. Pero alam ko eventually malalaman niya din yun. Si Dave pa?"
"Sa bagay. Anong gagawin mo 'pag nalaman niya?"
"Bahala na."
"Hay. DJane naman eh. 'Wag mo na kasi ituloy."
"Tama na nga, Carlo. Sabi ko matutulog ako eh."
"Sige na nga. Matulog ka na."
"Gisingin mo 'ko 'pag malapit na mag-1 PM ah."
"'Ge."
Ano ba yung pinag-usapan nila? At sino ba yung Dave? Boyfriend ba ni Debbie yun? Eh kung gano'n, bakit laging si Carlo ang kasama niya? Hay ang gulo!
Ayoko na matulog dito! Makaalis na nga. Bago pa ako mabisto nung dalawa na narinig ko pinag-usapan nila.
---
Nasa klase na ako pero hindi ako makaconcentrate sa kakaisip nung pinag-usapan nina Debbie at Carlo kanina.
Wala akong urge pakinggan yung prof ko. Basta ang alam ko puro bulate yung dinidiscuss niyang topic dun sa harap. Hay! Wala akong pakialam! Saka ko nalang 'yan poproblemahin 'pag malapit na exam.
Sandali, may naisip ako...
Si Sean! Oo, tama. Si Sean ang tatanungin ko kung sino si Dave!
Ay shoot! Kakausapin pa pala ako ni Kurt mamaya. Hay! Badtrip naman oh! Ano bang araw ngayon? Mas maaga nga pala dismissal ko kay Sean. Maabutan ko yun. Siguro naman by that time, tapos na ako kausapin ni Kurt.
"Huy, pre! Kanina ka pa tinitignan nung prof. Umayos ka nga." Sabi ni Zeke sa akin. Kaklase ko nga pala 'to sa subject na 'to.
"Pre, may idea ka ba kung bakit ako kakausapin ni Kurt mamaya?" Tanong ko.
"Aba malay ko. Iba takbo ng utak nun. At kung may plano man yun, hindi niya sinasabi sa amin."
"Ah. Ganun ba? Ganun ba talaga siya kaangas?"
"Pre, pwede ba, 'wag mo 'ko daldalin kasi may balak akong ma-exempt sa finals dito eh. Kaya makikinig ako."
Psh. May tinatago talagang pagka-GC 'to eh. Akala ko hanggang porma lang at natural na matalino eh. Masipag din pala.
Hay. Ang tagal ng oras. May isa pa akong subject. 4 PM pa tapos ng class ko.
"'Ge, pre. Una na ako. Goodluck sa usapan niyo ni Kurt mamaya." Paalam ni Zeke, tapos tinapik pa ako sa balikat.
Pumunta na ako sa next class ko. As expected, hindi nanaman ako nakikinig. Isip pa rin ako nang isip.
Dave. Dave. Dave. Parang narinig ko nang binanggit ni Debbie yung pangalan na yun eh. Kailan ba? Alalahanin mo, Miko! Isip pa!
Napatigil ako.
***Flashback***
"Ano ka ba? Okay lang 'no! May lakad din kami mamaya eh. Alam mo na." (Bianca)
"Sus. Magsama nga kayo ni Dave!" (Debbie)
"Talaga! Magsasama kami. Haha. Maiwan ka. Hahaha. Sige, sis. Buh-byeee!" (Bianca)
***End of Flashback***
Tama!! Yun nga! Kahapon! Nung kasama niya si Bianca bago kami kumain sa Rob.
"Magsama nga kayo ni Dave!"
Paulit-ulit yun sa utak ko. Bakit naman niya sasabihin yun kay Bianca? Kaano-ano ba talaga nila yung Dave na yun?!
Hay!! Hindi ko na matiis! Kailangan ko nang tanungin si Sean! Wala namang pakialam yung prof kung magtext kami dito sa klase eh.
To: Sean Liaco
Pards, nasaan ka? Usap tayo mamaya. May tatanungin ako.
1 message received
From: Debbie Jane Biazon
Pards, wala akong load. Nakitext lang ako kay Debbie. May klase pa kami eh. Hintayin mo dismissal ko?
Badtrip. Sana naman hindi niya na kasama si Debbie sa next class niya.
To: Sean Liaco
Sige, pards. Importante lang talaga. May tatanungin lang ako.
From: Debbie Jane Biazon
Ge, pards. Nagkaklase pa kami eh. Kita nalang tayo mamaya.
Hindi na ako nagreply.
Teka, bakit ba buong-buo ang pangalan ni Debbie na nakaregister dito sa contacts ko? Mapalitan nga.
Hay ang tagal ng oras. 10 minutes pa bago matapos yung klase! Sige, susubukan ko na talagang makinig dito.
"So, are we clear with the things needed?" Tanong nung prof.
Ano bang sinasabi niyang things needed? Kinalabit ko yung katabi ko.
"Lynn, anong things needed ang sinasabi ni Ma'am?" Tanong ko.
"Hay nako, Miko. Halatang hindi nakikinig. Next next week daw kasi magsstart na tayo sa dissection ng cats. Kaya kailangan na nating magprepare ng mga gagamitin pang-dissect at ngayon palang ay maghanap na ng lugar na pagkukuhanan ng mga pusa. Bawal daw dito manghuli sa CAS nor sa White Colleges dun sa kabila."
"Ahhhh. Sige, salamat ha?"
"Walang anuman. Makinig ka nga next time. Haha."
"Opo. Haha."
'Pagtapos nun, dinismiss na kami.
---
Sa tambayan ng PEM...
"Sineseryoso mo ba talaga 'tong initiation mo?" Tanong ni Kurt sa akin.
"Oo naman. Bakit mo naman naisip na hindi?" Tanong ko naman.
"Yung nakita ko kanina, bakit ibang babae ang kasama mo? Bakit hindi si Debbie?"
Iniinterrogate niya ako. =______=
"Yun yung babaeng totoong gusto ko. Syempre hindi ko din naman maiwasang hindi siya samahan. Saka hinanap ko si Debbie kanina. Kaso may klase."
"Ginagalang mo ba talaga ako, ha, Delgado? Saka hindi ko na kailangan explanation mo! Pinapaalala ko lang sa'yo na tumatakbo ang oras. As much as possible sana matapos mo na!"
"Alam ko naman PO yun eh. 'Wag PO kayong mag-alala, magagawa ko naman PO yung ipagagawa NIYO eh."
Talagang inemphasize ko pa yung mga words na magalang.
"Sige na! Umalis ka na nga sa harap ko! Tapusin mo na 'yan!"
Umalis na ako kaagad. Bwiset. Nakakabadtrip yung lalaking yun.
Hay nako. Tama na nga, Miko. Future brod at current leader yun ng PEM. Dapat maging mabait ka sa kanya.
Kaso 'pag alis ko nang tambayan, umaambon na pala. Hayyy! Kailangan ko pang hanapin si Sean eh. Wala pa namang load yun. Lalo akong nababadtrip. Bukas ko nalang kaya kausapin?
Pero kasi kating-kati na 'kong malaman eh. Pa'no kung yung Dave na yun ang maging hadlang sa mga plano ko?
Papasok na sana ako ulit sa RH para hanapin si Sean. Pero iba ang nakita ko. Si Debbie. May kasama siya. Hindi si Sean. Hindi rin si Carlo. Matangkad na lalaki.
Could it be...
Dave?
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
