Chapter 50 - She Got Her Phone Back

576 15 0
                                    

Chapter 50

-She Got Her Phone Back-

***DEBBIE'S POV***

"A-Anong ginagawa mo dito? 'Di ba nandoon ka sa taas kanina lang?" Tanong ko.

"May I talk to you?" Seryosong tanong niya.

Nagkatinginan kami ni Bret. Noong una, eh parang ayaw niya pa akong payagan.

"Hay. Here I go again, walang magawa. Bakit ba kasi hindi pa tayo eh." Bulong niya as he held my hand, "Sige, kita nalang tayo mamaya."

Umakyat na si Bret at nakita ko pang suminghap siya nung dinaanan niya si Miko. Hindi nalang yun pinansin ni Miko. Bumaba na siya doon sa stairs at nagulat ako nang hinila niya ako paakyat ulit. Hindi siya doon dumaan sa dinaanan ni Bret.

"Hey, you don't have to drag me. Sasama naman ako nang maayos eh." Sabi ko, habang patuloy niya pa rin akong hinihila.

Hindi niya ako binitawan, hanggang sa makarating kami sa third floor, sa may Department of Biology hallway. Wala kasing masyadong tao dito. Tumigil kami sa may tahimik na hallway. Walang nagsasalita sa amin. Nakatayo lang kami pareho sa harap ng isa't-isa.

May dumaang grupo ng mga babae sa likuran niya kaya napatingin ako sa kanila. Their eyes are so judgmental. Napatunayan ko din naman kasi narinig kong pinag-uusapan nila kami.

"Hindi ba si Miko Delgado yung nakatalikod na guy?"

"Oo, siya nga. Tas yung girl si Debbie Biazon, yung kapatid ni DJ, yung gwapong leader ng Psi Chi Phi."

"Wait, hindi ba kakabreak lang nina Miko at Kirsten? Ang balita ko dahil kay Carlo Mercado eh. Hindi ko alam na dahil rin pala kay Debbie."

"Hindi kaya siya ang umagaw kay Miko?"

"Baka nga. Hindi ba parehong PolSci sina Debbie at Carlo? Close friends nga ata sila eh. Baka pinag-usapan at pinlano nila 'to."

That's it! Nanggigigil na ako. Ito namang si Miko, intentionally pa silang pinapakinggan. Sa sobrang inis ko, naglakad na ako papunta dun sa hallway kung saan nanggaling yung mga bruhang dumaan. Iniwan ko na si Miko doon, na parang nag-eenjoy pa sa mga naririnig niya. Palibhasa, hindi siya ang naaapektuhan eh. Hindi siya ang nasasaktan sa mga naririnig niya. Hay nako! Ito nanaman yung mga mata ko, naluluha nanaman.

Dun ako dumeretso sa hallway papuntang GAB. Bwisit na Miko yun! Sinadya niya ba akong dalin dun para iparinig sa akin ang mga sinasabi nung mga babae? Kasabwat niya siguro yung mga yun. Ugh!

Pinupunasan ko yung luha sa pisngi ko nang biglang may humila sa braso ko, kaya na-out of balance ako at napasandal sa pader.

"What the hell, Miko?! Bakit ba?!" Galit na tanong ko. Oo, galit ako. Naiiyak ako dahil sa galit.

"Bakit ka umalis? Hindi pa tayo nag-uusap ah." Kunot-noong tanong niya, habang hindi pa rin binibitawan yung braso ko.

Hinawi ko yun, "Ano bang pag-uusapan natin, ha?! If I know, pinarinig mo lang sa akin yung mga pinagsasasabi nung mga babaeng yun!"

"Ano? Bakit ko naman gagawin yun?"

"Kasi galit ka sa akin, 'di ba?! Ngayong wala na kayo ni Kirsten, sa akin mo binubuhos ang galit mo! I don't know what I have done to you para magalit ka sa'kin nang ganito. Nagsorry na ako. I've done my part. Kung hindi mo matanggap yun, wala na akong magagawa. Kaya pwede ba? Tigilan mo na ako. Nasaktan mo na ako, congratulations!"

Tinalikuran ko na siya at nagmartsa na paalis dun. Hindi na ako ulit umiyak pagkatapos nun. Naiinis lang ako, yun lang.

---

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon