Chapter 28
-Be Your Everything-
***MIKO'S POV***
"Tara na. Saan mo gustong bumili ng pagkain? Sorry kung pinutol ko yung pagkain mo kanina, ha? Kailangan lang talaga kitang ilayo dun eh." Sabi ko, sabay kamot ng ulo. Ngumingiti pa rin ako kahit na nagseselos ako, just to give her an assurance na okay nga lang sa akin 'tong mga nangyayari.
"Sa Mcdo nalang." Seryoso niyang sagot. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.
Pumunta na nga kami ng Mcdo. Siya lang yung kumain, kasi ako naman, natapos ko yung kinakain ko kanina. Pinagmamasdan ko lang siya, napapangiti na ako.
"Miko."
"Hm?" Sagot ko habang nakangiti pa rin at nakahalukipkip.
"'Wag ka ngang ngiti nang ngiti. Lalo mo lang akong kinokonsensya eh." Sabi niya nang nakakunot-noo pa.
"Ngingiti ako hanggang gusto ko. Kumain ka lang dyan." Sabi ko. Hindi ko pa rin tinatanggal yung ngiti sa labi ko.
"Para kang baliw."
"Baliw sa'yo."
Umirap lang siya, at kumain na ulit.
"Pahiram ng phone."
"No. The last time you borrowed this, tinignan mo yung gallery ko."
"Ano namang masama dun? Bakit, may bago bang selfies dyan? O baka naman may porn ka na dyan?" Ngumisi naman ako.
"Hoy, asa ka. Oh, ayan! Tss. Kainis." Agad niya namang binigay sa akin.
Hiniram ko 'to para burahin yung number ni Carlo, para maiwasan niya nang tawagan at itext pa. Pati yung conversation nila sa inbox niya tinanggal ko na rin, pati sa logbook dinelete ko yung history.
"Here." Sabay binalik ko na yung phone niya.
"Wow, that was fast. Anong ginawa mo?"
Seryoso na yung facial expression ko, "Dinelete ko yung number at conversation niyo ni Carlo dyan sa phone mo."
"YOU WHAT?! Bakit mo ginawa yun?!" Halos sumigaw na siya dun sa Mcdo. Tinignan pa kami nung mga tao sa kabilang tables.
"Debbie, sabi mo sa akin you're trying to move on, too. Simple lang 'yang ginawa ko para maiwasan mo siyang tawagan o itext. Buti nga hindi ko pa siya inunfriend sa Facebook account mo eh."
Natahimik lang siya.
"If you need help, just call or text me. You have my number, right? You don't need Carlo. Let me take his place. I'll be your bestfriend, your knight in shining armor, your boyfriend, your everything.", hinawakan ko yung kamay niyang nakapatong sa table, "I'll be everything you'll need."
Tinignan niya ako nang deretso sa mata. God, I love those eyes! Napansin kong maluha-luha siya. Tapos yung mga tao, nagtitinginan na sa amin.
"Hala, bakit?" Nanlalaking-matang tanong ko.
"W-Wala. Ikaw kasi eh." Sabi niya habang pinipigilan yung luha niya.
"Haha! Kinilig ka ba?"
Tinanggal niya yung kamay niyang hawak ko, "TSEH! Hindi 'no! Ang corny kaya nun! Tara na nga! Uwi na tayo!"
Tumayo na siya at umalis. Sumunod naman ako.
"Babe!! Sandali, hintayin mo naman ako oh. Uuwi na tayo? Babe, hindi pa tapos yung bahay na pinagagawa ko. Mamaya na tayo umuwi, Babe." Nilakasan ko talaga yung boses ko, dahilan para marinig ng mga tao sa Mcdo yung pinagsasasabi ko.
Kitang-kita ko yung mukha ni Debbie na napapahiya sa mga sinasabi ko. Lalo naman akong tumawa.
"Ang cute mo. Hahaha."
Naglakad siya papalayo dun sa Mcdo para makaiwas sa mga taong nakatingin sa amin. Sinundan ko lang siya kung saan siya papunta.
"Nakakahiya ka. Tara na nga, umuwi na tayo. Hatid mo naman ako sa bahay oh. Hindi pumasok si Dave eh. Wala akong sasakyan pauwi. Pwede ba?"
"Sige ba. Sabi ko nga, I'll be your everything. Kahit maging driver mo pa ako, ayos lang." Tumawa pa ako. Pero deep inside, masakit pala. Nagpapagamit ako sa kanya. Saan na napunta yung fact na dapat siya ang gagamitin ko? Rho Sigma Mu? Initiation? Nasaan na?
Nakarating na kami dun sa kotse ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto na parang driver niya talaga.
"Stop, I can open the door by myself." Sabay pumasok na siya sa loob ng kotse ko.
Pumunta na rin ako sa kabilang side. Nagseatbelt na ako. Tinignan ko si Debbie. Nakaseatbelt na rin siya. Sayang, akala ko pa naman ito na yung moment na accidentally kami magkikiss dahil ifafasten ko yung seatbelt niya. You know, cliche love stories? Haha.
"Ang bango ng kotse mo." Sabi niya habang tinatapat sa kanya yung aircon sa side niya.
"You like it?" Ngumisi ako at pinaandar na yung kotse. Hindi na siya umimik. Binuksan niya yung radyo. Saktong kakatapos lang ng isang kanta at may kasunod na ito.
"Wow. What a coincidence." Sabi ko.
Four letter word
But I don't have the guts to say it
Smile til it hurts
Let's not make it complicated
We got a story..
"But I'm about to change the ending. You're perfect for me. More than just a friend so we can just stop pretending now. Gotta let you know somehow" Kinanta ko yung parte na yun at maloko ko pang tinitignan si Debbie.
I'll be your shelter
I'll be your storm
I'll make you shiver
I'll keep you warm
Whatever weather
Baby I'm yours
Be your forever, Be your fling...
"Baby, I will be your everything" Kinanta ko nanaman at may pa-nudge nudge pa ako kay Debbie. Haha.
We used to say
That we would always stay together
But who's to say
That we could never last forever
Girl, got a question
Could you see yourself with somebody else?...
"Cause I'm on a mission. And I don't wanna share, I want you all to myself right now. I just wanna scream it out." Again, kinanta ko nanaman. Naglealean pa ako sa balikat niya habang nagdadrive.
I'll be your shelter
I'll be your storm
I'll make you shiver
I'll keep you warm
Whatever weather
Baby I'm yours
Be your forever, Be your fling
Baby, I will be your everything...
"No matter what you do. I'll be there for you. And every time you close your eyes. I will be by your side. 'Cause every time you make me sing. Baby, I will be your everything." Ako nanaman.
I'll be your shelter
I'll be your storm
I'll make you shiver
I'll keep you warm
Whatever weather
Baby I'm yours
Be your forever, Be your fling
Baby, I will be your everything
Baby, I will be your everything...
Saktong pumula yung stoplight kaya humarap ako sa kanya at kinanta yung last line...
"Baby, I will be your everything"
Humarap siya sa akin. Ayan nanaman, teary-eyed nanaman siya.
"Uy, grabe. Nakakaiyak ba yung boses ko? Tss. Ayoko na nga." Sabay humalukipkip ako habang hinihintay na mag-green yung ilaw.
Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa right cheek. Napaharap ako sa kanya sa gulat.
Ngumiti siya, "It was.....perfect, actually. You sounded great. And the lyrics.....t'was just so perfect."
Naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko, at napatingin ako dun sa labi niyang nakangiti. Nawala ata ako sa katinuan kaya hinalikan ko iyon. Pero smack lang.
Gulat na gulat si Debbie. Nanlalaki yung mga mata niya, kaya kitang-kita nanaman yung pagkabrown nun. Sakto naman na nag-green na yung stoplight. Pinaandar ko na ulit yung sasakyan.
"Wh-What was that f-for?" Nauutal na tanong ni Debbie.
"Uhmmm...sorry. Hindi ko sinasadya. Ikaw kasi eh. I...I mean, yung lips mo kasi...I mean, ugh! Nevermind." Sabay-kamot ko sa ulo.
"Wow, kasalanan ko pa pala. Tss." Sabi niya, sabay humalukipkip pa.
"A-Ayaw mo ba? Kung ayaw mo, hindi ko na ulit gagawin yun. Sorry. Siguro sa kasal nalang natin."
"Hindi naman sa a-...ayaw. Pero kasi.....Wait, ano?! KASAL?!", natigilan siya sandali, "Una, hinalikan mo ako sa lips. Partida, hindi pa tayo. Pangalawa, kasal kaagad? Hindi ka naman ata nagmamadali, ano?" Hala, naghyhysterical na si Debbie.
"Hahahahahaha. Ang cute mo talaga. Kaya lalo akong naiinlove eh."
"Tss. Bahala ka nga!" Humalukipkip nanaman siya at tumingin nalang doon sa labas.
Tahimik na siya buong byahe. Parang leeg ko pa nga yung sumasakit para sa kanya eh. Pa'no ba naman, kanina pa siya nakatingin sa labas. Ni hindi man lang dumapo yung paningin niya sa direksyon ko.
"Ehem ehem. Uhhh...Debbie. Nandito na tayo sa village niyo. Pakituro naman yung daan, kasi kung hindi mo ituturo, doon tayo sa bahay namin dederetso at hindi na kita ihahatid sa inyo." Panakot ko sa kanya.
Nanlaki bigla yung mata niya at sumagot kaagad, "Kumanan ka dyan, tapos makikita mo yung malaking white and brown na bahay sa may bandang dulo. Dun. Dun yung bahay namin."
Halos humagalpak ako sa tawa nung kabadong-kabado siya sa sagot niya. Talagang natakot ata siya na iuuwi ko siya sa amin. HAHAHA.
Nakarating na nga kami doon sa bahay nila. Agad akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto, kaso nakalabas siya kaagad sa kotse.
"Tss. Nakipag-unahan pa." Bulong ko.
"Sabi ko naman kasi sa'yo, kaya ko naman eh. Ginagawa mo naman akong inutil eh. Sige sige na! Papasok na ako. Thank you sa paghatid. I owe you one." Sabi niya, sabay ngumiti.
"Wala bang goodbye kiss?" Nakapout pa ako. Haha!
"Goodbye kiss your face! Nakadalawa ka na ngayon ah. Sige na, alis ka na."
Hinintay ko muna siyang makapasok sa loob bago ako aalis. Nagdoorbell na muna siya kasi masyadong mataas yung gate nila para mabuksan niya. Bigla namang lumabas ang isang matangkad na mukhang middle-aged na lalaki.
"Dad. Bakit ikaw po ang nagbukas ng gate? Nasa'n sina Ate Joan?" Tanong ni Debbie, sabay bumeso sa Dad niya. So siya pala si Tito Jerome, ang Dad ni Debbie na galit kay Carlo. Nandito na pala siya ulit sa Pilipinas. Honestly, he seems nice.
"I was about to fetch you myself. Ngayong hapon ko lang nalaman na hindi pala pumasok si Dave. Pinagday-off ko rin kasi yung driver. Sino naman naghatid sa'yo? Don't tell me nagcommute ka!"
"Ahh. Nagpahatid nalang po ako dito kay Miko. Don't worry, he has his own car. So hindi kami nagcommute."
Napansin kong napatingin sa akin yung Dad ni Debbie.
"Thanks for bringing her home, hijo. Miko, right?"
"Opo. No problem po, Sir. I'd gladly take her home kahit everyday pa 'yan."
Napansin kong tumaas yung kilay ng Dad ni Debbie habang nakangiti.
"Dad, Miko's the son of Tita Mariel and Tito Mike." Sabi naman ni Debbie.
"Really?! Ikaw pala yung laging bukambibig ni Mike sa meetings ng alumni. Tara, pasok ka."
"Ha? Ah, eh Dad, baka kailangan na pong umuwi ni Miko." Sabi naman ni Debbie.
"Ay, hindi naman po. Ayos lang sa akin magstay muna." Tutol ko naman.
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Halos magsinglaki lang, compared sa bahay namin. Naupo ako dun sa magandang sofa nila.
"Actually, tamang-tama yung dating mo eh." Sabi ng Dad ni Debbie.
"Bakit po, Sir?"
"No, don't call me Sir. Tito Jerome nalang. Para namang hindi ko kapatid sa frat 'yang si Mike. Anyway, may plano kasi ang Psi Chi Phi na maghold ng isang formal party. Both for residents and alumni. Just a little mingling with both sides. Knowing na pareho kayong royal blood nitong si DJane ko, invited na rin kayo. Alam ko namang hindi pa kayo legitimate members, 'di ba? Pero alam naman nating lahat na dun din ang punta niyo. PsiChi pa rin in the end."
"So, required po kami sumama?" Tanong ni Debbie.
"Well, for you, yes, I'm requiring you. That's a Sunday. Panigurado naman wala kayong pasok nun. For Miko, I'll tell Mike and Mariel to require you, too."
"Ah, s-sige po." Bukod-tangi kong nasagot.
Wow, a Rho Sigma Mu pledge is coming to a Psi Chi Phi party. Great. Just great.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
