Chapter 3 - Miko's First Move

1.1K 24 1
                                        

Chapter 3

-Miko's First Move-

***MIKO'S POV***

"Bakit ba sulpot nang sulpot 'tong lalaking 'to?" Bulong ko sa sarili ko. Nakakabadtrip naman kasi eh. Kanina lang, kasama niya sila Sean at Debbie. Ngayon, malalaman ko na close pala sila ni Kirsten? Sarap bangasan ng mukha eh.

Tumingin ako dun sa tambayan kung may tao habang chinecheck ng guard yung bag ko. Tanaw kasi from the outside yung tambayan. Tinitignan ko kasi,...wala lang. Baka kasi nandoon si Lord Kurt at minamatyagan ako. =_____=

Wala namang tao doon kaya binalik ko na tingin ko kay Kirsten at Carlo. Lalo naman akong nabadtrip dahil nakita kong nagtatawanan pa sila. At may pahampas hampas pa si Kirsten sa braso ni Carlo. Dapat na ba akong lumapit doon para lumayas na yung Carlo na yun dun?!

Hindi ko na kinailangang bangasin mukha niya. Buti naman at umalis na siya. Nagpaalam na siya kay Kirsten at ngumiti pa. Halata mong may sparks yung mata niya eh. Sandali. Nalilito ako. Ganun din siya tumingin kay Debbie eh. Baka sadyang ganun lang siya sa lahat ng mga babae. Bwiset. Doon na siya kay Debbie. Akin si Kirsten!

Lumapit na ako sa kanya. Napansin kong handang handa na siyang kumopya ng homework. =____= babaeng 'to talaga, basta kopyahan. Pasalamat siya mahal ko siya eh.

"Uy, Mikoko! Tagal mo ah! Bilis, upo na dito. Pahiram na ng homework. Tamo, 15 minutes nalang time na oh." Sunud-sunod na sabi ni Kirsten.

"Oh ayan na. Siguro naman naiintindihan mo yung solutions, di ko na kailangan explain sa'yo?" Sabi ko habang inaabot sa kanya yung homework.

"Oo naman. Umalis lang kasi kami kagabi kaya hindi ko nagawa yung akin." Sagot niya.

"Psh. Tama na yang palusot mo, Sten. Haha." Sabi ko sabay ginulo buhok niya habang nakayuko siya at nagsusulat nung homework.

"Ano ba! Storbo 'to. Tsk." Sabay-hawi niya sa kamay ko at tinuloy pa rin yung sinusulat niya.

Hayyy. Ang sarap titigan nitong babaeng 'to. I could do this all day. Ano bang problema sa akin at hindi ako nagustuhan noon ni Kirsten?? Gwapo naman ako, matalino, talented. Habulin nga ako ng mga babae eh. Tapos itong babaeng nasa harap ko, hindi ako gusto??? Kakaiba siya. Pero parang gusto ko rin yung pakiramdam na ako naman yung naghahabol. After all, lalaki naman dapat gumagawa nun 'di ba?

Naupo nalang ako dun sa tabi niya habang hinihintay siyang matapos dun. Tinititigan ko pa rin si Sten.

"Huy. Pwede ba? Alam ko gandang-ganda ka sa akin pero sana naman konting iwas din. Haha. Matunaw na ako niyan eh. Nakakailang kaya." Sabi niya habang nagsusulat pa rin.

"Sige na! Yayabang ka na dyan eh." Sagot ko at tumingin naman ako sa ibang direksyon.

Pinagmamasdan ko lang yung mga taong dumadaan dun sa labas na sidewalk at yung mga pumapasok sa RH building. Sakto naman na nakita ko si Debbie kasama si Carlo nanaman na lumabas doon.

"Deb, wait! Wait! May ibibigay ako. Bilis." Sigaw nung isang babae na nanggaling din dun sa loob ng RH at may hinahabol kay Debbie. Sabay naman napalingon yung dalawa.

Pinanuod ko lang sila. Hindi ko na narinig yung sinabi nung babae. Medyo malayo din kasi kami sa kanila. Nakita ko lang na may inabot siyang notebook kay Debbie. Nagpaalam na din yung babae at bumalik na doon sa loob ng RH at sila Carlo naman ay pumunta sa GAB (Gusaling Andres Bonifacio).

Bago pa sila makalayo, nakita ko namang tumakbo si Sean papunta kila Carlo at Debbie. Nung naabutan niya sila, inakbayan niya yung dalawa. Parang tropa nga silang tatlo eh. Saan kaya tatambay yung mga yun? 1 pa daw klase nila ah.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon