Chapter 54 (Part 1) - Discovered Notes

737 21 3
                                    

A/N: Sorry hindi ko pinagkasya sa isang chapter, kaya hinati ko nalang. Huhu. Merry Christmas pala, guys! Mwah! :***

------------------------------------------------------------------------------

Chapter 54 (Part 1)

-Discovered Notes-

***DEBBIE'S POV***

Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay napalingon ako. How did he know? Ganun niya kabilis nabasa yung letter na iniwan ko kay Manong Guard? Imposible naman ata yun. Eh halata namang sinundan niya ako mula sa bahay nila.

"T-That's great." Tumango nalang ako at tumakbo na pauwi.

Pagdating ko sa bahay, naghihintay pala si Dave doon sa garden namin. Hindi niya pa nailolock yung kwarto ko kaya umakyat na ako kaagad.

---

Saturday nang madaling araw, ang aga kong nagising. Madaling-araw daw ang alis namin sa school kaya hindi pa sumisikat ang araw ay ready na akong umalis ng bahay. Gising na din si Dad by this time kasi may mga bilin ata siya. You know, the usual overprotective Dad that he is. Ganun din si Dave. Akala mo naman sa States ako pupunta kung makapagbilin at makapagpaalam ang mga ito. Hinihintay na rin ako ni Manong Driver eh.

"Kumain ka sa tamang oras, ha? Kapag nilalamok ka na, magpahid ka kaagad ng Off Lotion. Meron ka bang mosquito repellant stickers dyan? Importanteng meron ka nun. Ayoko ring didikit-dikit ka sa mga guys doon, ha? 'Wag kang gagala-gala doon kapag gabi, baka mapahamak ka pa." Ang daldal talaga ni Dad.

"Yes, Dad. Pwede bang itext mo nalang sa akin yung iba pang bilin mo? Kasi baka ma-late pa ako at iwanan ako ng prof namin eh." Medyo inaantok na sinabi ko.

"Itext? 'Di ba wala kang phone?"

Nabuhay ang buong kaluluwa ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat nang marealize ko yung sinabi ko. Nagkatinginan kami ni Dave. Parang gusto niya akong batukan sa inis.

"Uhm...Uh..." Hindi ko na alam ang isasagot ko. Miski si Dave ay hindi alam ang sasabihin para saluhin ako.

"Nasa'yo ang phone mo? Akala ko ba hindi mo mahanap? You told me it was lost!" Nakakunot na yung noo ni Dad sa akin.

"Well, I'm going to tell you eventually rin naman. But I guess napaaga?" Nakuha ko pang magloko.

"Dad, baka ma-late na si DJane." Sabi naman ni Dave habang pinagtutulakan ako papunta dun sa sasakyan.

"You'll be grounded when you come back, young lady!" Sabi ni Dad habang kinakaladkad ako ni Dave.

"Ikaw naman kasi patanga-tanga eh." Bulong ni Dave sa akin.

"What? Sorry naman ah. Sobrang inaantok lang talaga ako at wala sa sarili." Bulong ko rin.

Nakasakay na ako sa kotse. Sumakay na din si Manong Driver at pinaandar yung makina.

"Bye, Kuya!" Sabi ko kay Dave habang nasa labas siya ng sasakyan.

Tumingin din ako kay Dad, "Bye, Dad!"

Wala siyang nagawa kundi magpaalam din sa akin kahit medyo galit siya. 'Di niya rin naman magawang kunin ang phone ko kasi alam niyang kakailanganin ko yun para macontact siya.

Nakarating na kami sa school. Binitbit ko yung malaking bag ko. Nakita kong unti-unti na silang sumasakay dun sa jeep. Oo, seryoso pala talaga yung jeep na yun. Ugh! Ang sakit nito sa katawan!

"Biazon! Dun ka na sa harapan, sa tabi nung driver." Utos ni Sir sa akin.

Buti naman. Para hindi na ako makipagsiksikan dun sa mga nasa likod. Pumunta na ako doon at nakipagkilala sa driver. Alam kong makakaencounter ko pa kasi 'to dahil sa PE namin bukas. Good thing he looks nice.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon