Chapter 44 - Walang Halaga

547 13 1
                                    

Chapter 44

-Walang Halaga-

***DEBBIE'S POV***

Nagvibrate na yung circular obejct, hudyat para kunin na ni Bianca yung order namin. Bumalik siya kaagad, dala yung tray ng frappe at cake slices na inorder niya.

"So ano nang nangyari kay Kurt? Did you talk to him after that?" Tanong ko, nang makaupo na siya sa harap ko.

"Well, yeah. Nakasalubong ko siya isang beses sa hallway. Sinubukan niya akong iwasan pero hinarang ko siya. Wala siyang nagawa kundi pakinggan ako. I asked him kung niligawan niya lang ba ako dahil sa Psi Chi Phi or  nagkagusto at minamahal niya talaga ako." Kwento niya.

"Anong response niya?" Tanong ko.

***Flashback***

"Oo, minahal kita, Bianca! Mahal na mahal! Tinago ko lang nung una dahil alam kong may gusto ka talaga kay Dave, at wala akong pag-asa! But I tried, Bianca! I still tried! For the sake of passing Psi Chi Phi and for the sake of getting a chance with you! Pero sa huli, nabigo rin ako. Eh wala eh, si Dave talaga ang gusto mo. It has always been Dave. If you think niligawan lang kita dahil sa Psi Chi Phi, nagkakamali ka. Sige, Bianca, aalis na ako. May klase pa ako."

***End of Flashback***

"And after that, iniiwasan na talaga niya ako. Nalaman ko pa sa blockmates namin na binabackstab niya nang sobra si Dave. Unti-unti siyang nagbago. Sumama yung ugali niya, hanggang sa nabalitaan nalang namin ni Dave na sumali na nga siya sa Rho Sigma Mu, naging leader pa ngayong year." Kwento ni Bianca.

"So malaki ang insecurities niya talaga ever since kay Dave? At isa ka na dun sa dahilan kung bakit nagkakaganyan siya?" Tanong ko.

"I guess so?"

"Bakit mo 'to sinasabi sa akin?"

"Well, I just want to say sorry. Kung 'di ako namili noon sa pagitan nilang dalawa, hindi magkakagulo sina Dave at Kurt ngayon, hindi nila kayo gagamitin para makaganti. If I had just been fair to the both of them, hindi sana mangyayari 'to. Kung hindi dahil sa amin, hindi kayo aabot ni Miko sa ganito. I know how much you love each other. Alam ko nagsimula lang 'yan sa kanya-kanyang initiation tasks niyo, pero sa simula palang, alam ko nang dyan hahantong 'yan. I saw that coming, you know."

"Nah, it's okay. Kung 'di naman din dahil sa mga inutos sa amin, hindi rin naman kami magkakakilala ni Miko eh. We could fix this, alright? No need to be sorry." Nginitian ko si Bianca.

Pagkatapos namin mag-usap, pumasok na si Bianca sa susunod na class niyang 5 pm to 8:30 pm. Ako naman, dumeretso na sa Taft Avenue para sumakay sa FX, papuntang Buendia. Rush hour na kaya marami nang taong nag-aabang ng masasakyan. Matagal-tagal na akong nakatayo dito, naghihintay ng FX. Never sumagi sa isip kong pinagsisisihan kong hindi ako sumasabay kay Dave pauwi dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Eh ano naman kung may kotse siya? I'll get one someday. Konting pilit lang kay Dad.

Halos humaba na yung leeg ko sa kakatanaw kung may bakante ba sa mga dumadaang FX. Pero no luck. Napalingon ako sa likuran ko dahil sinundan ko ng tingin yung FX na akala ko may space, wala pala. Nagulat ako nang maaninag ko si Miko roon. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya. Nanlaki yung mga mata niya nang makita ako, pero agad niyang iniwas yung paningin niya sa akin.

"Kanina ka pa nandyan?" Tanong ko.

Tumango lang siya pero hindi nakatingin sa akin. Deretso ang tingin niya sa mga nagdadaang FX.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon